COCO, BISTADO NA SI ARJO SA PAGPATAY SA KAKAMBAL SA “FPJ’s ANG PROBINSYANO”

Dumating na ang pinakahihintay na rebelasyon ng lahat dahil bistado na ni Cardo (Coco Martin) ang ginawang pagpaslang ni Joaquin (Arjo Atayde) sa kakambal nitong si Ador sa nangungunang primetime serye na “FPJ’s Ang Probinsyano” noong Lunes (May 15). Naging madamdamin ang tagpo kung saan inamin ni Colonel Carreon (Art Acuña) ang madugong pagpatay at pangtatraydor ni Joaquin kay Ador, na lubos na nagpagalit sa kakambal nito at sa kanilang lolo na si Delfin (Jaime Fabregas). Hindi naman titigil si Cardo na ipaghiganti ang kanyang kapatid at sisiguraduhing mahuhuli at pagbabayarin nito si Joaquin sa lahat ng kanyang kasamaan. Mabigyan na kaya ni Cardo ng hustisya ang pagkamatay ng kakambal? Makawala pa rin kaya si Joaquin mula sa kamay ng batas? Samantala, lubos na tinutukan ng mga manonood ang madamdaming mga eksena noong Lunes (May 15) matapos magkamit ang serye ng national TV rating na 38.9%, kumpara sa “Encantadia” na nakakuha lamang ng 22%, ayon sa datos ng Kantar Media. Huwag palampasin ang mga maaksyong tagpo sa numero unong primetime teleserye, “FPJ’s Ang Probinsyano,” gabi-gabi sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Pwede ring mapanood ang past episodes ng palabas sa iWanTV.com o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

COCO FINALLY DISCOVERS TRUTH ABOUT TWIN BROTHER’S DEATH IN “FPJ’s ANG PROBINSYANO.” The much-awaited revelation in the leading primetime series “FPJ’s Ang Probinsyano” finally happened as Cardo (Coco Martin) finally found out that Joaquin (Arjo Atayde) is the mastermind behind the death of Cardo’s twin brother Ador last Monday (May 15). Emotions ran high as Colonel Carreon (Art Acuña) confessed that Joaquin himself killed Ador, sending Ador and his grandfather Delfin (Jaime Fabregas) into a rage. With this revelation, Cardo is determined to avenge his brother and will make sure Joaquin pays for all his sins and lies. Will Cardo be able to seek justice for Ador? Can Joaquin still escape the hands of the authorities? Meanwhile, viewers tuned in to the explosive episode as the series garnered a national TV rating of 38.9%, compared to “Encantadia” that only got 22%, according to data from Kantar Media. Watch out for the action-packed scenes in the number one teleserye, “FPJ’s Ang Probinsyano,” weeknights on ABS-CBN or on ABS-CBN HD (SkyCable Ch 167). Viewers can also catch up on the program’s past episodes via iWanTV.com and skyondemand.com.ph for Sky subscribers.

Comments are closed.