Bayani at Karla nagbabalik para sa bagong season ng “Funny Ka, Pare Ko”

“I Can Do That” winner na si Wacky Kiray kasali na

BAYANI AT KARLA NAGBABALIK PARA SA BAGONG SEASON NG “FUNNY KA, PARE KO”

Nagbabalik sina Bayani Agbayani at Karla Estrada para sa pinakabagong season ng “Funny Ka, Pare Ko” sa CineMo. Bagong makakasama nila sa cast si Wacky Kiray, ang unang grand winner ng “I Can Do That.” Panoorin sila tuwing Linggo, 5 ng hapon.

Huling nakita ang Delyon family na nagbabakasyon sa Baguio kasama ang mga Komikero matapos ang graduation ng kanilang anak.

Nagbabalik sila matapos ang time-jump na dalawang taon kung saan nasa kolehiyo na si Jay-ar at nag-aaral ng culinary arts o pagluluto. Tuluyan naming lumago ang eatery nina Bigboy (Bayani Agbayani) at Karla (Karla Estrada). Isa na itong tunay na restaurant kung saan kasosyo nila ang kanilang mag bayaw na sina Pags (Alora Sasam) at Dong-Dong (Jayson Gainza), na isinara ang kanilang salon para sa mapalaki ang kainan ng mga Delyon.

Habang lumalago ang negosyo ng mga Delyon ay patuloy rin ang pagtulong nila sa mga Komikero sa pamamagitan ng pagbebenta nila ng “Bigboy’s Famous Adobo.” Ngunit, mayroon pa ring mga kumukontra sa kanilang tagumpay.

Masaya si Wacky Kiray na mapabilang sa cast ng “Funny Ka, Pare Ko.” Mas kilala siya bilang unang grand winner ng celebrity talent show na “I Can Do That” pero nakapagpakita na rin siya ng kaniyang kakayahin sa pagpapatawa sa naunang season ng FKPK.

“Ang sarap ng feeling na kasali na ako rito sa Pare Ko kasi ang mga kasama ko rito ngayon ay mga magagaling lahat na mga aktor pagdating sa comedy,” aniya.

Gaganap siya bilang may-ari ng isang laundry shop pero hindi pa rin masasabi kung siya ba ay magiging kaibigan sa mga Delyon o magiging kontrabida gaya ni Victor (Jobert Austria) na gustong sirain ang negosyo ni Bigboy

Nagpapasalamat sila Bayani at Karla para sa patuloy na suportang nakukuha ng palabas na hinirang na Best Comedy Program sa 15th Gawad Tanglaw Awards.

Ani Bayani, ang Best TV Actor for a Comedy Program ng 25th KBP Awards, “Nakakatuwa. Nakakatuwa, kasi maraming mga taong natutuwa at nanonood doon sa show.” Sabi naman ni Karla, “sobrang overwhelmed kami dahil ang gaan gaan ng ginagawa namin and yet tinatangkalik.”

Abangan ang mga bagong episode ng pinakabagong season ng “Funny Ka, Pare Ko,” tuwing Linggo, 5 ng hapon sa CineMo.

Ang CineMo ay mapapanood sa ABS-CBN TVplus. Ang ABS-CBN ang unang media at entertainment company na nagpakilala ng digital terrestrial television noong 2015 para mas maging maganda ang TV viewing experience ng mga Pilipino. Gamit ang digital signal transmission, nagiging malinaw ang mga palabas sa TV. Bukod sa exclusive channels, nakakasagap din ang TVplus box ng ibang channels na gumagamit na ng digital signal. Wala ring monthly fee ang ABS-CBN TVplus.

-30-

 

 

“I Can Do That” winner, Wacky Kiray, joins cast

BAYANI AND KARLA RETURN FOR A NEW SEASON OF “FUNNY KA, PARE KO”

Bayani Agbayani and Karla Estrada are back as Bigboy and Karla Delyon for the new season of “Funny Ka, Pare Ko” on CineMo with newest cast mate, “I Can Do That” first grand winner, Wacky Kiray, every Sunday at 5 PM.

The Delyon family were seen vacationing in Baguio with the Komikeros to celebrate their son’s graduation at the end of season three.

After a two-year time jump, Jay-ar (Igi-boy Flores) is now in college, taking up culinary arts, while the eatery of Bigboy (Bayani Agbayani) and Karla (Karla Estrada) Delyon continue to grow. They expanded their eatery into a full-blown restaurant with their in-laws, Pags (Alora Sasam) and Dong-Dong (Jayson Gainza), who closed their salon in favor of the diner.

While the Delyons continue to share their success with the Komikeros through the bottling and selling of “Bigboy’s Famous Adobo,” there are those who want to see the Delyons fail.

Joining the cast is Wacky Kiray. He is known as the first grand winner of celebrity talent show, “I Can Do That” but has also guested on the show in the previous season.

Wacky said he is happy to join a cast of established comedians, “It feels good because I’m with great actors in the field of comedy and sitcoms.”

He will join the group as a neighborhood laundry shop owner. However, only time can tell if he’ll be a friend to the Delyons or be like Victor (Jobert Austria), who is out to ruin Bigboy and his business.

Karla and Bayani are very thankful for the continued support for the show, which won Best Comedy Program at the 15th Gawad Tanglaw Awards.

Bayani, the 25th KBP Awards’ Best TV Actor for a Comedy Program, says, “It makes us happy that a lot of people enjoy the show,” a feeling that Karla shares saying, “We’re overwhelmed with the support of the people.”

Catch new episodes of latest season of “Funny Ka, Pare Ko,” every Sunday at 5 PM on CineMo.

CineMo is available on ABS-CBN TVplus. ABS-CBN is the first media and entertainment company in the Philippines to make the historic switch from analog to digital terrestrial television in 2015 to transform the TV viewing experience of Filipinos. Using digital signal transmission, ABS-CBN TVplus makes TV viewing dramatically crystal clear. Besides exclusive channels, it can also capture and broadcast channels that transmit in digital and is offered for a one-time payment fee.

-30-

Comments are closed.