“BAYAN MO, iPATROL MO”: FROM ELECTION REPORTAGE TO MOVING FOR CHANGE

BMPM Tayo Na

“BAYAN MO, iPATROL MO”: FROM ELECTION REPORTAGE TO MOVING FOR CHANGE

ABS-CBN’s citizen journalism arm “Bayan Mo iPatrol Mo” (BMPM), the largest in the country, continues to organize voters’ empowerment and citizen journalism workshops that teach citizens skills for mobilizing campaigns and encourage them to vote based on important national issues.

BMPM has come a long way from being the election-focused campaign “Boto Mo iPatrol Mo” established in 2007 that primarily called on citizens to patrol their votes by using technology and social media.

BMPM, which has almost half a million Bayan Patrollers, reflects the growing influence of citizen journalism as a year-round vehicle for change and citizens’ strengthened capacity to expand the use of social media – from mere reportage to organizing platforms for causes and advocacies.

In Iligan City, Bayan Patrollers launched collaborative projects to bring attention to the plight of Typhoon Sendong evacuees and the nagging problems of illegal logging in the region.

Batangas province students from different communities are networking on social media to map out their most serious infrastructure problems and the effect these have on their lives.

In Surigao, citizen journalists attended workshops to learn how to broadcast the consequences of environmental abuse in their communities.

And in Ubay, Bohol youth launched a campaign to force local government officials to fulfill a promise to complete a high school that lacked walls, windows and even a basic bathroom for students.

“It is impressive to see youth aware of the need to use social media and digital technology for those without access to it,” said Ging Reyes, head of ABS-CBN News and Current Affairs. She pointed out that in key cities, the youth have pledged to serve their communities by helping voters find out their precincts’ locations even before election day. This, she pointed out, would help minimize election day chaos that frays tempers of both voters and poll watchers.

In the Autonomous Region of Muslim Mindanao, advocates of Fully-Abled Nation and BMPM volunteers used lessons in community engagement to launch a community help service to help transport differently abled voters to polling places.

Youth are also using social media to spread the need for independent votes. Students of the University of St. La Salle (USLS) Bacolod City started the ball rolling with a video pledge: “My vote is my birthright, it is not for sale.”

This has since been translated by Bayan Patrollers in Baguio, Naga City, Cebu City, Tacloban City, Zamboanga City, Surigao City, Cotabato City, Cagayan de Oro City and other communities into their local languages. In election violence-plagued Masbate, even high school students are involved in turning around a perennial problem with the production of a video message appealing to their parents to safeguard the integrity of their votes.

BMPM head Inday Varona explained the significance of BMPM’s evolution to citizens who see it not only as a platform for exposing election-related problems but as a tool to hold people in power accountable.  

“We have cleaner, safer elections when we maintain vigilance in between elections. That includes community concerns and social services. Our Bayan Patrollers don’t just report but have built a community where they interact about issues that are relevant to them,” she said.

She reported that of the 24 exclusive Bayan Patroller reports aired on ABS-CBN’s newscasts, 13 led to the completion of long-delayed projects, sanctions imposed on erring government officials, and the rescue of endangered animals and people in vulnerable and dangerous situations.

As the May election approaches, more workshops will be conducted in schools and universities in Lanao del Norte, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Bulacan, Bukidnon, and Metro Manila.

Kung may nagaganap sa Bayan Mo, iPatrol Mo. Send reports and photos to ireport@abs-cbn.com, tweet them to @bayanmo, or upload them to bmpm.abs-cbnnews.com and www.facebook.com/bayanmoipatrolmo.akoangsimula.

 

“BAYAN MO, iPATROL MO”: MULA SA PAGPAPATROL NG HALALAN

TUNGO SA PAGBABAGO NG BAYAN

Patuloy na nag-oorganisa ang “Bayan Mo iPatrol Mo” (BMPM) ng ABS-CBN ng mga workshop upang turuan ang mga mamamayan na maglunsad ng kani-kanilang kampanya tungo sa pagbabago at himukin silang maging mas matatalinong botante.

Malayo na ang narating ng BMPM, ang pinakamalaking organisasyon ng mga citizen journalist sa bansa, mula sa isang kampanya noong 2007 na nanawagan sa mga Pilipinong bantayan ang kanilang boto. Ngayon ay ginagamit ng halos kalahating milyong Bayan Patrollers nito ang impluwensiya ng social media upang mag-report at ibunyag ang kanilang mga hinaing.

Sa Iligan City, isiniwalat ng Bayan Patrollers ang paghihirap ng mga evacuee ng Bagyong Sendong at ang kahindik-hindik na epekto ng pagtotroso sa kanilang lugar.

Ginagamit naman ng mga estudyante sa Batangas ang social media upang pag-usapan ang epekto ng mga suliranin sa imprastraktura sa buhay nila.

Lumahok naman ang mga citizen journalist ng Surigao sa mga workshop upang matuto kung paano iulat ang pang-aabuso sa kalikasan sa kanilang komunidad.

At sa Ubay, Bohol, pinanagot ng kabataan ang mga lokal na opisyal sa pagpapaayos ng isang high school na walang pader, bintana, at banyo.

“Nakakabilib na makitang ginagamit ng kabataan ang social media at makabagong teknolohiya upang tulungan ang mga taong walang access sa mga ito,” pahayag ni Ging Reyes, ang head ng ABS-CBN News and Current Affairs.

Dagdag pa niya, sa ilang lungsod ay nanumpa ang mga kabataan na tulungan ang mga botante sa paghahanap ng kanilang mga presinto sa araw ng halalan at gumawa ng mga video upang i-promote ang matalinong pagboboto.

“Mas malinis at maayos ang bawat halalan kung nakabantay tayo hindi lamang kapag may halalan pero sa buong taon. Ang Bayan Patrollers natin, hindi lang nagre-report pero naka nakabuo na rin sila ng isang komunidad kung saan nila pinag-uusapan ang mga isyung mahalaga sa kanila,” pahayag ng BMPM head na si Inday Varona.

Ayon kay Varona, noong 2012 ay 24 na balita na inere sa mga newscast ng ABS-CBN ay ekslusibong nakuha mula sa Bayan Patrollers, habang 13 ang humantong sa pagkakakumpleto ng mga proyektong nakabinbin, parusa sa mga abusadong opisyal ng pamahalaan, at ang pagsagip sa mga nanganganib na hayop at mga taong naipit sa mga delikadong sitwasyon.

Habang papalapit ang halalan ngayong Mayo, marami pang workshops ang gaganapin sa mga paaral at unibersidad sa Lanao del Norte, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Bulacan, Bukidnon, at Metro Manila.

Kung may nagaganap sa Bayan Mo, iPatrol Mo. Magpadala ng reports at litrato sa ireport@abs-cbn.com, i-tweet ang mga ito sa @bayanmo, o i-upload sa bmpm.abs-cbnnews.com at www.facebook.com/bayanmoipatrolmo.akoangsimula.

 

Photos from BMPM’s Facebook page (www.facebook.com/bayanmoipatrolmo.akoangsimula)

TAGS: ,

Comments are closed.