BaliPure Water Defenders, Pocari Sweat Lady Warriors collide anew for PVL crown on S+A

The BaliPure Water Defenders and Pocari Sweat Lady Warriors fan the flames of rivalry once more as they clash at the Premier Volleyball League (PVL) Open Conference Finals this Saturday (August 12) in FilOil Flying V Arena in San Juan LIVE on S+A, S+A HD on cable TV, and via livestreaming on premiervolleyballleague.com at 6pm.

Serving as a curtain-raiser, the Hair Fairy Air Force Lady Jet Spikers and Creamline Cool Smashers also open their duel for third place at 4pm. The league will also present this conference’s individual awards in between the matches.

The Lady Warriors clinched their fourth-straight trip to the Finals with a surprise performance from Heather Guino-o to pull the rabbit out of their hat after being down 0-2 in the deciding game of their series against the Lady Jet Spikers 16-25, 20-25, 25-23, 25-19, 15-10.

Meanwhile, the Water Defenders pummeled an Alyssa Valdez-less Cool Smashers side in straight sets in their own do-or-die game, 25-22, 27-25, 25-23, to set up the grueling battle with their rivals.

Expected to lead the fight for the Coach Rico De Guzman’s squad in their quest to add to their trophy rack is Pocari’s MVP frontrunning pair of Myla Pablo and Jeanette Panaga. For the Roger Gorayeb-mentored, leading their charge in their quest for their first-ever PVL crown is Grethcel Soltones, Risa Sato, and Jasmine Nabor.

Meanwhile, the Tai Bundit-mentored Cool Smashers, sans superstar Valdez, gun for another podium finish, led by Pau Soriano, setter Jia Morado, and Ces Racraquin against Lady Jet Spikers, who will rely on the likes of Joy Cases, Wendy Semana, and Mary Ann Pantino. Prior to their semifinals loss, the Cool Smashers were unbeaten and pacing the league, even winning games in the absence of its star player.

Over at the men’s side, Cignal HD Spikers moved one win closer to the 2017 PVL Open Conference diadem when they defeated Mega Builders, the only team to lay a scratch on their record, in four sets 25-23, 21-25, 25-19, 25-17 behind Ysay Marasigan who went off for 21 points. Bryan Bagunas, who led Mega Builders with 14, was not able to stave off Cignal by himself when Marasigan received ample support from Peter Torres (11 points) and Edmar Bonono (14 points).

The PVL has been making waves, now in the second conference of its inaugural tournament, where it introduced the innovative multi-cam livestream that allows viewers to choose the angle form which to watch the games online. The hashtag #PVLonABSCBN also trends on social media frequently every game day, along with words and hashtags related to the tournament.

Don’t miss the scintillating championship volleyball action in the penultimate match of the PVL’s Open Conference on S+A, S+A HD and on‪ premiervolleyballleague.com, this Saturday (August 12) starting with the battle for third between the Cool Smashers and the Lady Jet Spikers Force at 4pm and the Finals match between the Lady Warriors and Water Defenders at 6pm. For more information and stories, visit ABS-CBN’s sports hub sports.abs-cbn.com and follow @ABSCBNSports on Facebook and Twitter.

-30-

 

Unang tropeo sa Premier Volleyball League Open Conference, pagtatalunan

BALIPURE WATER DEFENDERS AT POCARI SWEAT LADY WARRIORS MAGSASALPUKAN MULI SA PVL FINALS SA S+A

 

Lalong iinit ang tunggaliang BaliPure Water Defenders at Pocari Sweat Lady Warriors sa isang panibagong sagupaan ng dalawang koponan para sa PVL Premier Volleyball League Open Conference Finals ngayong Sabado (Agostos 12) sa FilOil Flying V Arena sa San Juan na mapapanood ng LIVE sa S+A, S+A HD, at via livestreaming sa premiervolleyballleague.com ng 6pm.

Magsisilbing panimula naman ang Battle for Third sa pagitan ng Hair Fairy Air Force Lady Jet Spikers at Creamline Cool Smashers ng 4pm sa parehong araw. Samantala, pararangalan din ang pinakamagaling na manlalaro sa conference sa pagitan ng dalawang laban.

Ito na ang ika-apat na sunod na pagpasok sa Finals ng Lady Warriors, salamat sa sorpresang pagsabog ni Heather Guino-o para maipanalo ang kanilang do-or-die na laban sa Lady Jet Spikers sa iskor na 16-25, 20-25, 25-23, 25-19, 15-10.

Samantala, sinunggaban naman ng Water Defenders ang pagkakataon na wala si Alyssa Valdez para sa Cool Smashers at dinurog ang mga kalaban sa loob ng tatlong set sa iskor na 25-22, 27-25, 25-23 sa sariling Game Three ng kanilang serye.

Inaasahan ni Coach Rico De Guzman na bubuhatin ng dalawang kandidato para sa MVP na sina Myla Pablo at Jeanette Panaga ang kanyang Lady Warriors upang madagdagan pa ang ang kanilang tropeo. Sina Grethcel Soltones, Risa Sato, at Jasmine Nabor naman ang aasahan ni Coach Roger Gorayeb na magbibigay ng tsansa sa Water Defenders laban sa kanilang mga karibal at makamit ang kanilang pinaka-unang korona saPVL.

Samantala, sa Battle for Third, sasandalan nila Coach Tai Bundit at ng Cool Smashers sina Pau Soriano, Ces Racraquin, at setter na is Jia Morado para muling mauwi ang tanso kontra naman sa Lady Jet Spikers na aasa kanila Joy Cases, Wendy Semana, at Mary Ann Pantino.

Para naman sa Men’s Division, isang panalo na lang ang kailangan ng Cignal HD Spikers para maiuwi na ang korona ng 2017 PVL Open Conference nang talunin nila ang Mega Builders, ang kaisa-isang koponang nakatalo sa kanila sa eliminations, sa loob ng apat na set 25-23, 21-25, 25-19, 25-17. Nagbuhos si Ysay Marasigan ng 21 na puntos na sinamahan naman ng 14 ni Edmar Bonono at 11 kay Peter Torres. Pinangunahan ni Bryan Bagunas ang Mega Builders sa kanyang 14 na puntos pero hindi ito naging sapat.

Maraming na-enganyong volleyball fans ang PVL sa kanilang unang season, na nasa ikalawang komperensya na ngayon, kung saan una ring naransan ang bagong handog ng ABS-CBN Sports na multi-cam livestreaming. Dito, nakapipili ang mga fans ng anggulo kung saan papanoorin ang mga laro. Patuloy din ang pag-trend ng hashtag na #PVLonABSCBN sa social media tuwing may laro, isang pagpapakita ng patuloy na pagsuporta ng mga Pinoy volleyball fans sa liga.

Panoorin ang pinaka-mainit na bakbakan sa Open Conference Finals ng PVL sa S+A, S+A HD, at sa premiervolleyballleague.com ngayong Sabado (August 12) simula 4pm sa Battle for Third ng Cool Smashers at Lady Jet Spikers na susundan naman ng Game 1 ng Finals sa pagitan ng Water Defenders at Lady Warriors ng 6pm. Para sa karagdagang impormasyon, bumisita lamang sa sports.abs-cbn.com at i-follow ang @ABSCBNSports sa Facebook at Twitter.

-30-

Comments are closed.