Alex Calleja becomes multimedia comedian with new book, “Lakas Tawa”

Stand-up comedian and comedy writer Alex “The Master” Calleja, who has helped bring Filipino stand-up comedy to a wider audience, now conquers a new medium with his first ABS-CBN Publishing book venture entitled “Lakas Tawa.”

Alex is now a certified multimedia comedian in the country, having done bar gigs, the stage and television and, now, print as he released his compilation of jokes not just from his “Lakas Tawa” program on ABS-CBN TVplus channel CineMo, but from the entirety of his entertainment career.

The Pinoy comedian, who was runner up at the Laugh Factory’s global search for the Funniest Person in the World said of the book, “it’s handy so it can be brought anywhere. It can make people laugh wherever they are.”

The former IT professional said it feels good to see his jokes in a book and is proud to be a published writer. “I’m now in the same league as Jose Rizal, J.K. Rowling, and Dan Brown,” he quipped.

“Lakas Tawa” is the latest addition to ABS-CBN Publishing’s successful line of bestselling consumer books. It was recently launched at Teatrino Promenade in Greenhills during the “Funny Fridays” show of Comedy Manila, a group of stand-up comedians where Alex belongs to.

He joins an elite roster of ABS-CBN Publishing authors which includes the late Sen. Miriam Defensor Santiago, Alex Gonzaga, Georgina Wilson, Solenn Heussaff, Senyora Santibañez, Ramon Bautista, Vice Ganda, and Charo Santos-Concio.

Priced at P150, the book is exclusively available in all National Book Store outlets nationwide.

Fans can continue to watch Alex Calleja’s comedic genius through his bar shows and by watching “Lakas Tawa” on CineMo (ABS-CBN TVplus ch. 3) every day at 10:55AM, 4:55PM, and 10:55PM.

 

 

ALEX CALLEJA, GANAP NA ‘MULTIMEDIA COMEDIAN’ SA PAGLABAS NG LIBRONG “LAKAS TAWA”

Bibida na sa libro ang mga nakakatawang hirit ng stand-up comedian at manunulat na si Alex “The Master” Calleja, na siyang nagdala ng Filipino stand-up comedy sa mas marami pang manonood, sa kanyang unang proyekto kasama ang ABS-CBN Publishing, ang “Lakas Tawa.”

Isa nang ganap na multimedia comedian si Alex sa kanyang unang libro matapos niyang itanghal ang kaniyang hindi makakalimutang jokes sa entablado dito at maging sa ibang bansa. Tampok dito ang compilation ng jokes mula sa kanyang palabas na “Lakas Tawa” sa CineMo channel ng ABS-CBN TVplus pati na rin ang iba pa niyang pumatok na hirit mula nang siya ay nagsimula bilang komedyante.

Ayon sa Pinoy comedian na naging runner-up sa World’s Funniest Person competition ng Laugh Factory, “handy ‘yung libro para kahit saan pwede mong dalhin, pwede kang matawa. Dahil kahit saan ka man pumunta, meron at merong nakakatawa.”

Ikinatutuwa ni Alex ang pagiging isang manunulat. Sabi ng dating IT professional, “ang sarap ng feeling na makita ang sarili mong jokes na nasa isang libro na. Pwede ko na ipagmalaki na published writer na rin ako tulad ni Jose Rizal, J.K. Rowling at Dan Brown.”

Ang “Lakas Tawa” ay bagong karagdagan sa mga bestselling na libro ng ABS-CBN Publishing. Ito ay pormal ni inilusad sa “Funny Fridays” show ng Comedy Manila sa Greenhills kamakailan. Ang Comedy Manila ay grupo ng mga stand-up comedian na kinabibilangan ni Alex.

Kabilang na ngayon ang komedyante sa mga natatanging ABS-CBN Publishing authors gaya nina Alex Gonzaga, Georgina Wilson, Solenn Heussaf, Senyora Santibañez, Alex Gonzaga, Ramon Bautista, Vice Ganda, Charo Santos-Concio, at nang namayapang si Sen. Miriam Defensor-Santiago.

Mabibili ang libro sa halagang P150 sa lahat ng National Bookstore sa bansa.

Matutunghayan din ng fans ni Alex ang kanyang mga jokes sa palabas niyang “Lakas Tawa” sa CineMo (ABS-CBN TVplus channel 3), araw-araw ng 10:55 AM, 4:55 PM, at 10:55 PM.

 

 

 

Comments are closed.