ATENEO, DLSU CLASH IN BID FOR UAAP LEAD ON S+A’S RIVALRY WEEKEND

 

The solo lead in the UAAP Season 79 women’s volleyball tournament will be at stake when arch rivals the Ateneo Lady Eagles (5-1) and defending champion De La Salle Lady Spikers (5-1) clash for the first time since last year’s finals match-up this Saturday (March 4) at the SM Mall of Asia Arena, to be aired LIVE on S+A and S+A HD at 4pm with livestreaming on sports.abs-cbn.com.

As part of the Rivalry Weekend for UAAP Volleyball on S+A, the FEU Lady Tamaraws (4-2) and the UST Golden Tigresses (3-3) fight for better position in the standings in the curtain raiser slated at 2pm. “UPFRONT at the UAAP” will have also have a special “Ateneo vs. La Salle” primer featuring former UAAP stars Cha Cruz and Melissa Gohing of De La Salle University and Gretchen Ho and Amy Ahomiro of Ateneo De Manila University.

The Lady Eagles have been on a rampage, winning four straight games after dropping their second game against the highly-touted NU Lady Bulldogs. Meanwhile, doubts clouded over the Lady Spikers after being torched by the upstart UP Lady Maroons early in the tournament but they have since regained their composure with a three-game winning streak.

Despite losing key players, both teams are looking sharp and ready for a sixth straight Finals showdown. Season 77 Best Setter Jia Morado has embraced the role as the team’s new leader, and has been instrumental in turning Jho Maraguinot into a dangerous weapon for the former champs, similar to the graduated Phenom, Alyssa Valdez. An additional revelation for Ateneo this season has been Kat Tolentino, who finally had the green light to play after suffering knee injuries in the past two seasons, and the rounding into form of returnee Michelle Morente.

Meanwhile, for the Taft-based volleybelles, Season 78 Best Setter Kim Fajardo has been very impressive in helping the continued rise of Tin Tiamzon and their twin towers in Season 78 – Finals MVP Kim Dy and Majoy Barron – to offset the loss of Mika Reyes and offensive superweapon Ara Galang. The Lady Spikers are also enjoying an impactful rookie campaign from setter Michelle Cobb and Fil-Nigerian Aduke Ogunsaya, who have been sparkplugs off Coach Ramil De Jesus’ bench in their bid for a title defense.

FEU and UST also have an age-old rivalry as the two winningest volleyball programs in UAAP history. The squads that produced UAAP icons Venus Bernal and Mary Jean Balse (UST) and Wendy Semana and Rachel Anne Daquis (FEU) are determined to bring back glory to their schools with Bernadeth Pons leading the way for FEU, and the equally explosive Cherry Rondina for UST. The two teams are set to rekindle the flames of battles past when the two teams collide at 2pm before the Ateneo-La Salle match.

The rivalry showdown continues at the Men’s Division, as UST faces FEU, while Ateneo tries to power through DLSU for a perfect first round record also on Saturday (March 4). S+A will air the latter LIVE at 10am. On Sunday (March 5), UE goes up against Adamson at 2pm, and UP tries to bounce back against NU at 4pm in the Women’s Division to be aired LIVE on S+A, while their counterparts in the Men’s Division also go at it. The Men’s games will be aired at 6pm on S+A HD.

Tune in this Saturday (March 4) for the UAAP’s Rivalry Weekend starting with the “Ateneo vs. DLSU” special of “UPFRONT at the UAAP” at 1:30pm, followed by UST vs. FEU at 2pm and Ateneo vs. DLSU at 4pm, simultaneously on S+A and S+A HD. For more news, features, and live streaming, visit sports.abs-cbn.com or follow @ABSCBNSports on Twitter and Facebook. Catch the replays on S+A and S+A HD.

 

-30-

 

ATENEO, DLSU MAGHAHARAP PARA SA BEST RECORD SA S+A

 

Liderato sa liga ng UAAP Women’s Volleyball ang paglalabanan ng magkaribal na Ateneo Lady Eagles (5-1) at De La Salle Lady Spikers (5-1) sa kanilang unang paghaharap ngayong season ngayong Sabado (March 4) sa SM Mall of Asia Arena, na eere ng LIVE sa S+A at S+A HD pagpatak ng 4pm, at may livestreaming sa sports.abs-cbn.com.

Maghaharap din sa naturang araw ang FEU Lady Tamaraws (4-2) at UST Golden Tigresses (3-3) para umangat sa standings sa ganap na 2pm. Tampok naman sa “Ateneo vs. La Salle” special ng “UPFRONT at the UAAP” ang mga dating manlalaro ng dalawang koponan na sina Cha Cruz at Melissa Gohing ng De La Salle University at Gretchen Ho at Amy Ahomiro ng Ateneo De Manila University.

Pinakamainit na koponan sa liga ngayon ang Lady Eagles na may apat na sunud-sunod na panalo pagkatapos silang paluhurin ng NU Lady Bulldogs noong kanilang ikalawang sabak sa pagbubukas ng liga. Samantala, maraming nagduda kung kaya ng aba madepensahan ng Lady Spikers ang kanilang korona nang matalo sa UP Lady Maroons, ngunit nawala ito nang kumana sila ng tatlong sunud-sunod na panalo laban sa UE, Adamson, at NU.

Bilang isa sa mga beterano, nangunguna na para sa Lady Eagles ang Season 77 Best Setter at team captain na si Jia Morado na tinulungang maging matinding sandatang si Jho Maraguinot, tulad ng dati nilang superstar na si Alyssa Valdez. Malaking tulong din ang pagiging maliksi muli ni Michelle Morente at ang pagbangon ni Kat Tolentino, na tinamaan ng dalawang magkasunod na knee injury noong nakaraang mga taon.

Samantala, para sa Taft-based volleybelles, patuloy na nangunguna para sa kanila ang Season 78 Best Setter na si Kim Fajardo na nakahanap ng mga bagong kasangga kay Tin Tiamzon bukod pa sa kanilang twin towers noong Season 78  na sina Finals MVP Kim Dy at Majoy Barron. Karagdagang tulong din ang dala sa pagpuno ng kawalan nina Mika Reyes at Ara Galang ang baguhang setter na si Michelle Cobb at Fil-Nigerian Aduke Ogunsaya.

Maituturing na magkaribal din ang FEU at UST bilang dalawa sa pinakamaraming kampeonato sa kasaysayan ng UAAP volleyball at pinanggalingan ng mga kinatatakutang atleta noon tulad nina kanila Venus Bernal at Mary Jean Balse (UST) at Wendy Semana at Rachel Anne Daquis (FEU). Ngayon naman, si Bernadeth Pons ang bumabandera para sa FEU, habang si Cherry Rondina naman ang nagbubuhat para sa UST. Muling babalikan ng dalawang eskwelahan ang kanilang nakaraan sa pagsabong nila sa ganap na 2pm.

Mapapanood din ang magkakaribal sa Men’s Division sa paghaharap ng UST at FEU, at sa subok na pag-walis ng Ateneo sa first round kontra La Salle sa Sabado (March 4). Eere sa S+A ng LIVE ang ikalawang laro ng 10am. Sa Linggo (March 5) naman, parehong eere ng LIVE sa S+A at S+A HD ang laban ng UE at Adamson para sa una nilang panalo sa 2pm, habang susubok na bumawi sa huling pagkatalo ang UP kontra sa NU ng 4pm. Magtatapatan din ang kanilang mga katumbas sa Men’s Division na mapapanood naman sa ganap na 6pm sa S+A HD.

Huwag palampasin ngayong Sabado (March 4) ang Rivalry Weekend ng UAAP na sisimulan ng “Ateneo vs. DLSU” special ng “UPFRONT at the UAAP” sa ganap na 1:30pm, at susundan naman ng UST vs. FEU ng 2pm at ng Ateneo vs. DLSU pagpatak ng 4pm, na eere ng magkasabay sa S+A at S+A HD. Para sa karagdagang balita, features, at live streaming, bumisita lamang sa sports.abs-cbn.com o sundan ang @ABSCBNSports sa Twitter at Facebook. Mapapanood din ang mga replay sa S+A at S+A HD.

 

-30-

Comments are closed.