Christian Bables sasabak sa kanyang unang pagganap sa “MMK”

Tampok sa kanyang unang pagganap sa “MMK” ang 40th Gawad Urian Best Supporting Actor bilang isang lalaking sa paghahanap ng sarili ay nasadlak sa pagiging isang macho dancer ngayong Sabado (Agosto 12)  sa “MMK.”

Namulat si Ben (Christian) sa isang buhay na magulo at puno ng panghuhusga dala narin ng mundong ginagalawan ng kanyang inang si Helen Vela (Gloria Diaz) at kapatid na si Princess Punzalan (Ritz Azul). Dahil nasa kanila ang mga mata ng publiko, hindi naiwasan makatanggap siya ng kaliwa’t kanang pangungutya tungkol sa kanyang pisikal na itsura lalo na sa pagiging anak niya sa labas na nagsanhi ng pagkawala ng kanyang bilib sa sarili. Gayunpaman, naging sandigan ni Ben ang kanyang pamilya sa lahat ng kanyang mga pangarap at pagsubok sa buhay.

Kaya namang tuluyang gumuho ang buhay ni Ben nang namatay ang kanyang ina. Sa labis na kalungkutan, tinalikuran niya ang kanyang mga kapatid. Sa kanyang pagpupumilit mamuhay mag-isa, napadpad  naman siya sa pagtratrabaho sa isang gay bar bilang isang macho dancer.

Sa panibagong landas na kanyang kinahantungan, nahanap kaya niya ang pagtanggap at atensyon na kanyang inasam? Nagkaayos pa kaya sila ng kanyang mga kapatid?

Makakasama ni Christian sa episode sina Ingrid dela Paz, Micah Javier, Alex Castro,Angelo Ilagan, JB Agustin, Kyline Alcantara, Nathaniel Britt, at Toby Alejar. Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Raz dela Torre at panulat ni Shugo Praico. Ang “MMK” ay pinamumunuan ng Star Creatives COO na si Malou N. Santos.

Abangan ang longest-running drama anthology sa Asya, ang “MMK” tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, i-follow ang @mmkofficial sa Facebook, Twitter, at Instagram.

 

CHRISTIAN BABLES TOPBILLS FIRST “MMK” EPISODE

After winning the 40th Gawad Urian Best Supporting Actor award, Christian Bables once again takes on a challenging role as a man who turned to being a macho dancer in order for people to accept him this Saturday (August 12) in “MMK.”

Christian gives life to the story of Ben, son of actress Helen Vela (Gloria Diaz) and the sibling of Princess Punzalan (Ritz Azul). Growing up in the public eye, Ben was a target for bullying and received many hurtful comments from people concerning his physical features and especially because he was an illegitimate child. This paved way for him to grow insecurities but despite this, his family always supported him.

When his mother died, his life suddenly fell apart. He was so devastated that he turned his back on his siblings. In his resistance, he decided to live alone and this led him to work in a gay bar as a macho dancer.

What happened to Ben in his journey to find himself? Did Ben and his siblings reconcile?

Joining Christian in this episode are Ingrid dela Paz, Micah Javier, Alex Castro, Angelo Ilagan, JB Agustin, Kyline Alcantara, Nathaniel Britt, and Toby Alejar. The episode is directed by Raz dela Torre and written by Shugo Praico. “MMK” is led by Star Creatives COO Malou Santos.

Don’t miss the longest-running drama anthology in Asia, “MMK,” every Saturday after “The Voice Teens” on ABS-CBN or ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Catch its latest episodesoniwantv.com.phorskyondemand.com.ph for Sky subscribers. For more updates, follow @mmkofficial on Facebook, Twitter, and Instagram.

 

Comments are closed.