“CINEMA ONE ORIGINALS” FILMS TO LIVEN UP WEDNESDAY NIGHTS ON CINEMA ONE

 

Cinema One makes late night cable viewing on Wednesdays a lot more exciting with “Cinema One Originals Presents” offering genuinely interesting stories with this month’s features — “Mater Dolorosa,” “Sa Ilalim ng Tulay” and “Bitukang Manok.”

 

“Mater Dolorosa” is a family drama film starring Gina Alajar as the titular character. It’s a story about a matriarch who tries to keep her family intact while heading her husband’s crime group. A new mayor steps in, forcing her to change the way she runs her business. Among the film’s recognitions are the 2013 Golden Screen Awards Best Actress nod for Gina, the 2013 Star Awards for Movies Best Supporting Actor for Carlo Aquino and the 2013 Gawad Urian Best Director for Adolf Alix, Jr.

 

Also showing in this month’s “Cinema One Originals Presents” is “Sa Ilalim ng Tulay,” a dramedy directed by Earl Bontuyan. It follows the story of an Aeta family who gets displaced by the Mt. Pinatubo eruption and decides to travel to Manila to look for a family member. Bong Cabrera, Chris Pasturan, Remi Tolentino, Michael Bonapos and Mon Confiado star in this highly entertaining movie that looks at poverty in a different light.

 

The film “Bitukang Manok” is another must-watch this month of May. When three groups of strangers lose their way in the long winding road connecting Quezon and Bicol, they discover that they are unable to leave due to unexplained, supernatural forces. The film is directed by Alec Figuracion and stars Missy Maramara, Guji Lorenza, Ken Anderson, Teri Malvar and Mara Lopez.

 

Catch “Mater Dolorosa” on May 17, “Sa Ilalim ng Tulay” on May 24 and “Bitukang Manok” on May 31 on “Cinema One Originals Presents,” Wednesdays at 11PM. Cinema One is available on Skycable Channel 56, Destiny Cable Analog 37, and Digital 57. Like Cinema One on Facebook at facebook.com/Cinema1channel to view full schedule.

 

-30-

 

“CINEMA ONE ORIGINALS PRESENTS,” TAMPOK SA CINEMA ONE TUWING MIYERKULES 

 

Magiging mas exciting ang panonood sa cable TV tuwing Miyerkules ng gabi dahil handog ng Cinema One ang tatlong magagandang pelikula — “Mater Dolorosa,” “Sa Ilalim ng Tulay” at “Bitukang Manok” – sa “Cinema One Originals Presents” ngayong buwan ng Mayo.

 

Pinagbibidahan ni Gina Alajar ang family drama na “Mater Dolorosa” na tungkol sa kwento ng isang ina na pamumunuan ang “crime empire” ng kanyang asawa habang nagsisikap siyang ayusin ang kanyang pamilya. Haharapin niya ang pagpasok ng bagong mayor sa kanilang lugar na magdudulot ng pagbabago sa kanyang negosyo. Ilan sa mga pagkilalang natanggap ng pelikulang ito ang 2013 Golden Screen Awards Best Actress award para kay Gina, ang 2013 Star Awards for Movies Best Supporting Actor para kay Carlo Aquino at ang 2013 Gawad Urian Best Director para kay Adolf Alix, Jr.

 

Ipapalabas din ngayong buwan sa “Cinema One Originals Presents” ang “Sa Ilalim ng Tulay,” isang comedy-drama na gawa ng director na si Earl Bontuyan. Tungkol ito sa isang Aeta family na naapektuhan ng pagputok ng Mt. Pinatubo at sa kanilang desisyon na pumunta sa Maynila at hanapin ang isang kamag-anak. Kasama sa pelikulang ito na may kakaibang kwento ng kahirapan sina Bong Cabrera, Chris Pasturan, Remi Tolentino, Michael Bonapos at Mon Confiado.

 

Isa pang dapat abangan ngayong buwan ang pelikulang “Bitukang Manok.” Tatlong hindi magkakakilalang grupo ang maliligaw habang nilalakbay nila ang daan na nagkokonekta sa Quezon at Bicol. Sa hindi malaman at hindi karaniwang kadahilanan, hindi sila makaalis sa lugar na ito. Mula sa director na si Alec Figuracion ang pelikula na pinagbibidahan naman nina Missy Maramara, Guji Lorenza, Ken Anderson, Teri Malvar and Mara Lopez.

 

Abangan ang “Mater Dolorosa” sa May 17, “Sa Ilalim ng Tulay” sa May 24 at “Bitukang Manok” sa May 31 sa “Cinema One Originals Presents,” 11PM tuwing Miyerkules. Ang Cinema One ay mapapanood sa Skycable Channel 56, Destiny Cable Analog 37, at Digital 57. Sundan ang Cinema One sa Facebook at facebook.com/Cinema1channel para sa full schedule nito.

 

-30-

Comments are closed.