‘ANNALIZA’ REMAINS AS ONE OF THE MOST-WATCHED PROGRAMS IN THE COUNTRY

Annaliza Cast

ABS-CBN’s primetime family drama “Annaliza” continuous to soar high on national TV ratings by hitting a new all-time high rating last Monday (Sep 23) and is among the most-watched programs in the country today, based on data from Kantar Media.

“Annaliza” recently hit an all-time high national TV rating of 27.3%, beating its newest rival program “Prinsesa ng Buhay Ko” with only 15.1%. It also dominated its time slot last Friday (Sep 20) with 27% vs GMA 7’s “Binoy Henyo,” which concluded its run with a national TV rating of 14.4%.

The show, topbilled by teleserye princess Andrea Brillantes, consistently remains in the top 4 most watched programs of Kantar Media alongside “Juan Dela Cruz,” “TV Patrol” and “Got To Believe.” This is a very impressive performance especially for a show that airs on a 6PM time slot.

This week, the story heats up as Lazaro (Patrick Garcia) and Isabel (Denise Laurel) finally found out that Annaliza (Andrea Brillantes) is their long lost daughter. Guido (Zanjoe Marudo) must also face the reality of possibly losing his beloved Annaliza with this revelation. Will Guido give way so that Annaliza can be with her real parents? What will Lazaro and Isabel to fight for their rights over their child?

Before all the intense drama, get the chance to see the cast of “Annaliza” live this Sunday (Sep 29) in their mall show to be held at SM Dasmarinas at 5PM.

Don’t miss “Annaliza” weeknights before “TV Patrol” in ABS-CBN’s Primetime Bida. For updates, like the show’s official Facebook page at www.facebook.com/Annaliza2013 or follow @Annaliza2013 on Twitter and share your reactions using the hashtag #Annaliza.

-30-

“ANNALIZA,” ISA SA PINAKAPINAPANOOD NA PROGRAMA SA BANSA NGAYON

Isa ang primetime family drama na “Annaliza” sa pinakatinututukang programa sa bansa ngayon matapos itong magtamo ng bagong all-time high national TV rating kamakailan at nanatiling nasa Top 4 na pinakapinapanood na palabas nationwide base sa datos ng Kantar Media.

Pumalo sa national TV rating na 27.3% noong Lunes (Sep 23) ang “Annaliza” at tinalo ang bagong katunggali nito sa timeslot na “Prinsesa ng Buhay Ko” ng GMA 7 na nakakuha lang ng 15.1%. Maging ang dating kalaban nito na “Binoy Henyo” ay hindi rin nakapalag sa huling gabi nito noong Biyernes (Sep 20) nang pumalo sa national TV rating na 27% ang “Annaliza” kumpara sa 14.4% ng kalabang Kapuso series.

Patuloy naman na kabilang sa listahan ng top 4 most-watched programs nationwide ng Kantar Media ang “Annaliza” kasama ang “Juan Dela Cruz,” “TV Patrol” at “Got To Believe.” Ngayon na lamang muling pumalo ng ganito kataas ang isang palabas na umeere sa 6PM timeslot.

Posibleng mas mamayagpag pa ang “Annaliza” sa susunod na mga linggo dala ng mas gumaganda at mas umiinit pa nitong kuwento. Nalaman na nina Lazaro (Patrick Garcia) at Isabel (Denise Laurel) na si Annaliza (Andrea Brillantes) ang kanilang tunay na anak. Mabubunyag din ang katotohanan kay Guido (Zanjoe Marudo) at kailangan niyang harapin ang matagal ng kinatatakutan— ang mawalay sa itinuring na tunay na anak. Hindi naman papayag ang mag-asawa na hindi makuha si Annaliza at mabalik ito sa kanilang pangangalaga.

Papayag ba si Guido na mawala sa kanya si Annaliza? Ano ang gagawin nina Lazaro at Isabel maipaglaban lang ang kanilang karapatan?

Sa darating na Linggo (Sep 29), makisaya kasama ang buong cast ng family drama sa mall show na gaganapin sa SM City Dasmariñas, 5PM.

Huwag nang bibitiw sa makapigil-hiningang mga eksena sa “Annaliza” gabi-gabi, bago mag-“TV Patrol” sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa updates, i-like ang official Facebook page nito sa   https://www.facebook.com/Annaliza2013    o sundan ang @Annaliza2013 sa Twitter at pag-usapan ito gamit ang hashtag na #Annaliza.

-30-

Andrea Brillantes and Zanjoe Marudo (Annaliza and Guido)

Tags:

Comments are closed.