ALAB PILIPINAS’ HOT STREAK ON THE LINE AGAINST TOUGH HK LIONS



Alab Pilipinas is riding high on a three-game winning streak and looks to keep it firing when it goes up against the Hong Kong Eastern Long Lions in a high-powered matchup between two of the top teams in the ASEAN Basketball League (ABL) that will be aired LIVE from Southorn Stadium, Wan Chai, Hong Kong this Sunday (January 22), 8pm on ABS-CBN’s S+A channel.

Alab Pilipinas (5-2) will be leaning on Bobby Ray Parks, Jr. who is currently leading in almost every statistical category and has been their main man in big wins against league-leading Singapore Slingers, defending ABL champions WestSports Malaysia Dragons, and the Kaohsiung Truth. Parks will need to deliver his season average of 22.3 points, 9.4 rebounds, and 3.4 assists a game to help his team grab the solo second spot against the Hong Kong Eastern Long Lions, which is bannered by the trio of Lee Ki, Tyler Lamb, and Chan Siu Wing.

Parks hopes to get a big lift from Alab’s big men reinforcements Sampson Carter and James Hughes, who both immediately made an impact since coming on board last January 8, through their rebounding and rim protection.

Meanwhile, in another ABL pairing, the Saigon Heat (1-4) looks to buck their slow start by following up their first victory of the season with another against the defending ABL champions WestSports Malaysia Dragons (1-5), which is also looking to get back to their winning ways on Friday (January 20), live on S+A at 8pm.

Don’t miss the explosive and high-octane basketball action on S+A this Friday (January 20), featuring the Saigon Heat and WestSports Malaysia Dragons, and this Sunday (January 22) as Alab Pilipinas takes on the Hong Kong Eastern Long Lions LIVE from Southorn Stadium, Wan Chai, Hong Kong at 8pm. For more information and stories, go online visit ABS-CBN’s sports hub sports.abs-cbn.com, and follow their official social media accounts on Facebook and Twitter (@ABSCBNSports).

-30-

 

Saigon Heat gustong makabawi sa WestSports Malaysia…

WINNING STREAK NG ALAB PILIPINAS ITATAYA LABAN SA HK LIONS

Tatlong sunud-sunod na panalo ang naibuslo ng Alab Pilipinas upang maging pinakamainit na koponan ngayon sa ASEAN Basketball League (ABL).  Sa darating na Linggo (January 22), itataya ng koponan ni Bobby Ray Parks Jr. ang kanilang winning streak sa kanilang laro laban sa Hong Kong Eastern Long Lions na ipapalabas ng LIVE mula sa Southorn Stadium sa Wan Chai, Hong Kong sa S+A channel ng ABS-CBN.

May 5-2 na kartada ang Alab at muli nilang aasahan ang dating NU superstar na si Parks, Jr., na nangunguna sa koponan sa halos lahat ng mga kategorya sa kanilang mga panalo laban sa league-leading Singapore Slingers, defending ABL champions WestSports Malaysia Dragons, at Kaohsiung Truth. Kailangan matumbasan ni Parks ang kanyang season average na 22.3 puntos, 9.4 rebounds, at 3.4 assists para makuha nila ang solo second laban sa Hong Kong Eastern Long Lions, na binabandera nina Lee Ki, Tyler Lamb, and Chan Siu Wing.

Umaasa si Parks na muli siyang makakakuha ng tulong mula sa mga reinforcement ng Alab na sina Sampson Carter at James Hughes, na sumali sa koponan noong January 8, na nag-aambag sa pag-hakot sa rebound at pag-protekta sa kanilang ring sa depensa.

Samantala, sa isa pang ABL game, susubukang bumawi ng Saigon Heat (1-4) sa kanilang unang pagkapanalo sa bagong season sa kanilang pagsagupa sa defending ABL champions na WestSports Malaysia Dragons (1-5), na gusto namang ibalik ang bangis ng mga naghari noon nakaraang season sa Biyernes (January 20), live sa S+A sa ganap na 8pm.

Huwag palampasin ang umaatikabong sagupaan at mainit na mga laro ng basketball sa ABL sa S+A, ang nangungunang sports channel sa free TV sa bansa, ngayong Biyernes (January 20) sa pagitan ng Saigon Heat at WestSports Malaysia Dragons ng 8pm, at sa darating na Linggo (January 22) sa pagitan naman ng Alab Pilipinas at Hong Kong Eastern Long Lions ng LIVE mula sa Southorn Stadium sa Wan Chai, Hong Kong sa ganap na 8pm. Para sa karagdagang impormasyon, bumisita lamang sa online sports hub ng ABS-CBN Sports na sports.abs-cbn.com, at sundan ang social media accounts nila sa Facebook at Twitter (@ABSCBNSports).

 

-30-

Comments are closed.