ANGEL LOCSIN TO PLAY IN “MINUTE TO WIN IT” FINALE

Angel Locsin to play in Minute to Win It's back-to-back finale episode

Actress and TV personality Angel Loscin is set to cap off “Minute to Win It’s” successful run as she conquers the 60-second circle of ABS-CBN’s top-rating game show in its finale next week.

In the special back-to-back episode on February 20 and 21, Angel sends the studio audience roaring when she teases host Luis Manzano that they will officially be back together if she completes a particular challenge.

Amid overwhelming pressure, will Angel be able to finish the said challenge in less than a minute? How will Luis react if Angel succeeds?

Also playing in the finale week of “Minute To Win It” are “The Biggest Loser Pinoy Edition Doubles” challenge masters Matteo Guidicelli and Robi Domingo, “Got to Believe” stars Ian Veneracion and Benjie Paras, and basketball superstars Jeron Teng and his father Alvin and boxer Gerry Penalosa with his son JC. Who among them will win the elusive P1 million jackpot prize?

“Minute To Win It” has recorded consistently high ratings since it started airing on ABS-CBN over a year ago and has made waves all over the country for its highly addictive and nerve-wracking games using everyday items found at home, at school, and at the office. It has also become a hit among adults and kids alike as it launched different editions such as the Junior Challenge, Head to Head Challenge, and Family Challenge, each with their own thrilling set of rules.

Don’t miss the final week of “Minute To Win It,” Mondays to Fridays (February 17 to 21), 11AM on ABS-CBN. For updates on the program, visit www.facebook.com/minute2winitPH or follow @Minute2WinItPH on Twitter.

 

Top-rating Kapamilya game show, magtatapos na sa Pebrero 21…

ANGEL AT LUIS, MAGKAKABALIKAN DAHIL SA “MINUTE TO WIN IT”?

Nakakakilig, nakakatawa, at nakakakabang finale ang handog sa TV viewers ng top-rating game show ng ABS-CBN na “Minute To Win It” dahil sa kakaibang reunion ng host na si Luis Manzano sa ‘kiti’ nitong si Angel Locsin na siyang celebrity player sa susunod na linggo (Pebrero 20 at 21).

Kaabang-abang sa back-to-back finale episodes ang tagpo kung saan buong tapang na sinabi ni Angel na kapag nagawa niya ang isang partikular na challenge ay magiging sila na muli ni Luis.

Sa kabila ng hiyawan ng studio audience, makumpleto kaya ni Angel ang nasabing challenge sa loob ng isang minuto? Ano ang magiging reaksyon ni Luis kung sakaling mangyari ito?

Samantala, maglalaro rin sa finale week ng “Minute To Win It” ang “The Biggest Loser Pinoy Edition Doubles” challenge masters na sina Matteo Guidicelli at Robi Domingo, “Got to Believe” stars na sina Ian Veneracion at Benjie Paras, at basketball superstar na si Jeron Teng at ang kanyang amang si Alvin laban sa boksingerong si Gerry Penalosa at ang kanyang anak na si JC. Sino kaya sa kanila ang magwagi ng mailap na P1 million jackpot prize?

Namayagpag sa ere ng mahigit isang taon ang “Minute To Win It” dahil sa mga patok nitong tila madadaling challenges gamit ang mga ordinaryong bagay na makikita sa bahay, opisina, at eskwela. Pumatok ito sa panlasa ng maraming manonood–mga bata, matatanda, magkakapamilya, magkakaibigan, at iba pa–dahil sa iba’t iba nitong inilunsad na edisyon gaya ng Junior Challenge, Head to Head Challenge, at Family Challenge na may kanya-kanyang nakatakdang rules na pawang nakakaaliw sa lahat.

Huwag palampasin ang huling linggo ng “Minute To Win It,” Lunes hanggang Biyernes (Pebrero 17 hanggang 21), 11AM sa ABS-CBN. Para sa updates ukol sa programa, bisitahin ang www.facebook.com/minute2winitPH at sundan ang @Minute2WinItPH sa Twitter.

Comments are closed.