Alab Pilipinas starts new campaign in ABL’s 8th season on ABS-CBN S+A

It’s time to light the fires once again for Alab Pilipinas, the Philippines’ representative in the ASEAN Basketball League’s (ABL) eighth season, which opens with a home game of the squad at the Mall of Asia Arena this Sunday (November 19) LIVE on ABS-CBN S+A and S+A HD at 8 pm.

Alab, which almost made it to last year’s Finals, is raring to make a splash in the international scene again behind a new coach in former national player and professional great, Jimmy Alapag. Alapag will be relying on his main guns like 2016-2017 ABL MVP Bobby Ray Parks, Jr., former Green Archer and UAAP champion Rico Maierhoffer, Fil-Am swingman Lawrence Domingo, and hulking American import, former Atlanta Hawk Ivan Johnson. Spicing up the squad will be the veteran presence of the Cebuano Hotshot, Dondon Hontiveros, who brings his legendary sniping to the ABL.

The Philippine team hopes to make a deeper run in the new season after falling short of their objective last year: to win a championship. However, they’ll be facing stiffer competition with the entry of four new squads.

Joining the fray in one of the best professional basketball leagues in Southeast Asia are the Formosa Dreamers from Taiwan, CLS Knights from Indonesia, Nanhai Long Lions from China, and the returning Mono Vampire squad from Thailand. They’ll be going up against our very own Alab Pilipinas, the Singapore Slingers, the Saigon Heat, the Westports Malaysia Dragons, and the defending champions Hong Kong Eastern Long Lions, who will feature Philippine national team standout Christian Standhardinger as import.

Don’t miss the opening day festivities of the eighth ABL season this Sunday (November 19) LIVE from the MoA Arena on S+A and S+A HD at 8 pm. Aside from that, the gates will be open to Filipino hoop nuts all over the metro so they can catch their Alab Pilipinas in the flesh. For more information and stories, visit ABS-CBN’s sports hub sports.abs-cbn.com and follow @ABSCBNSports on Facebook and Twitter.

 

 

ALAB, BUBUKSAN ANG KAMPANYA SA BAGONG SEASON NG ABL

SA ABS-CBN S+A

 

Panahon na muli para sindihan ang apoy ng Alab Pilipinas, na sasabak sa ika-walong season ng ASEAN Basketball League (ABL) simula ngayong Linggo (Nobyembre 19) sa Mall of Asia Arena na mapapanood ng LIVE sa ABS-CBN S+A at S+A HD ng 8 pm.

Sa tulong ng kanilang bagong coach at dating player ng national team na si Jimmy Alapag, nais makabawi ng Alab, na halos umabot sa Finals noong nakaraang taon. Sasandalan ni “Mighty Mouse” ang kanyang mga pangunahing sandata tulad ni 2016-2017 ABL MVP Bobby Ray Parks, dating Green Archer at UAAP champion na si Rico Maierhoffer, ang Fil-Am swingman na si Lawrence Domingo, at ang dating Atlanta Hawk na si Ivan Johnson. Aasahan din nila ang mainit na kamay sa tres ng Cebuano Hotshot na si Dondon Hontiveros.

Kampeonato ang gustong masungkit ng koponan mula sa Pilipinas sa ABL ngayong season ngunit hindi ito magiging madali dahil may apat na bagong saltang kalaban na tiyak magbibigay ng matinding laban sa kanila.

Abangan ang Formosa Dreamers mula Taiwan, CLS Knights galing Indonesia, Nanhai Long Lions ng China, at ang nagbabalik na Mono Vampire mula sa Thailand. Makakasagupa nila ang Alab Pilipinas, Singapore Slingers, Saigon Heat, Westports Malaysia Dragons, at ang kampeon na Hong Kong Eastern Long Lions, na hatak-hatak ang manlalaro ng ating national team na si Christian Standhardinger bilang import.

Huwag palampasin ang pagbubukas ng ika-walong season ng ABL ngayong Linggo (Nobyembre 19) ng LIVE mula sa MoA Arena sa S+A at S+A HD ng 8 pm. Bukod pa riyan, libre pang mapapanood ang Alab Pilipinas sa naturang arena bilang handog sa Pinoy basketball fans. Para sa karagdagang impormasyon at iba pang mga balita, bumisita lamang sa sports hub ng ABS-CBN na sports.abs-cbn.com at sundan ang @ABSCBNSports sa Facebook at Twitter.

Comments are closed.