ALL-STAR CAST FEATURING PHILIPPINE SUPERSTARS COMPLETES EPIC SAGA “LA LUNA SANGRE”

Quezon City, Philippines (June 17, 2017) – ABS-CBN gathers a glittering ensemble of some of the biggest names in Philippine showbusiness as it brings together the undisputed number one loveteam in the country, Kathryn Bernardo and Daniel Padilla with Box Office Royalty Angel Locsin, and award-winning actor John Lloyd Cruz, plus newest Kapamilya Richard Gutierrez, in the much-awaited epic saga “La Luna Sangre” airing outside the Philippines via TFC IPTV and (www.TFC.tv) streaming simulcast its ABS-CBN airing on June 19 .

The series, the conclusion to ABS-CBN’s Moonstone trilogy with “Lobo” beginning the saga and “Imortal” continuing the trilogy, is directed by box-office director Cathy Garcia-Molina.  This marks the return to television of Bernardo and Padilla’s loveteam, popularly known to fans as “KathNiel”, after their successful series “Pangako Sa ‘Yo” and their box-office movies “Barcelona: A Love Untold” and “Can’t Help Falling in Love” — which paved the way for them to be labeled the “P1 billion love team”.

In “Lobo,” Locsin played Lyka, the wolf tribe’s last guardian (Huling Tagabantay) who falls in love with the mortal Noah (played by Piolo Pascual).  “Imortal” follows their daughter half-wolf, half-human Lia who, like her mother Lyka, also falls in love with someone from a different kind in the form of Matteo (Cruz), the vampires’ chosen one.  In the iconic series “Lobo” Locsin earned her first Emmy nomination.

Fans are eagerly anticipating the special participation of Locsin and Cruz, who will open the epic story and reprise their well-loved characters Lia and Mateo.

The series revolves around the prophecy called “La Luna Sangre,” which says that the child of the most powerful vampire and the chosen wolf will end the evilness of the vampire imprinted within the cursed ink.

Already living their simple lives as mortals, Mateo (Cruz) and Lia (Locsin) are unaware that the said prophecy will haunt them. They get the surprise of their lives when Sandrino suddenly comes to kill them and their daughter Malia, who is believed to be the chosen one. Mateo and Lia will do everything they can to protect Malia, even if they have already lost their powers. But in the end, evil prevails and Malia is left an orphan under the care of other vampires and werewolves.

With the hope that Malia will save the vampires and werewolves from great peril, they protect and train her. However, Malia fails to show her powers that could prove she is the chosen one, right when she is expected to show them at 21 years old.

Out of shame, Malia chooses to leave her responsibility and bravely faces the world of mortals. There she meets Tristan, a young man who is hunting the vampire who killed his father.

As their bond grows closer, will Malia be the key to the justice Tristan yearns for? Will Malia return to the world she left behind and embrace again her destiny to end Sandrino’s life? How will the prophecy affect the budding romance between Malia and Tristan?

Meantime, making his debut in an ABS-CBN teleserye is the newest Kapamilya actor, Richard Gutierrez, who plays the role of Sandrino, the king of the vampires who will stand in the way of Malia (Bernardo) and Tristan (Padilla).

La Luna Sangre” is produced by Star Creatives, the production group behind successful series “Got to Believe,” “Pangako Sa Yo,” “Forevermore,” “Dolce Amore,” “Pusong Ligaw,” and “A Love to Last.”

Find out what is written for the lives of Malia and Tristan in “La Luna Sangre,” airing outside the Philippines via TFC, while the pilot episode will be streaming simulcast its ABS-CBN airing via TFC online (www.TFC.tv) on June 19, in key countries worldwide. Catch-up episodes will be available via TFC online (www.TFC.tv) and TFC IPTV, also in key countries worldwide.

For more updates about the show, visit TFC’s Facebook page applicable for your area. Connect with fellow global Kapamilyas and follow @KapamilyaTFC on Twitter and Instagram.

###

Naglalakihang mga artista magsasama-sama sa epic saga na “La Luna Sangre”
Kathryn Bernardo at Daniel Padilla balik- telebisyon kasama sina Angel Locsin at John Lloyd Cruz, at Richard Gutierrez sa TV series na “La Luna Sangre”, na mapapanood sa labas ng bansa via TFC na may pilot episode na streaming simulcast sa ABS-CBN airing

Muling bubuksan ng ABS-CBN ang mundo ng mga lobo at bampira na una nang ibinahagi ng iconic serye na “Lobo”, sa pag-uumpisa ng inaabangang epic saga na “La Luna Sangre”, bahagi ng “Moonstone” trilogy ng ABS-CBN, tampok ang number one loveteam ng bansa na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, kasama sina Box Office royalty Angel Locsin, award-winning actor na si John Lloyd Cruz, at bagong Kapamilya Richard Gutierrez. Mapapanood ito sa labas ng bansa via TFC, samantalang at ang pilot episode nito ay may streaming simulcast sa ABS-CBN airing nito sa June 19 via TFC online (www.TFC.tv).

Mamarkahan ng seryeng ang pagbabalik telebisyon ng tambalan nina Bernardo at Padilla na kilala ng fans bilang “KathNiel”, sa serye sa ilalim ng direksyon ni Cathy Garcia-Molina. Ito ay matapos ang matagumpay nilang serye na “Pangako Sa ‘Yo”, at mga box-office hit films na “Barcelona: A Love Untold” at “Can’t Help Falling in Love” kung saan binansagan silang “P1 billion love team.”

Ang “Moonstone” trilogy any inumpisahan ng seryeng “Lobo” kung saan makikita si Lyka (Locsin), ang Huling Tagabantay ng mga lobo na mahuhulog ang loob sa mortal na si Noah (Piolo Pascual).  Sa “Imortal” makikita ang kanilang anak na si Lia na susuungin din ang daang tinahak ng kaniyang ina, sa pag-ibig sa di niya kauri na sa serye ay ginagampanan ni Cruz, ang itinakdang tagasalba ng mga bampira.  Sa seryeng Lobo unang nakatanggap ng nominasyon si Locsin sa prestihiyosong Emmy awards.

Inaabangan na rin ang espesyal na partisipasyon nina Locsin at Cruz, na siyang magsisilbing tagahabi ng storya mula sa “Lobo” at “Imortal” patungo sa “La Luna Sangre.”

Iikot ang epic saga sa bagong propesiya na tinatawag na “La Luna Sangre” kung saan itinakdang supilin ng anak ng pinakamakapangyarihang bampira at ng itinakdang lobo ang kasamaan ng bampirang may tatak ng sumpang tinta.

Lingid sa kaalaman nina Mateo (Cruz) at Lia (Locsin), na namumuhay na bilang ordinaryong mga tao, sila ay guguluhin ng naturang propesiya. Tahimik na sana ang sinumulan nilang simple at mas mapayapang buhay kasama ang anak na si Malia nang biglang maghasik ng lagim ang bampirang si Sandrino (Gutierrez) upang pigilan ang propesiyang patungkol sa pagkakasupil sa kaniya. Para gawin iyon ay kailangan niyang patayin ang anak nina Mateo at Lia na si Malia, ang pinaniniwalaang bagong itinakda. Gagawin ng mag-asawa ang lahat para protektahan si Malia kahit wala na silang kapangyarihan. Ngunit sa huli, magagapi ang mag-asawa ng kampon ng kasamaan.

Lilipas ang panahon at lalaki si Malia (Bernardo) sa piling ng mga lobo at bampira. Umaasa ang kanilang lahi na siya na nga ang itinakda. Ngunit mabibigo ang lahat nang hindi lumabas ang kanyang kapangyarihan sa kaniyang ika-21 na kaarawan— isang mahalagang signos para masabing siya ang kanilang tagapagligtas.

Dala ng kahihiyan, tatalikuran ni Malia ang kinagisnang mundo at makikipagsapalaran sa mundo ng mga tao. Dito niya makikila niya si Tristan (Padilla), isang binatang buong buhay na hinahanap ang bampirang pumatay sa kaniyang ama.

Sa paglalapit ng kanilang mga loob, maging susi kaya si Malia sa katarungang hinahanap ni Tristan? Magbalik pa kaya si Malia sa mundong kaniyang iniwan at tuparin ang nakatakda sa propesiya? Paano kaya makakaapekto ang propesiya sa namumuong pagtitinginan nina Malia at Tristan?

Sasabak rin sa kaniyang unang serye sa ABS-CBN ang pinakabagong Kapamilya na si Richard Gutierrez, na gaganap bilang si Sandrino, ang hari ng mga bampira na hahadlang sa pag-iibigan ng mga karakter nina Malia (Kathryn) at Tristan (Daniel).

Ang “La Luna Sangre” ay nilikha sa ilalim ng produksyon ng Star Creatives, ang produksyon sa likod ng matatagumpay na serye tulad ng “Got to Believe,” “Pangako Sa ‘Yo,” “Forevermore,” “Dolce Amore,” “Pusong Ligaw,” at “A Love to Last.”

Alamin kung ano ang nasususat na kapalaran nina Malia at Tristan sa “La Luna Sangre” na mapapanood sa labas ng bansa via TFC, at ang pilot episode naman nito ay may streaming simulcast sa ABS-CBN airing nito sa June 19, via TFC online (www.tfcTFC.tv) sa key countries worldwide. Ang catch-up episodes naman ay mapapanood via TFC online (www.TFC.tv) at TFC IPTV sa key countries worldwide.

Para sa updates tungkol sa show, bisitahin ang TFC Facebook page na angkop sa inyong kinaroroonan. Maki-connect sa kapwa global Kapamilyas at i-follow ang @KapamilyaTFC sa Twitter at Instagram.

###

Media Contact:
KANE ERROL CHOA
Head of Corporate Communications
Email: kane_choa@abs-cbn.com

AARON DOMINGO
Media Relations Manager
Email: aaron_domingo@abs-cbn.com

With additional text by

JOYCE JIMENEZ
ABS-CBN Global Corporate Affairs and PR
9F ELJCC EL Drive, Diliman, Quezon City
Global_Corporate_Affairs@abs-cbn.com(EMAIL)
632-415-2272 (LANDLINE)

Comments are closed.