Alindog ni Erich sa “The Blood Sisters,” agad na kinahumalingan ng mga manonood

Agad na nabighani ang mga manonood sa mapangahas na pagbabalik ni Erich Gonzales sa telebisyon kahapon (Pebrero 12) sa pagsisimula ng “The Blood Sisters,” na nagtala ng national TV rating na 25.2%, ayon sa datos mula Kantar Media.

Mas maraming nahatak na mga manonood sa urban at rural areas ang naturang programa, kung saan gagampanan ni Erich ang tatlong kambal na pinaghiwalay ng tadhana, laban sa kalabang palabas nitong “Wowowin” na nakakuha lang ng 16.9%.

Nagsimula ang kwento ng misteryo at aksyon sa Davao, kung saan araw-araw na kumakayod ang mapagmahal na inang si Erika (Erich). Pinasok niya ang iba’t ibang trabaho, kabilang na ang pagiging isang club dancer, para matustusan ang pagpapagamot sa anak.

Ngunit mula sa paghahangad ng maginhawang buhay para sa anak, biglang nagbago ang lahat nang nasaksihan niya ang pagpatay sa isang lalaki sa club na kanyang pinagtatrabahuhan. Pilit siyang hinabol ng mga taong sangkot dito para patahimikin, hanggang sa mapadpad siya sa Maynila upang maghanap ng proteksyon at mapagtataguan.

Sa lungsod, nakatakdang magkrus ang landas nila ng kambal niya at doktor na si Carrie, na siyang pagkakamalan ng mga bandido na si Erika. Sa pagkawala ni Carrie, magkakaroon ng pagkakataon si Erika na magpanggap bilang ang kapatid, danasin ang marangya nitong buhay, at matuklasan ang isang mundong puno ng sikreto at lihim.

Bukod naman sa ratings, trending din sa online ang world ang TV comeback ni Erich kaya naman nanguna sa trending topics sa Twitter ang hashtag na #TBSSimula at inulan ng papuri mula sa netizens.

Komento ng Twitter user na si @an_aficionada, “Ang ganda ng kabuuan ng pilot episode! Congrats Erich at sa buong ‘TBS’ team! Magdiwang! Maraming salamat sa paghahandog sa amin ng isa na namang de-kalidad na serye!”

“Nagbalik ka na talaga, Erich! Grabe si Erika ngayon. Galing. Iba ang pilot episode. Pasabog kung pasabog eh,” ayon naman kay @roseannedg11.

Hanggang kailan tatagal ang pagpapanggap ni Erika bilang si Carrie? Ano pa kaya ang matutuklasan niya tungkol sa kanyang tunay na pagkatao?

Panoorin ang “The Blood Sisters” mula Lunes hanggang Biyernes sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa updates, pumunta lamang sa fb.com/dreamscapeph o i-follow ang @dreamscapeph sa Twitter at Instagram.

 

 

Erich’s bolder and sexier TV comeback in “The Blood Sisters” wins viewers nationwide 

Viewers nationwide watched Erich Gonzales’ return to primetime TV as the pilot episode of her new teleserye “The Blood Sisters” rated high nationwide.

The program, where Erich plays triplets, recorded a national TV rating of 25.2% versus its rival “Wowowin,” which only recorded 16.9%, according to data from Kantar Media.

The action and mystery began in Davao, where Erika worked different jobs, including dacing in a club, in order to support his son and pay for his medical bills.

But her life suddenly changed for the worse when she witnessed the death of a man in the club. The men involved with the crime sought her down in order to silence her – an unfortunate incident that forced her to leave her son and seek refuge in Manila.

In the city, Erika soon crosses paths with her twin, Carrie, whom the criminals mistake as her. With Carrie gone, Erika assumes the identity of her sister, gets to experience a life of luxury, and is thrust into a world secrets and surprises.

Erich’s TV comeback also caused a stir online as the show’s hashtag #TBSSimula topped the list of trending topics on Twitter.

Twitter user @an_aficionada posted, “That was overall a great pilot episode! Congrats Erich and the whole ‘TBS’ team! Celebrate! Thank you so much for giving us another quality serye!”

“You are really back, Erich! Erika is so great. Excellent. The pilot episode is unique. Very explosive,” ayon naman kay @roseannedg11.

How long will Erika keep up her façade as Carrie? What will Erika discover about her identity?

Don’t miss “The Blood Sisters” Monday to Friday nights on ABS-CBN Primetime Bida. For more information, go to fb.com/dreamscapeph and follow @dreamscapeph on Twitter and Instagram.

 

 

Comments are closed.