ALAB PILIPINAS FIGHTS FOR SURVIVAL AGAINST SINGAPORE

Alab Pilipinas hopes to display their “pusong palaban” as they fight to extend their ASEAN Basketball League (ABL) semifinals series against the Singapore Slingers on Game 2 this Friday (April 7), which will be aired LIVE from the Baliwag Star Arena in Bulacan on S+A at 8pm with livestreaming on sports.abs-cbn.com.

 

Alab dropped their first playoff game against the 2016 runner-ups 67-77in Singapore as injuries to Bobby Ray Parks and Jeric Fortuna dampened the debut of former UAAP MVP and Philippine basketball phenom Kiefer Ravena, who scored 16 points.

 

For Game 2, the second seed Slingers will still be relying on Game 1 top-scorer Xavier Alexander and 2016 MVP Wei Long Wong as they continue to hunt for the elusive title in Southeast Asia’s only professional regional basketball league.

 

If Alab wins on Friday, a do-or-die scenario will find its conclusion on April 9 at the Singaporeans’ own homefront.

 

Don’t miss Alab Pilipinas’ fight for survival in the Playoff round against 2016 ABL season runner-up Singapore Slingers this Friday (April 7) at 8pm LIVE on S+A and via livestreaming on sports.abs-cbn.com. For more information and stories, visit ABS-CBN’s sports hub sports.abs-cbn.com and follow @ABSCBNSports on Facebook and Twitter.

 

-30-

 

 

ABL Semis Game 2, live sa S+A

ALAB PILIPINAS SASABAK SA DO-OR-DIE KONTRA SINGAPORE

 

Ipapamalas ng Alab Pilipinas ang kanilang pusong palaban sa hangaring mapahaba pa ang kanilang serye kontra Singapore Slingers sa Game 2 ng ASEAN Basketball League (ABL) semifinals, na mapapanood ng LIVE ngayong Biyernes (April 7) mula sa Baliwag Star Arena sa Bulacan sa S+A ng 8pm, at may livestreaming din sa sports.abs-cbn.com.

 

Nabigo ang Alab sa kanilang unang laro sa playoffs laban sa runner-up noong 2016 sa iskor na 67-77 sa Singapore kung saan nagtamo ng injury sina Bobby Ray Parks at Jeric Fortuna sa kanilang unang laro kasama si Kiefer Ravena. Kumana ng 16 puntos ang dating UAAP MVP at kinikilalang “phenom” sa Philippine basketball na si Kiefer Ravena, ngunit hindi ito naging sapat sa magandang laro ng Slingers.

 

Para sa Game 2, muling aasahan ng second seed na Slingers ang top scorer ng Game 1 na si Xavier Alexander at ang 2016 ABL MVP na si Wei Long Wong upang makamit muli ang tsansang mapanalunan ang kampeonato sa natatanging professional regional basketball league sa Southeast Asia.

 

Sakaling makasungkit ang Alab ng panalo sa Biyernes, isang winner-take-all ang tatapos sa kanilang playoff series sa tahanan ng mga Singaporean sa Linggo (April 9).

 

Saksihan ang “Pusong Palaban” ng Alab Pilipinas sa kanilang laban kontra 2016 ABL runner-up Singapore Slingers ngayong Biyernes (April 7) ng 8pm LIVE sa S+A at sa livestreaming ng sports.abs-cbn.com. Para sa karagdagang impormasyon at iba pang mga balita, bumisita lamang sa sports hub ng ABS-CBN na sports.abs-cbn.com at i-follow ang @ABSCBNSports sa Facebook at Twitter.

 

-30-

Comments are closed.