“ASAP,” nagpakita ng malasakit ngayong Kapaskuhan

Puno ng pag-ibig at malasakit ang Kapaskuhang handog ng “ASAP” ngayong Disyembre matapos nitong idaos ang taunan nitong “ASAP Gives Back” kung saan nagpasaya na naman ng piling mga Kapamilya ang pinakapaborito ninyong “ASAP” stars.

Espesyal ang mga napili ng “ASAP” ngayong 2017 dahil sila ay mga Kapamilya na minsan ng naghatid ng inspirasyon nang ibahagi nila ang kanilang  mga kwento sa segment na “ASAP LSS.” Linggu linggo nga ay talaga namang kapupulutan ng aral ang naturang segment na pinangungunahan ni Jolina Magdangal.  

Una na riyan ang advance birthday celebration ng mag-asawang sina Nanay Josie at Tatay Innocencio Matias kasama ang kanilang pamilya. Isang inspirasyong ngang maituturing ang kwento ng mag-asawa na sa kabila ng kakulangang sa tangkad o laki ay naitaguyodpa rin ng maayos ang kanilang pamilya.

Mas sumaya pa ang selebrasyon sa pagdating nina Alora Sasam, Ylona Garcia, Kira Balinger, BoybandPH Tristan Ramirez, Joao Constancia, Ford Valencia, Russell Reyes, at Niel Murillo, Isabella Vinzon, Klarisse de Guzman, Jona, at Martin Nievera habang nakisalo rin ang isa pang na-feature sa “ASAP” LSS na si Rads Sy, dating palaboy sa kalye na ngayon ay isa ng matagumpay na businessman.

Bonggang bonggang makeover naman ang hatid ng “ASAP” sa apat na momshies na sina Emmie Desiderio, Marites Odarbe, Belen Balatucan , at Leila Barba sa kanilang pagdalo sa Christmas ball ng I Want to Share Foundation ng Hema-Onco Institute ng Philippine General Hospital.

Kapwang may sakit na kanser ang mga anak nina Leila at Belen habang nakikipaglaban naman sa Parkinson’s disease si  Marites. Busilak naman ang puso ni Emmie na piniling maging isang foster parent sa ilang mga kabataan galing sa Samar. Sa kanilang pagdalo sa taunang ball, sinamahan sila nina Ogie Alcasid, Jason Dy, Migz Haleco, KZ Tandingan, at Sarah Geronimo na naghanda ng awitin at regalo sa iba pang kasapi ng foundation.

Samantala, mga tinutulungan naman ni Tatay Marcial Angkok na kaparehas niyang PWD opersons with disability, at ang deaf mute couple na sina Tim O’Hara at Ruby Lupangco  ang hinandogan ng maliit na salo-salo nina Gary Valenciano, Moira dela Torre,Kaye Cal, Andrea Brillantes, Grae Fernandez, at Jay-r.  Sina Tatay Marcial, Tim, at Ruby ay ilan sa mga huwarang taong nagpapatunay na hindi hadlang ang kanilang mga kapansanan paramaging magandang ehemplo sa mga tao at tumulong sa kapwa.

Natapos naman ang “ASAP Gives Back” sa masayang pagtitipon na pinangunahan ni Zsa Zsa Padilla kasama sina Daryl Ong, Jeremy Glinoga, Erik Santos, at Kim Chiu para sa mga bata ng True Manila na pinamumunuan ni Edwin Pamanian at  ng viral student teacher na si Dara Mae Tuazon. Kung si Tatay Marcial ay tumutulong sa mga kapwa niyang may kapansanan, layunin naman nina Edwin at Dara Mae na mabigay ang basic na pangangailangan ng mga batang lansangan.

Higit nga sa world class entertainment na hatid nito linggu-linggo ay pinatunayan ng “ASAP” na may puso ito para sa kapwa at may malasakit sa para kapwa Kapamilya.

Huwag palalampasin ang “ASAP” ngayong tuwing Linggo, 11:45AM, sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Maaaring mapanood ang replay ng episode sa iwantv.com.ph o kaya sa skyondemand.com.ph para sa mga Sky subscribers. I-tweet na ang iyong reaksyon o opinyon sa show sa Linggo at i-tag ang kanilang official na Twitter at Facebook account na @asapofficial.

 

 

KAPAMILYA STARS SHARE LOVE AND JOY THROUGH “ASAP GIVES BACK” THIS CHRISTMAS

“ASAP” stars took time off from their busy schedule this December and made some Kapamilyas’ holidays happier and more meaningful through the show’s annual program “ASAP Gives Back.”

Making this year different, “ASAP” treated selected people who were once featured in  “ASAP LSS,” a weekly segment of Jolina Magdangal  that shares life lessons from the inspirational stories of Kapamilyas.

An intimate advance birthday celebration for Nanay Josie and Tatay Innocencio Matias started off the month-long presentation. The couple serves as an inspiration to others because regardless of their lack in height, they are able to provide for their family.

Aside from their family, Alora Sasam, Ylona Garcia, Kira Balinger, BoybandPH Tristan Ramirez, Joao Constancia, Ford Valencia, Russell Reyes, and Niel Murillo, Isabella Vinzon, Klarisse de Guzman, Jona, and Martin Nievera made the celebration brighter with some gifts and a furniture set for the couple. Insipiring Nanay Josie and Tatay Innoncencio even more was Rads Sy, who was featured in the ‘Rags to Riches’ episode of “ASAP” LSS, wherein he shared his story from being a beggar to a successful businessman.   

Meanwhile, momshies Emmie Desiderio, Marites Odarbe, Belen Balatucan, and Leila Barba received a makeover fit for a queen as they attended the annual I Want to Share Foundation’s Christmas Ball of the Hema-Onco Institute of the Philippine General Hospital.

Both Leila and Belen are mothers of kids who have cancer while Marites currently battles Parkinson’s disease. Emmie, however, chose to be a foster parent to some teenagers from Samar. With them in the ball were Ogie Alcasid, Jason Dy, Migz Haleco, KZ Tandingan, and Sarah Geronimo who serenaded the audience with their delightful tunes.

Tatay Marcial Angkok’s fellow PWDs or persons with disabilities and deaf-mute couple Tim O’ Hara and Ruby Lupangco  were next on the list as “ASAP” gave them a mini-Christmas party with Gary Valenciano, Moira dela Torre, Kaye Cal, Andrea Brillantes, Grae Fernandez, and Jay-r. Tatay Marcial, Tim, and Ruby prove that people with disability can still help people and be a good role model to others.

Capping the “ASAP Gives Back” for the year was a gathering led by Zsa Zsa Padilla with Daryl Ong, Jeremy Glinoga, Erik Santos, and Kim Chiu with the kids of True Manila founded by Edwin Paminian and street children teacher Dara Mae Tuazon, whose story went viral online. If Tatay Marcial helps PWDs, Edwin and Dara Mae aim to give the basic needs of the street children.

More than the world-class entertainment offered and provided weekly by “ASAP,” the show also has the heart  to help Kapamilyas who are in need.

Don’t miss “ASAP” every Sunday, 11:45 AM, on ABS-CBN or ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Catch up via iwantv.com.ph or skyondemand.com.ph for Sky subscribers. Don’t forget to share your thoughts by  tagging their official Twitter and Facebook account, @asapofficial.

Comments are closed.