CINEMA ONE ORIGINALS’ “HAMOG,” “SALVAGE” TO BE SCREENED AT THE PISTA NG PELIKULANG PILIPINO

 

The Cinema One Originals’ selection “Hamog,” and Cinema One and Salida Productions’ horror flick “Salvage” will be screened at the upcoming Pista ng Pelikulang Pilipino, a novel initiative of the Film Development Council of the Philippines (FDCP) to connect quality Filipino films to a wider audience happening on August 16-22.

 

These two movies join 10 other notable entries chosen by the FDCP as featured films in the festival scheduled during the country’s Buwan ng Wika celebration. The project will have a nationwide release in more than 700 theaters nationwide.

 

Liza Diňo-Seguerra, FDCP chairperson, shared, “‘Hamog’ and ‘Salvage’ are certainly unique additions to the Pista ng Pelikulang Pilipino lineup. ‘Hamog’ features extremely talented young actors of today in a film that mixes gritty reality with emotional depth while ‘Salvage’ is an impressive attempt at a new brand of keep-you-at-the-edge-of-your-seat horror. We cannot wait for the Filipino audience to see these amazing films in PPP.”

 

Ralston Jover’s “Hamog” (Haze) tells real-life scenarios of four streetchildren who cannot help but resort to the routine of crime to survive daily life. Two unexpected events soon occur that will challenge and push the kids to make tough choices.

 

It is the only local film so far that competed in two International Federation of Film Producers Associations or FIAPF A-list film festivals and won in both. It earned the Outstanding Artistic Achievement award for Ralston at the 19th Shanghai International Film Festival, and the Silver St. George Best Actress Award for lead actress Therese Malvar in Moscow International Film Festival, making her the country’s youngest A-list film festival best actress. Aside from the FIAPF recognitions, the film also won the Russian Critics Choice Award for Best Film.

 

Therese’s performance in “Hamog” also earned her the New York Asian Film Festival’s Rising Star award. Joining her in the cast are Zaijan Jaranilla, Sam Quitania, Bor Lentejas, OJ Mariano, Anna Luna, Mike Liwag, Lou Veloso and Kyline Alcantara.

 

Meanwhile, the found footage film “Salvage” stars Jessy Mendiola and JC de Vera in a thrilling story of a news team in search of clues. A series of killings has occurred in a remote and haunted province, initially believed to be caused by supernatural attacks.

 

The Sherad Anthony Sanchez’s movie was cited for Best Film Editing in last year’s Young Critics Circle.

 

According to a review written by Skilty Labastilla in Young Critics Circle Film Desk, “’Salvage’ does not rely on plot to sustain viewers’ interest, rather, it engages by evoking a sense of mystery and increasing dread. The last twenty breathtaking minutes, in particular, offer a masterclass in shoestring suspense filmmaking by ingenious use of camera angles and lighting, sound and film editing, and no-holds-barred acting.”

 

The movie also received positive reviews from film directors.

 

“Interested less in the genre as a commercial hook and device, instead, Sanchez cleverly uses its tropes to make a searing statement on the Filipino tribe being seduced by the pomp, spectacle and religious pageantry tendered by a monstrous, native demon sprung from the depths of the jungle,” shared Rico Ilarde.

 

“Violator” director Dodo Dayao cited, “Sanchez returns to the jungle and comes back with this thoroughly mysterious and hallucinatory piece of modern horror that twists found footage conventions into a strange disturbing new shape.”

 

Catch “Salvage” and “Hamog” in the first ever Pista ng Pelikulang Pilipino happening from August 16-22 in cinemas nationwide. For more information, like Cinema One (@Cinema1channel) and Cinema One Originals (@CinemaOneOriginals) on Facebook.

-30-

PELIKULANG “SALVAGE,” “HAMOG” NG CINEMA ONE ORIGINALS, TAMPOK SA PISTA NG PELIKULANG PILIPINO

 

Ipapalabas ang pelikulang “Hamog” ng Cinema One Originals, at ang horror movie na “Salvage” mula sa Cinema One at Salida Productions sa gaganaping Pista ng Pelikulang Pilipino na pinangungunahan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) at magaganap sa Agosto 16-22.

 

Sasamahan nito ang 10 pang mga pelikula na pinili ng FDCP para sa film festival na gaganapin kasabay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika ng Pilipinas. Ito ay ipapalabas sa mahigit 700 sinehan sa buong bansa upang magdala ng magagandang pelikulang Pilipino sa mas marami pang manonood.

 

Ayon kay Liza Diňo-Seguerra, chairperson ng FDCP, magbibigay ang “Hamog” at “Salvage” ng kakaibang kwento sa Pista ng Pelikulang Pilipino. “Tampok sa ‘Hamog’ ang mga kabataang artista na may angking galing sa isang pelikulang nagpakita ng katotohanan na may lalim sa emosyon, samantalang ang ‘Salvage’ ay isang nakakabilib na pagsubok sa bagong uri ng horror film.”

 

Mula sa direktor na si Ralston Jover ang “Hamog” na tungkol sa apat na streetchildren na nasanay nang gumawa ng krimen upang mabuhay. Dalawang hindi inaasahang pangyayari ang magaganap na magdadala sa mga bata sa mahirap na desisyon.

 

Ito pa lang ang lokal na pelikula sa ngayon na sumali sa dalawang International Federation of Film Producers Associations o FIAPF A-list film festivals at nanalo dito. Nakuha nito ang Outstanding Artistic Achievement award para kay Ralston sa 19th Shanghai International Film Festival, at ang Silver St. George Best Actress Award para naman sa bidang aktres nito na si Therese Malvar sa Moscow International Film Festival. Bukod sa mga pagkilala mula sa FIAPF, kinilala rin ito bilang Best Film sa Russian Critics Choice Award.

 

Ang nakakabilib na pagganap ni Therese sa “Hamog” ay naging susi din upang siya ay bigyan ng New York Asian Film Festival ng Rising Star award. Siya na ang pinakabatang A-list best actress ng bansa sa ngayon. Kasama niya sa nasabing pelikula sina Zaijan Jaranilla, Sam Quitania, Bor Lentejas, OJ Mariano, Anna Luna, Mike Liwag, Lou Veloso at Kyline Alcantara.

 

Ang found footage film na “Salvage” ay pinagbibidahan naman nina Jessy Mendiola at JC de Vera, mga miyembro ng isang news team, na tumungo sa isang lugar kung saan sunud-sunod ang patayang nangyayari, at pinaghihinalaang sanhi ito ng atake ng mga aswang.

 

Mula sa direktor na si Sherad Anthony Sanchez, nakuha ng “Salvage” ang Best Film Editing award mula sa Young Critics Circle noong nakaraang taon.

 

Ayon sa review na isinulat ni Skilty Labastilla sa Young Critics Circle Film Desk, hindi lang basta sa kwento umaasa ang “Salvage” para mahatak ang mga manonood, sa halip ay pinapapasok sila ng naturang pelikula sa misteryo at patuloy na paghihirap ng mga karakter. Patunay nito ang huling 20 minuto ng palabas kung saan nagpamalas ito ng kakaibang paggamit ng mga camera angle, editing, ilaw at tunog, at magaling na pagganap ng mga artista upang makapagbigay ng isang maipagmamalaking obra.

 

Nakatanggap din ng mga positibong pagsusuri ang “Salvage” sa ilang film directors.

 

Ayon sa direktor na si Rico Ilarde, “sa halip na gamitin ang nasabing genre para sa komersyal na layunin, ginamit ni Sanchez ang pelikula upang magbigay ng kritikal na pahayag tungkol sa kwento ng mga katutubong nabulag sa mga itinuro ng masasamang elementong kanilang pinaniniwalaan.”

 

Ayon naman sa “Violator” director na si Dodo Dayao, “nagbabalik si Sanchez sa kagubatan upang maghatid ng isang kwentong dala ay misteryo at makabagong horror na iibahin ang nakagisnan na found footage genre patungo sa isang kakaibang uri para sa manonood.”

 

Abangan ang “Salvage” at “Hamog” sa pinakaunang Pista ng Pelikulang Pilipino sa darating na Agosto 16-22 sa mga tampok na sinehan. Para sa karagdagang impormasyon, sundan ang Cinema One (@Cinema1channel) at Cinema One Originals (@CinemaOneOriginals) sa Facebook.

-30-

Comments are closed.