ANGEL LOCSIN AND DOUGLAS NIERRAS JUDGE iCANDIDATES THIS WEEKEND

Their special performances will be evaluated and scored by special judges – actress Angel Locsin and choreographer Douglas Nierras.

Joining forces for an explosive LED poi dancing performance are Gab Valenciano, Cristine Reyes, Daniel Matsunaga, and Arci Munoz, who have all been named weekly winners and admittedly feel pressured to win again.

Pokwang, Wacky Kiray, Sue Ramirez, and JC Santos, meanwhile, show their love for Filipino culture as they perform various Filipino folk dances. Will Pokwang and Kiray finally win this time?

Whose performance will impress Angel, Douglas, and the viewers?

Find out in “I Can Do That” this Saturday and Sunday, 9:45PM on ABS-CBN. For updates, like www.facebook.com/ICanDoThatPH or follow @ICanDoThatPH on Twitter or Instagram.

 

Paligsahan sa makaluma at bagong sayaw sa “I Can Do That”

ANGEL LOCSIN AT DOUGLAS NIERRAS, HUHUSGAHAN ANG iCANDIDATES NGAYONG WEEKEND

Labanan ng makabago at lumang sayaw ang matutunghayan sa talent-variety show na “I Can Do That” sa kakaibang paghaharap ng dalawang grupo ng iCandidates ngayong weekend (Abril 22 at 23).

Dahil nga espesyal ang performances ay espesyal din ang mga huradong huhusga at magbibigay ng scores sa kanila, ang aktres na si Angel Locsin at ang choreographer na si Douglas Nierras, na makikipagsabayan sa kulitan sa iCandidates.

Magsasanib-puwersa sa LED poi dancing sina Gab Valenciano, Cristine Reyes, Daniel Matsunaga, at Arci Munoz na aminadong pressured na manalo dahil lahat sa kanila ay nahirang nang weekly winners.

Ibibida naman nina Pokwang, Wacky Kiray, Sue Ramirez, at JC Santos ang kulturang Pinoy sa kanilang pagsayaw ng iba’t ibang uri ng Filipino folk dance. Manalo na kaya sa unang pagkakataon sina Pokwang at Kiray?

Aling grupo kaya ang magpapabilib kina Angel, Douglas, at ang mga manonood?

Alamin sa “I Can Do That” ngayong Sabado at Linggo, 9:45PM sa ABS-CBN. Para sa updates, i-like lang ang www.facebook.com/ICanDoThatPHo sundan lang ang @ICanDoThatPH sa Twitter o Instagram.

Comments are closed.