Angel stuns as Jacintha Magsaysay in “La Luna Sangre”

Primetime viewing gets more intense as award-winning actress Angel Locsin joins the cast of ABS-CBN’s hit fantasy action drama “La Luna Sangre” as the mysterious Jacintha Magsaysay.

Angel plays Jacintha, the campaign strategist Sandrino (Richard Gutierrez) wants on board his team to make sure he wins the presidency. 

“Jacintha is a very mysterious person. She used to live abroad and became popular after she helped a presidential candidate, who got involved in a big scandal, win. She is really good at what she does, so Sandrino looked for her so she can help him become the next president of the Philippines,” said Angel.

Star Creatives creative Manager Henry Quitain added, “Compared to Lia, Jacintha is a human being. If we watch closely, we can see her sophistication while she speaks and she is affluent. She can keep up with anybody and she speaks her mind.” 

Netizens warmly received Angel’s surprise entry that effortlessly trended online. Lead star Kathryn Bernardo was also among the many people excited for Angel’s new character.

“I didn’t have the chance to tell Kathryn earlier since it was a secret. I didn’t know who else knew about my character. However, before the episode aired last night, I already texted her and said ‘Kath, I’ll see you soon.’ The she replied with so many emoticons so I think she’s just as happy as I am,” Angel shared. 

What role will Jacintha play in the lives of Tristan, Malia, and Sandrino? How will she shake things up in the hit primetime series?

Don’t miss “La Luna Sangre,” weeknights after “FPJ’s Ang Probinsyano” on ABS-CBN and on ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Catch up on the show’s past episodes via iWant TV or skyondemand.com.ph for Sky subscribers. For more updates, follow @starcreatives on Facebook, Twitter, and Instagram.

 

Fans, nagkagulo sa pagdating ni Jacintha
“LA LUNA SANGRE,” MAS PINABAGSIK SA PAGPASOK NI ANGEL

Mas pinabagsik pa ang primetime sa pagdating ni Angel Locsin bilang si Jacintha Magsaysay sa hit teleseryeng “La Luna Sangre.”

Ginulat nga ni Angel ang mga manonood sa kanyang bagong karakter bilang isang campaign strategist na hinahanap ni Sandrino (Richard Gutierrez) para pasalihin sa kanyang campaign team sa pagka-presidente.

“Si Jacintha ay isang taong nababalot ng misteryo. Nabuhay siya sa ibang bansa at nakilala noong naipanalo niya iyong tumatakbong presidente na may hinarap na scandal dati. Naipanalo niya iyon kasi magaling siya sa ginagawa niya. Kaya nga siya hinanap ni Sandrino para gamitin siya bilang political strategist dahil gusto niya manalo bilang presidente ng Pilipinas,” sabi ni Angel.

Dagdag ng Star Creatives creative Manager na si Henry Quitain, “Si Jacintha, tao siya kumpara kay Lia. Kapag napanood natin siya makikita natin na sopistikada siya magsalita, mayaman siya. Kaya niyang makipagtapatan kahit kanino at nagsasabi siya ng totoo at bukal sa kalooban niya.”

Mainit nga na tinanggap ng publiko ang paglabas ni Angel bilang si Jacintha kagabi kaya naman agad agad siyang nag-trend sa Twittter. Kasabay nito, mainit din na tinanggap ng “La Luna Sangre” star na si Kathryn Bernardo ang kanyan pagbabalik.

Kwento ni Angel, “Hindi ko lang kaagad nasabihan si Kath kasi nga sikreto pa, so hindi ko pa alam kung sino ba ‘yung mga nakakaalam na papasok ako rito. Pero, bago pa umere ang episode ay tinext ko na siya, sabi ko ‘Kath I’ll see you soon.’ Nagpasintabi ako Kath at mukhang natuwa naman siya. Puno pa nga ng emoticons ang reply niya.”

Ano kaya ang magiging papel ni Jacintha sa buhay nina Tristan, Malia, at Sandrino?

Huwag palampasin ang mas pinabagsik na “La Luna Sangre” pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa nakaraang episodes ng programa, mag-log on lamang sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers. Para sa karagdagang updates, i-follow ang @starcreatives sa Facebook, Twitter, at Instagram.

Comments are closed.