NU, AdU look to book Finals seats in PVL Collegiate Conference on ABS-CBN S+A

 

National University (NU) and Adamson University (AdU) will look to finish their respective Best-of-Three series this Saturday (October 7) after edging out Arellano University (AU) and Far Eastern University (FEU) last Wednesday (October 4) at the Premier Volleyball League (PVL) semifinals.

Catch the second game between AdU Lady Falcons and the FEU Lady Tamaraws this Saturday (October 7) LIVE from the FilOil Flying V Arena in San Juan via livestreaming at 4 pm with primetime telecast HD at 8 pm on ABS-CBN S+A and S+A, followed by the showdown between the NU Lady Bulldogs and the AU Lady Chiefs, which will air LIVE on S+A and S+A HD at 6:30 pm with livestreaming.

The Lady Falcons, still playing minus star Jema Galanza, shocked the Lady Tams in their series opener via five grueling sets 21-25, 25-22, 20-25, 25-14, 15-8 to remain undefeated and get within one win of the Finals to face the winner between the Lady Bulldogs and the Lady Chiefs.

In the other pairing, NU made quick work of AU, 25-17, 25-16, 25-23, which had no answer to the towering Jaja Santiago, who delivered a complete display of dominance above the net.

A decider match, if necessary, will be played on Monday (October 9) with LIVE airings on S+A, S+A HD, and via livestream starting at 4 pm.

Meanwhile, the PVL is also bringing the volleyball fever to other points in the Philippines via “PVL On Tour,” which is taking off this Saturday (October 7) at the People’s Gym in Tuguegarao, Cagayan featuring Banko Perlas Spikers going up against the San Sebastian Lady Stags at 3 pm and Pocari Sweat Lady Warriors facing Creamline Cool Smashers at 5 pm.

The PVL has been making waves since its first conference this year with the hashtag #PVLonABSCBN always trending on social media every game day, along with words and hashtags related to the tournament.

Don’t miss the scintillating championship volleyball action in the continuation of the crossover semifinals of the PVL Collegiate Conference on S+A, S+A HD and on‪ premiervolleyballleague.com, this Saturday (October 7) as NU faces AU at 6:30 pm LIVE on S+A and S+A HD followed by the primetime airing of the AdU-FEU duel at 8 pm. Both semifinals series are available via livestream as well. For more information and stories, visit ABS-CBN’s sports hub sports.abs-cbn.com and follow @ABSCBNSports on Facebook and Twitter.

 

 

“PVL On Tour” dadayo sa Cagayan

NU, AdU NAIS TAPUSIN ANG AU AT FEU SA SEMIS NG PVL COLLEGIATE CONFERENCE SA ABS-CBN S+A

Isang panalo na lang ang kailangan ng National University (NU) at Adamson University (AdU) para makapasok sa finals ng kauna-unahang Premier Volleyball League (PVL) Collegiate Conference matapos padapain ang Arellano University (AU) at Far Eastern University (FEU) sa kani-kaniyang best-of-three semifinals series na sinimulan noong Miyerkules (Oktubre 4).

Abangan kung magagawa nila ito ngayong Sabado (Oktubre 8) sa sabong ng AdU Lady Falcons ng FEU Lady Tamaraws sa FilOil Flying V Arena sa San Juan ng 4 pm, na mapapanood ng live sa premiervolleyballleague.com ng 4 pm at may primetime telecast ng 8 pm sa ABS-CBN S+A at S+A HD. Samantala, mapapanood naman ng LIVE sa S+A, S+A HD, at livestream ng 6:30 pm ang bakbakan ng NU Lady Bulldogs at AU Lady Chiefs.

Pinataob ng Lady Falcons, na naglaro nang wala ang kanilang injured star player na si Jema Galanza, ang Lady Tamaraws 21-25, 25-22, 20-25, 25-14, 15-8, para makaungos sa kanilang serye.

Sa kabilang dako naman, hindi napigilan ng AU ang NU, lalo na si Jaja Santiago, nang tapusin ng Lady Bulldogs ang Lady Chiefs sa loob lamang ng tatlong sets 25-17, 25-16, 25-23, para mapalapit sa inaasam na korona.

Kung kailanganin ang isang rubber match, mapapanood ito ng LIVE sa Lunes (Oktubre 9) sa S+A, S+A HD, at livestream simula ng 4 pm. At kung hindi naman, diretso na ito sa Game 1 ng Finals.

Samantala, dadalhin naman ng PVL ang volleyball fever sa ibang lugar sa Pilipinas sa pamamagitan ng “PVL On Tour,” na magsisimula sa Sabado (Oktubre 7) sa People’s Gym sa Tuguegarao, Cagayan tampok ang tunggalian ng Banko Perlas Spikers at San Sebastian Lady Stags ng 3 pm at Pocari Sweat Lady Warriors at Creamline Cool Smashers ng 5 pm.

Patuloy na tinututukan ang PVL mula nang buksan ang unang season nito sa S+A. Palagi rin trending ang hashtag na #PVLonABSCBN sa social media tuwing may laro, isang pagpapakita ng patuloy na pagsuporta ng mga Pinoy volleyball fans sa liga.

Panoorin ang pinaka-mainit na bakbakan sa ikalawang laro ng Collegiate Conference semifinals ng PVL sa S+A, S+A HD ngayong Sabado (Oktubre 7) ng LIVE sa laban ng NU-AU ng 6:30 pm at susundan naman ng AdU-FEU sa primetime ng 8 pm. Maaari din mapanood ang dalawang serye ng LIVE sa premiervolleyballleague.com. Para sa karagdagang impormasyon, bumisita lamang sa sports.abs-cbn.com at i-follow ang @ABSCBNSports sa Facebook at Twitter.

 

Comments are closed.