Arwind Santos, Johnny Abarrientos, and Vice Ganda reminisce about school in S+A’s “University Town”

 

Hardcourt legends Arwind Santos and Johnny Abarrientos and “It’s Showtime” host Vice Ganda reminisce about their alma mater and UAAP Season 80 hosts Far Eastern University, this Sunday (August 27) at 1pm on S+A and S+A HD in ABS-CBN S+A’s “University Town.”

Hosts Robi Domingo and Gretchen Ho get to know the stories of former Tamaraws Santos and Abarrientos, who not only took their team towards championships, but also supported their families along the way.

Santos, a rock-solid wall on defense that no one can pass, is on his way to cementing his basketball legacy, while Abarrientos has been popular even during his college days for being a microwave scorer despite his small stature.

The show also features Vice Ganda, who, before landing in the spot light nine years ago, was enrolled in the school’s Political Science program, and aimed to be a public servant.

Robi and Gretchen also get to catch up with present UAAP track stars Janry Ubas (UAAP Season 79 MVP) and Clinton Bautista (UAAP Season 78 MVP) who take them through their rigorous training session, in a display of the Morayta-based school’s dedication to sports.

The two shining gems of FEU’s track squad are reminiscent of the time the Tams boasted of two of Asia’s finest long jumpers: Elma Murros-Posadas and Marestella Torres-Sunang.

This is the last stop “University Town” gets to explore this season, on its second year of featuring the eight schools competing in the country’s premier collegiate league, the University Athletic Association of the Philippines (UAAP). “U-Town” airs every Sunday at 1pm with replays on Mondays at 8pm.

Don’t miss the chance to get to know more about the incoming UAAP Season 80 hosts as Robi Domingo and Gretchen Ho, along with Arwind Santos, Johnny Abarrientos, and Vice Ganda take viewers down their memory lane in “University Town” this Sunday (August 27) on S+A and S+A HD at 1pm with a replay on Monday (August 28) at 8pm. For more information and stories, visit ABS-CBN’s sports hub sports.abs-cbn.com and follow @ABSCBNSports on Facebook and Twitter.

 

 

Unkabogable star at basketball legends, magbabalik-tanaw sa buhay estudyante
VICE, ARWIND, AT JOHNNY, BALIK-F.E.U. SA UNIVERSITY TOWN” NG S+A

 

Magbabalik-tanaw ang hardcourt legends na sina Arwind Santos at Johnny Abarrientos at “It’s Showtime” host Vice Ganda sa panahong mag-aaral pa sila sa Far Eastern University, ngayong Linggo (August 27), 1pm, sa “University Town” ng ABS-CBN S+A sa S+A at S+A HD.

Makikipagkwentuhan ang mga host na sina Robi Domingo at Gretchen Ho sa mga dating Tamaraw na sina Arwin at Johnny, na hindi lang nagtapos bilang mga kampeon, kundi tinaguyod din ang kanilang mga pamilya sa pamamagitan ng pagiging student-athlete.

Kilala si Arwind bilang isa sa mga pinakamatinding player pagdating sa depensa, at malapit na rin niyang tatakan ang kanyang karera sa basketball, habang si Johnny naman ay sumikat kahit na siya pa ang pinakamaliit sa loob ng court dahil sa kanyang angking galing at husay.

Makikilala rin ng mga manood si Vice Ganda, bago pa man siya naging “Un-Kabogable” star, bilang mag-aaral ng kursong Political Science na minsang nag-asam maglingkod sa publiko.

Samantala, dadalawin naman nina Robi at Gretchen ang mga UAAP track stars na sina Janry Ubas (UAAP Season 79 MVP) at Clinton Bautista (UAAP Season 78 MVP) habang nagsasanay para alamin kung gaano ka-dedikado ang FEU sa sports, at may homecoming din na magaganap para sa long jumpers ng Asya na sina Elma Murros-Posadas at Marestella Torres-Sunang.

Ito na ang huling eskwelahang dadalawin ng “University Town” at ang ikalawang taon ng programa sa pagtatampok sa walong paaralang kabilang sa premyadong ligang pang-kolehiyo sa bansa, ang University Athletic Association of the Philippines (UAAP).

Huwag palampasin ang pagbabalik-tanaw nina Arwind Santos, Johnny Abarrientos, at ng “Un-Kabogable” star na si Vice Ganda sa tulong ng hosts na sina Robi at Gretchen, tungkol sa kanilang alma mater at UAAP Season 80 hosts na FEU sa “University Town” ngayong Linggo (Agosto 27) ng 1pm sa S+A at S+A HD at may primetime telecast sa Lunes (Agosto 28) ng 8pm. Para sa karagdagang impormasyon, bumisita lamang sa online sports hub ng ABS-CBN Sports na sports.abs-cbn.com, at sundan ang social media accounts nila sa Facebook at Twitter (@ABSCBNSports).

 

Comments are closed.