Coco at Yassi magkakasama na nga ba sa “FPJ’s Ang Probinsyano”?

Panibagong testimonya ang babago sa takbo ng misyon ni Cardo (Coco Martin) matapos hindi inaasahang makita siya ng asawang si Alyana (Yassi Pressman) nang buhay, salungat sa balitang kanilang nakuha mula sa mga miyembro ng Special Action Force (SAF) sa “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Upang protektahan ang misyon ni Cardo, inihayag sa publiko ng kasamahan niyang sina Gerry (Ejay Falcon) at Katrina (Louise Delos Reyes) na siya ay pumanaw na matapos mabaril ng mga rebelde. Ngunit panibagong pag-asa ang natanaw ni Alyana nang makita niya ang asawa sa engkwentro ng SAF at mga rebelde sa isang ospital sa Mt. Karagao.

Agad namang nakarating ang balita kay Dir. Renato Hipolito (John Arcilla) kaya naman muli itong gagawa ng mga hakbang upang tuluyan na ngang tapusin ang buhay ni Cardo at hindi na mabulgar pa ang koneksyon niya sa mga miyembro ng Pulang Araw at ang kanyang mga plano upang makamit ang mga ambisyon.

Oras na nga ba upang magkitang muli sina Cardo at Alyana? Ano naman kaya ang gagawin ni Renato upang maprotektahan ang kanyang mga sikreto?

Samantala, humakot naman ng ilang parangal ang cast ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa ALTA Media Icon Awards ng University of Perpetual Help-Las Pinas para sa kanilang mahusay na pagganap sa telebisyon at pelikula.

Kinilala bilang Iconic Media Personality for Film and Broadcast ang aktres na si Susan Roces para sa kanyang hindi matatawarang kontribusyon sa pelikula at telebisyon. Ginawaran namang Best Drama Actor for TV ang bida ng serye si Coco. Kabilang din sa mga binigyang karangalan sina Simon “Onyok” Pineda (Best Child Performer for Film), Awra Briguela (Best Child Actor for TV), at Ronwaldo Martin (Most Promising Actor for Independent Film).

Huwag palampasin ang mga maaaksyong tagpo sa nangungunang serye sa bansa na “FPJ’s Ang Probinsyano,” gabi-gabi sa ABS-CBN at ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para past episodes ng program, pumunta lamang sa iWanTV at sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

Cast of “FPJ’s Ang Probinsyano” wins big at ALTA Media Awards…
Will Coco and Yassi finally reunite in “FPJ’s Ang Probinsyano”?

Cardo’s (Coco Martin) mission takes an unexpected turn after his wife Alyana (Yassi Pressman) saw him alive, contrary to the statement of the Special Action Force (SAF) members, who have publicly confirmed his death in order to protect his mission in the leading primetime series “FPJ’s Ang Probinsyano.”

To help Cardo hunt down the man that controls Pulang Araw, SAF members Gerry (Ejay Falcon) and Katrina (Louise Delos Reyes) misled the public into believing that SPO2 Dalisay is already dead. However, Alyana found new hope after she saw Cardo during an encounter between the SAF and the rebel group in a hospital in Mt. Karagao.

With the possibility that Cardo is still alive, Dir. Renato Hipolito (John Arcilla) will do everything in his power to end Cardo’s life in order to cover up his connections with the Pulang Araw and carry on with his political ambitions.

Will Cardo and Alyana finally be together? What will Renato do to protect his secrets?

Meanwhile, the cast of the series recently earned several recognitions at the University of Perpetual Help-Las Pinas’s ALTA Media Icon Awards for their remarkable portrayal on film and television.

Seasoned actress Susan Roces was named the Iconic Media Personality for Film and Broadcast for her contribution in the field of movie and television. Primetime king Coco Martin also bagged the Best Drama Actor for TV award for his performance in “FPJ’s Ang Probinsyano.”

The award-giving body also recognize child stars Simon “Onyok” Pineda and Awra Briguela, winning Best Child Performer for Film and Best Child Actor for TV, respectively, while Ronwaldo Martin won as this year’s Most Promising Actor for Independent Film.

Don’t miss the number one primetime series in the country “FPJ’s Ang Probinsyano,” weekdays on ABS-CBN and ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). To watch the show’s past episodes, login to iWanTV or skyondemand.com.ph for Sky subscribers.

Comments are closed.