Breakthrough Philippine love team of Joshua Garcia and Julia Barretto embarks on the romantic road trip “Love You to the Stars and Back


The Philippines’ breakthrough love team of Joshua Garcia and Julia Barretto returns to the big screen for another exciting chapter of their blockbuster tandem in Star Cinema’s upcoming romantic-comedy entitled ”Love You To The Stars And Back” screening in Australia and New Zealand starting September 14 via TFC@theMovies.

Written and directed by Antoinette Jadaone, who is widely recognized for changing the film landscape by introducing the hugot or feels genre in “That Thing Called Tadhana”, ”Love You to the Stars and Back” is the much-awaited follow-up movie of Garcia and Barretto since they first teamed up in their Metro Manila Film Festival (MMFF) 2016 entry ,”Vince And Kath And James”.

The story is centered on an eccentric and socially awkward girl, Mika (Barretto), who decides to go on a road trip with a very strange goal –– to look for aliens. In her trip, Mika accidentally bumps into a simple and good-humored boy, Caloy (Garcia), whom she chooses to give a free ride until he reaches his destination. Mika and Caloy get to know each other as the two embark on a road trip filled with adventures and misadventures. In the process, the two unexpectedly teach each other an important lesson on love and
life –– one that takes most people a lifetime to learn.


Joshua and Julia are two of the most talented and most sought after young artists in ABS-CBN today. Their debut project as a love team, ”Vince And Kath And James” was graded A by the Cinema Evaluation Board of the Philippines and it broke box-office records in last year’s Metro Manila Film Festival (MMFF).

Garcia’s acting career on TV was propelled when he became part of the powerhouse cast of the afternoon series The Greatest Love. Likewise, his praise-worthy performance as Vince in ”Vince and Kath and James” earned him a Best Actor nomination in the 2016 MMFF.

 

Philippine entertainment industry’s It-girl Julia, on the other hand, is making waves as part of the stellar ensemble cast of ABS-CBN’s top-rating primetime series, ”A Love To Last”.

 

As Caloy and Mika respectively, Garcia and Barretto are set to make the entire country fall in love once again with their remarkable tandem, this time in an unexpected love that will surely inspire and enthrall moviegoers of all ages.

 

Be part of Caloy’s and Mika’s journey and find out what it really takes to bet on love in a world where nothing seems to last forever.

 

“Love You To The Stars and Back” also features a superb supporting cast led by Cherry Pie Picache, Carmina Villaroel, Ariel Rivera, Maricar Reyes-Poon, Edgar Allan Guzman, Joaquin Reyes, Eda Nolan, and Belle Mariano. 

 

“Love You to the Stars and Back” descends in Australia and New Zealand this September 14.

For more information, visit facebook.com/TFCAustralia and New Zealand.  Connect with fellow global Kapamilyas and follow KapamilyaTFC on IG and Twitter.

###

Samahan sina Joshua Garcia at Julia Barretto sa kanilang ultimate romantic, cinematic road trip sa “Love You to the Stars and Back”
Comeback movie ng breakout loveteam ng JoshLia, mapapanood na via TFC@theMovies simula September 14 sa Australia at New Zealand

Nagbabalik sina Joshua Garcia at Julia Barretto sa big screen para sa isang bagong kabanata ng kanilang blockbuster tandem sa nalalapit na pagtatanghal ng romantic-comedy ng Star Cinema na pinamagatang ”Love You To The Stars And Back” na mapapanood sa Australia at New Zealand simula September 14 via TFC@theMovies.

 

Sa panulat at direksyon ni Antoinette Jadaone, na nakilala sa paghubog ng hugot genre sa “That Thing Called Tadhana”, ang  ”Love You To The Stars And Back” ay ang pinakahihintay na follow-up movie nina Garcia at Barretto mula noong una silang nagtambalan sa kanilang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2016 entry na ”Vince and Kath and James”.

 

 

Ang istorya ng ”Love You to the Stars and Back” ay naka-sentro sa isang kakaiba at socially awkward girl na si Mika (Barretto). Nag-desisyon si Mika na mag-road trip para makahanap ng mga aliens. Sa kaniyang biyahe, aksidenteng makikilala ni Mika ang isang simpleng binata na may positibong pagtining sa buhay na si Caloy (Garcia), na bibigyan niya ng free ride hanggang marating nito ang kanyang destinasyon. Makikilala nina Mika at Caloy ang isa’t-isa sa kanilang nakakaaliw na road trip na punong-puno ng adventures at misadventures. Sa prosesong ito, hindi inaasahan na tuturuan nila ang isa’t-isa ng isang mahalagang leksyon tungkol sa pag-ibig at buhay –– isang bagay na natututunan ng iba sa napakatagal na panahon.

 

 

Dalawa sina Garcia at Barretto sa pinaka-talentado at inaabangang batang artista ng ABS-CBN ngayon. Ang kanilang debut project bilang isang love team, ang ”Vince, and Kath and James”, ay graded A ng Cinema Evaluation Board of the Philippines at pumalo ito nang todo sa takilya sa MMFF noong nakaraang taon.

 

 

Mas umangat pa ang acting career ni Garcia sa TV nang maging bahagi siya ng powerhouse cast ng afternoon series na ”The Greatest Love”.

Ang kahanga-hangang performance ni Garcia bilang si Vince sa ”Vince And Kath and James” ang nagbigay sa kanya ng nominasyon bilang Best Actor sa 2016 MMFF.

 

 

Ang It-girl naman na si Barretto ay pinag-uusapan sa pagiging bahagi ng kamangha-manghang ensemble cast ng top-rating primetime series ng ABS-CBN na ”A Love To Last”.

 

 

Bilang sina Caloy at Mika, tiyak na kikiligin na naman ang buong bansa kina Garcia at Barretto at tiyak na iibig na naman ang lahat sa kanilang tambalan. Ngunit ngayon, ibang JoshLia ang matutunghayan ng lahat dahil sa di inaasahang pag-iibigan nila sa pelikulang ito na siguradong kapananabikan ng lahat ng mga manonood.

 

Maging bahagi ng paglalakbay nina Caloy at Mika at alamin kung dapat bang tayaan ang pagmamahal sa mundong pawang walang nagtatagal.
Tampok din sa ”Love You to the Stars and Back” ang mga dekalidad na mga actor na pinangungunahan nina Cherry Pie Picache, Carmina Villaroel, Ariel Rivera, Maricar Reyes-Poon, Edgar Allan Guzman, Joaquin Reyes, Eda Nolan, at Belle Mariano. 

 

 

Maglalakbay na ang ”Love You to the Stars and Back” sa Australia at New Zealand sa September 14.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang facebook.com/TFCAustralia at New Zealand. Maki-connect sa kapwa global Kapamilyas at i-follow ang KapamilyaTFC sa IG at Twitter.

###

 

Media contact:
Star Cinema 632 415 2272
global_corporate_affairs@abs-cbn.com
with additional text from Marianne de Vera
Global Corporate Affairs and PR
632 415 2272 (LANDLINE)
global_corporate_affairs@abs-cbn.com (EMAIL)

 

 

 

Comments are closed.