Angel Aquino and Gretchen Ho join Bernadette Sembrano in “TV Patrol’s” Public Service Caravan

 

“FPJ’s Ang Probinsyano” star Angel Aquino, “Umagang Kay Ganda” anchor Gretchen Ho, and “TV Patrol” anchor Bernadette Sembrano recently came together for an entire day of public service as they joined the nationwide community caravan of “TV Patrol,” and helped deliver various services to Kapamilyas in Antique.

Coming from different backgrounds, the trio found a common ground in helping other people as they take part in the caravan’s job fair, livelihood seminar, citizen journalism workshop, food distribution, and restroom and library repairs for the people in the province, which was hit hard by Typhoon Frank years ago.

Angel, Gretchen, and Bernadette first showed support to more than 1,000 job seekers in a job fair organized with the help of the Department of Labor and Employment (DOLE) and the Public Employment Services Office (PESO)-Antique at the Robinson’s Place-Antique mall, were 22 Kapamilyas were hired on the spot.

They also met 30 former OFW mothers who were taught how to make jam and got one food cart each from “TV Patrol” and the Department of Trade and Industry (DTI)-Antique, in the hope that a new livelihood would prevent them from being away from their families again.

The three also saw the newly-repaired restrooms at the San Jose public terminal, a project initiated by “TV Patrol” in cooperation with the local government to bring comfort to drivers and commuters.

After dropping by the citizen journalism workshop of “Bayan Mo, iPatrol Mo,” the team also went to Barangay Durog, which is still recovering from the damage done by Typhoon Frank. Angel and Gretchen had a storytelling session with the children, who were also happy to receive new school bags from ABS-CBN’s Operation Sagip, slippers from “Rated K,” and vitamins from “Bantay Bata.”

They also unveiled the repaired library at the Durog Elementary School and distributed vegetable seeds for the school’s nutrition program, which the teachers started upon noticing some students suffering from malnourishment.

One of the teachers, Jessa Quemado, said it pains them to see their students in this condition. “It feels painful and heavy in the heart to imagine our own children in a situation like this,” she said.

To cap the day, they had a healthy and nutritious lunch with community members, who also received grocery packages and fans. Another teacher said, “This is a big help not just for the kids but to every family in the community.”

Angel and Gretchen expressed the joy of being part of the “TV Patrol Community Caravan,” where they were inspired by the resilience of the people they met.

“Just by visiting them, we’ve already made them very happy…just by simply talking to them, taking a picture, a selfie, or giving food to them. The experience took us back to who we really are serving,” Gretchen said.

Angel added, “It’s like food for the heart and soul, to my spirit.  Even if we lacked rest and sleep when we got there, we couldn’t help but smile because of the energy the kids give off.”

Since March, the “TV Patrol Community Caravan,” which is part of the newscast’s 30th anniversary celebration,  has gone to different parts of the nation including Zamboanga, Tacloban, Pangasinan, Iloilo, and Malabon to address the needs of communities with the help of organizations like DOLE, Department of Science and Technology, Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines, Robinsons Land Corporation, Energy Development Corporation, Carl Balita Livelihood Center, House of David, Republic Biscuit Corporation, and Unilever Philippines.

Stay tuned for the continuation of the “TV Patrol Community Caravan” with Kabayan Noli De Castro, Ted Failon, and Bernadette Sembrano on “TV Patrol” from Monday to Friday after “Wildflower” and every Saturday after “Home Sweetie Home.” You can also watch it on iwantv.com.ph and skyondemand.com.ph. Follow the program on social media via Facebook (@tvpatrol.abscbn) and Twitter (@TVPatrol).

 

-30-

 

ANGEL AQUINO AT GRETCHEN HO, SUMAMA KAY BERNADETTE SEMBRANO  SA “TV PATROL CARAVAN”

 

Tuloy ang paghahatid ng serbisyo publiko ng “TV Patrol” sa iba’t-ibang parte ng Pilipinas sa pagdating ng “TV Patrol Community Caravan” sa Antique nitong Hulyo kasama ang “FPJ’s Ang Probinsyano” star na si Angel Aquino at Gretchen Ho ng “Umagang Kay Ganda.”

Kasama ni “TV Patrol” anchor Bernadette Sembrano, nilibot nina Angel at Gretchen ang probinsya upang magdala ng tulong at saya, at tugunan ang mga pangangailangan ng mga Kapamilya sa Antique, na isa sa pinakamatinding tinamaan ng bagyong Frank noon.

Unang dumaan ang grupo sa job fair na inorganisa ng programa katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Public Employment Services Office (PESO)-Antique sa Robinson’s Place Antique mall. Dito nagbigay suporta sina Bernadette, Gretchen, at Angel sa mahigit isang libong naghahanap ng trabaho, kung saan marami ang sumalang sa job interview at 22 naman ang tinanggap agad sa trabaho.

Nakilala din nila ang 30 nanay na dating mga OFW na tinuruang gumawa ng jam at tumanggap ng tig-iisang food cart mula sa “TV Patrol” at Department of Trade and Industry (DTI)-Antique upang magkaroon ng pagkakakitaan at hindi na muling mawalay sa kanilang pamilya.

Bukod sa trabaho at kabuhayan, nais din ng “TV Patrol” na maibsan ang perwisyong dinaranas ng mga taga-San Jose at mga dayo sa kanilang public terminal na walang maayos na palikuran. Kaya sunod na pinuntahan nina Angel, Gretchen, at Bernadette ang pinagandang banyo ng programa katuwang ang lokal na pamahalaan ng San Jose.

Matapos dumaan sa ginagawang citizen journalism workshop ng Bayan Mo, iPatrol Mo, diretso naman ang tatlo sa Barangay Durog, na hindi pa rin nakababangon sa pinsalang tinamo sa bagyong Frank. Dito nagsilbing storyteller sina Angel at Gretchen sa mga kabataan doon, na nabigyan din ng mga bagong kagamitan sa pag-aaral mula Operation Sagip, tsinelas mula sa “Rated K,” at bitamina mula sa “Bantay Bata.”

Naipaayos din sa tulong ng Rotary Club Antique ang library sa Durog Elementary School, na nagsasagawa ng isang nutrition program para sa mga estudyanteng malnourished. Para makatulong, nagbahagi ng mga vegetable seed at nakiisa sa pagtatanim ng gulay ang grupo ng “TV Patrol.”

Ani ni Jessa Quemado, isang guro doon, napakasakit sa kanilang makita ang mga estudyante nilang gutom na gutom. “Naisip mo kapag anak mo ‘yung nasa sitwasyong ito, parang nahihirapan ka, parang ang sakit sakit,” sabi niya.

Nakasalo rin ng grupo sa isang masustansyang tanghalian ang mga residente, na tumanggap din ng grocery package at mga bentilador. Laking pasasalamat naman ng mga taga-roon. Sabi ng isa pang guro, “Ito po’y malaking tulong hindi lang sa mga bata kundi sa bawat pamilya po.”

Ayon kay Angel at Gretchen, balewala ang kanilang pagod sa inspirasyong nakuha nila sa mga batang patuloy na kumakapit sa kanilang pangarap sa kabila ng maraming pagsubok na hinaharap.

“Sa simpleng pagpunta mo lang doon, sobrang saya na nila. Sa simpleng pagkausap mo sa kanila, picture, selfie, pagbigay ng pagkain…ibabalik ka doon sa sino’ng pinagsisilbihan mo,” ani Gretchen.

Dagdag ni Angel, “Para siyang pagkain sa puso, sa kaluluwa, sa spirit ko. Kahit na puyat na puyat tayo pagdating doon you can’t help but smile because of the energy the kids give off.”

Bahagi ng selebrasyon ng ika-30 anibersaryo ng “TV Patrol” ang isinasagawang caravan na umiikot sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas upang magdala ng tulong at magpamalas ng malasakit katuwang ang iba’t ibang organisasyon tulad ng DOLE, Department of Science and Technology, Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines, Robinsons Land Corporation, Energy Development Corporation, Carl Balita Livelihood Center, House of David, Republic Biscuit Corporation,  at Unilever Philippines. Dumaan na rin ang caravan sa Zamboanga, Tacloban, Pangasinan, Iloilo, Malabon, at maraming pang iba

Subaybayan ang pagpapatuloy ng “TV Patrol Community Caravan” sa “TV Patrol,” kasama sina Kabayan Noli De Castro, Ted Failon, at Bernadette Sembrano, tuwing Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng “Wildflower” at tuwing Sabado pagkatapos ng “Home Sweetie Home.” Mapapanood din ito sa iwantv.com.ph at skyondemand.com.ph. Sundan din ang programa sa social media sa Facebook (@tvpatrol.abscbn) at sa Twitter (@TVPatrol).

 -30-

Bernadette Sembrano,Angel Aquino, and Gretchen Ho help out communities in Antique via the TV Patrol Caravan.

 

Bernadette Sembrano cherished the opportunity to bring hope and joy to kids.

 

Angel Aquino joined the planting of vegetable seeds for the nutrition program of Durog Elem School.

 

UKG’s Tikim Princess Gretchen Ho got a taste of ABS-CBN public service through the TVP Caravan.

 

The smiles of the kids inspired and energized Angel despite the lack of rest and sleep.

Comments are closed.