CAST OF FPJ’S “ANG PROBINSYANO” PERSONALLY THANKS FILIPINOS IN HONG KONG VIA “ISANG PAMILYA TAYO GRAND FANS’ DAY”


Deafening cheers welcomed the cast of “FPJ’s Ang Probinsyano” as lead star Coco Martin and stars Yassi Pressman, Awra plus Daryl Ong set foot in Hong Kong early December for “FPJ’s Ang Probinsyano Isang Pamilya Tayo Grand Fans’ Day”.


The “Isang pamilya Tayo Grand Fans’ Day” is the third leg of the long-running show “FPJ’s Ang Probinsyano” cast’s international shows, which is their way of thanking the Filipinos overseas for their year of support for their show.
The kababayans in Hong Kong felt the gratitude and love as Martin did not think twice about getting off his car upon arrival and walking towards the holding area at Piazza A&B, Hong Kong Cultural Center, Tsim Sha Tsui where the event was held.


For the King of Primetime, it was the perfect opportunity to personally greet his fans so he had no qualms in going all out.  When the show started, Martin humored the crowd saying, “Sabi sa inyo magsasawa kayo sa akin ngayon araw na ito, e! (I told you, you are going to get tired of me.)” He then added, “Dahil minsan lang ‘to, susulitin ko na! (This just happens once in a lifetime, so bear with me.)”

Raising the excitement level further was the Kapamilya heartthrob’s performance of several songs which he prepared for the Hong Kong leg, including the theme song of the series “‘Wag Ka Nang Umiyak” popularized by Gary Valenciano.  Martin also performed other songs such as “Awit ng Kabataan” and “Bonggahan.”

The supporters, happy to see Martin, took in ever performance he shared with the crowd, including his singing.  While he could carry a tune, Martin knew he was no belter.  He humored the crowd laugh saying: “Di ba ang pangit ng boses ko? Kapalan lang ng mukha (ko) para mapaligaya kayo! (I sing badly but I will sing just to make you happy.)”

Martin then called on-screen partner Pressman onstage for a duet to the tune of “Ikaw,” an original hit by Yeng Constantino. Met by the teases from the crowd was Martin‘s one-liner for Pressman: “Ang daming nanligaw sa akin ikaw lang pumasa, ah? (A lot has courted me but only you prevailed).”

Aside from a duet with Martin, Pressman, also known as the “Princess of the Dance Floor” also brought the house down with her song and dance performance of Beyonce’s hit single “Crazy In Love,” and song performance of the OPM hit “Torete” by Moonstar 88.

Breakout Child Star Awra, meantime, fired up everyone’s energy with his dance performance of “Ang Kulit,” theme song of the film “The Super Parental Guardians” that also stars Martin, plus Xymon “Onyok” Pineda and Vice Ganda.

 

Meantime, Ong also made the audience swoon with his ballads, and invited a lady and serenaded her on stage with the song “Basta’t Kasama Kita.” The crowd also sang along with him to the tune of what could be considered one of the most iconic Christmas songs, “Sana Ngayong Pasko,” which touched many of the overseas Filipinos’ hearts.

 

Before the show concluded, all the cast of ‘Ang Probinsyano’ went back onstage to thank the almost 4,000 attendees of their show, and took a group selfie or groufie with their Kapamilyas.
Towards the end of the show, Martin invited the Pinoys in Hong Kong to visit them at the set of “Ang Probinsyano” when they go home to the Philippines.

 

“Sana pag-uwi n’yo ng Pilipinas magkita-kita pa rin tayo. Dalaw kayo sa set namin ng ‘Ang Probinsyano’ para personal naman kaming makapagpasalamat sa inyo, (Please visit us when you come home so we can personally thank you.)” he said.

 

The surprises did not end there as select fans were given the chance to personally meet Martin, Pressman, Awra and Ong and have a photo opportunity with the cast.

 

The series to date, continues to dominate the primetime block ratings, and is leading in the overall weekday ratings according to the December 27 2016 data released by television viewership measurement company Kantar Media, and continues to be one of the TV’s most viewed shows on TFC.tv  For this, the cast is constantly thankful.

With this, and after the warm welcome of the Kapamilyas in and outside the country, Martin and the whole cast of “FPJ’s Ang Probinsyano” assured the audience that they will continue to give their best in the show, and bring joy and inspiration to the Kapamilyas all over the world.

Viewers outside the Philippines can continue watching the exciting episodes of “FPJ’s Ang Probinsyano” via TFC, TFC.tv and TFC IPTV. For more updates about the show, visit TFC’s facebook.com applicable for your areaConnect with fellow global Kapamilyas, follow @KapamilyaTFC on Twitter and Instagram.

###

Cast ng “FPJ’s Ang Probinsyano,” nakiisa sa mga Pinoy sa HK via “Isang Pamilya Tayo Grand Fans’ Day”
Coco Martin, Yassi Pressman, Awra at Daryl Ong nagpasalamat sa mga Kapamilya sa Hong Kong para sa kanilang isang taong suporta

“I love you, baby!” Ito ang mainit na pagbati at pakita ng pasasalamat ni Coco Martin sa lahat ng dumalo sa “FPJ’s Ang Probinsyano Isang Pamilya Tayo Grand Fans’ Day” sa Hong Kong kamakailan, kasama ang ibang cast ng palabas na sina Yassi Pressman, Awra at Daryl Ong.

 

Pagdating pa lamang ni Martin sa A&B, Hong Kong Cultural Center, Tsim Sha Tsui kung saan ginanap ang grand fans’ day ay hindi siya nagdalawang-isip na bumaba sa kaniyang sasakyan at maglakad papunta sa kanilang holding area upang samantalahin ang pagkakataong makabati ng personal ang kanilang mga tagahanga.

 

Para kay Martin, hindi sa araw-araw ay nakakasalamuha ng personal ang mga Filipino sa ibang bansa kaya itinodo niya ang pasasalamat.  Nang magsimula na ang show, biniro ni Martin ang mga manonood at sinabing, “sabi sa inyo magsasawa kayo sa akin ngayon araw na ito, e!” Dagdag niya, “Dahil minsan lang ‘to, susulitin ko na!”

 

Ang “Isang Pamilya Tayo Grand Fans’ Day” ang pangatlong international concert ng mga cast ng “Ang Probinsyano” matapos ang Dubai at Al Khobar legs nito matapos ang Dubai at Al Khobar legs nito ngayong Disyembre, na pasasalamat sa isang buong taon na suportang ibinibigay ng mga Kapamilya sa ibang bansa.

 

Higit na sa isang taon, patuloy ang pamamayagpag ng programa sa primetime ratings, at batay sa huling datos na inilabas ng television viewership measurement company na Kantar Media / TNS nitong December 27, 2016.

 

Kaya naman ganoon na lamang ang pagnanais ng cast ng “Ang Probinsyano” na hangga’t maaari ay personal na pasalamatan ang kanilang mga tagatangkilik.

 

Ilang awitin din ang inihanda ng “King of Primetime” para sa mga Kapamilya sa Hong Kong. Tulad na lamang ng theme song ng “Ang Probinsyano” na “’Wag Ka Nang Umiyak” na pinasikat ni Gary Valenciano, “Awit ng Kabataan” at Bonggahan.”

 

Sobrang tuwa ng mga Filipino na makita si Martin at kahit ano ang ibahagi niyang performance ay ikinatuwa nila, pati na ang kaniyang pag-awit.  Nakakakanta man siya sa tono ay di siya bumibirit tulad ng kasamang si Ong.  Biro pa ni Martin, “di ba ang pangit ng boses ko? Kapalan lang ng mukha (ko) para mapaligaya kayo!”

 

Maya-maya pa ay umakyat na ng stage ang on-screen partner na si Pressman upang samahan si Coco sa pag-awit ng “Ikaw,” na pinasikat ni Yeng Constantino. Kilig na kilig ang mga manood habang magkahawak-kamay na umaawit sina Pressman at Martin. Pero mas lalo silang kinilig nang humirit ang huli ng, “Ang daming nanligaw sa akin ikaw lang pumasa, ah?”
Bukod sa duet kay Martin, nagpasiklab din si Pressman sa kaniyang song and dance performance ng awiting “Crazy In Love” ng international singer na si Beyonce. Inawit niya rin ang OPM hit na “Torete” ng Moonstar 88.

 

Todo naman ang energy ng Breakout Child Star na si Awra nang sayawin niya ang theme song ng pelikulang “The Super Parental Guardians” na “Ang Kulit,” kung saan bumida siya kasama sina Martin, Xymon “Onyok” Pineda at Vice Ganda.

 

Marami rin ang kinilig sa performance ni Ong, na nag-imbita pa ng isang binibini mula sa audience para kantahan ng “Basta’t Kasama Kita.” Hindi rin naman nagdalawang-isip ang mga manonood na sabayan siya na awitin ang Christmas song na “Sana Ngayong Pasko,” na umantig din sa kanilang mga puso.

Bago matapos ang show, lumabas sina Martin, Pressman, Awra at Ong sa stage upang pasalamatan ang halos apat na libong taong dumalo sa kanilang pagtatanghal, at nag-selfie pa kasama ang crowd.

Inimbitahan ni Martin ang kanilang mga manonood sa Hong Kong na dalawin sila sa set ng “Ang Probinsyano.”  Ani Martin, “sana pag-uwi n’yo ng Pilipinas magkita-kita pa rin tayo. Dalaw kayo sa set namin ng ‘Ang Probinsyano’ para mas personal naman kaming makapagpasalamat sa inyo.”
Ngunit hindi lamang ang pagtatanghal ang kanilang sopresa sa kanilang mga fans, dahil ilang masusuwerteng tagahanga ang nabigyan ng pagkakataon na personal na makilala sina Martin, Pressman, Awra at Ong backstage at makapagpakuha pa ng litrato.

 

Matapos ang mainit na pagtanggap ng mga Kapamilya sa kanila hindi lamang sa loob ng bansa kung hind imaging sa labas ng bansa, sinisiguro nina Martin, Pressman, Awra at Ong na lalo pa nilang pagbubutihin ang kanilang pagganap sa “FPJ’s Ang Probinsyano” upang maghatid ng saya at inspirasyon sa bawat Kapamilya sa mundo.

 

Patuloy na mapapanood ng mga Filipino sa ibang bansa ang mga kapanapanabik na episodes ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa TFC, TFC.tv at TFC IPTV. Para sa updates tungkol sa palabas, maaaring bisitahin ang facebook page na applicable sa kanilang areas. Maki-connect sa kapwa global Kapamilya, i-follow ang @KapamilyaTFC sa Twitter at Instagram.

###

Reference:
Joyce Jimenez
ABS-CBN Global Corporate Affairs and PR
Jocelyn_Jimenez@abs-cbn.com (EMAIL)
632 415-2272 (LANDLINE)

Comments are closed.