Misyon ni Coco, bistado na sa “FPJ’s Ang Probinsyano”

Lalong malalagay sa peligro ang buhay ni Cardo (Coco Martin) dahil kumalat na sa social media ang video na nagpapakitang kasama niya ang rebeldeng grupong Pulang Araw sa nangungunang serye sa bansa na “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Nagtagumpay nga si direktor Hipolito (John Arcilla) na sirain ang pangalan ni Cardo sa publiko matapos nitong ipakalat ang video kung saan kasama nito ang Pulang Araw sa pagsugod sa isang grocery store. Ngunit mas titindi pa ang panganib dahil mas lumalapit na ang posibilidad na masiwalat sa mga rebelde na miyembro ng Special Action Force si Cardo, na maglalagay sa buhay niya sa bingit ng kamatayan.

Pero sa kabila ng patuloy na operasyon ng mga kalaban, hindi naman padaraig si Cardo dahil nadiskubre niya na ang pagtatraydor ni Alakdan (Jhong Hilario) sa grupo at ang makasariling plano nitong angkinin ang pagkapinuno ng Pulang Araw. Makakasama na rin nito si Anton (Mark Lapid) sa pag-aklas na lalong magpapalaganap ng kasamaan at kikitil ng mga inosenteng buhay.

Maging ligtas pa rin kaya si Cardo mula sa mga kalaban? Paano niya nga kaya matatalo si Alakdan at Anton? Magtagumpay naman kaya si direktor Hipolito na tapusin si Cardo?

Huwag palampasin ang mga maaaksyong tagpo sa nangungunang serye sa bansa na “FPJ’s Ang Probinsyano,” gabi-gabi sa ABS-CBN at ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para past episodes ng program, pumunta lamang sa iWanTV at sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

COCO’S COVER BLOWN IN “FPJ’s ANG PROBINSYANO”

Cardo’s (Coco Martin) mission is on the verge of getting jeopardized as a video showing him working with the rebel group Pulang Araw became viral on social media, putting his life in danger in the leading primetime series in the country “FPJ’s Ang Probinsyano.”

After successfully infiltrating the rebel group, Cardo now faces the threat of being found out by its members that he is part of the Special Action Force whose mission is to take them down. The move to expose his true identity was made by director Hipoloto (John Arcilla), who uploaded the footage of Cardo with Pulang Araw members.

While his enemies believe they already have the upper hand, Cardo discovers Alakdan’s (Jhong Hilario) plans to claim the leadership of Pulang Araw and conspire with other members to tear down its current leader Leon (Lito Lapid). Anton (Mark Lapid) has also joined their rebellion, even if it means killing innocent lives and causing more terror to people.

Will Cardo keep himself safe from his enemies? How will he defeat Alakdan and Anton? Will director Hipolito succeed on ending Cardo?

Don’t miss the number one primetime series in the country “FPJ’s Ang Probinsyano,” weekdays on ABS-CBN and ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). To watch the show’s past episodes, login to iWanTV or skyondemand.com.ph for Sky subscribers.

Comments are closed.