Coco Martin debuts as director via MMFF entry film ‘Ang Panday’

Coco Martin will be wearing various hats in his latest action-adventure film “Ang Panday”, which is also one of the entries at the 43rd Metro Manila Film Festival (MMFF), that will screen outside the Philippines via TFC@theMovies starting December 28.

Ang Panday” is not only an iconic character in Pinoy pop culture but it is also arguably one of most beloved Pinoy comic book heroes of all time as it embodies the ideals of truth and justice as well as the triumph of good over evil.

It should be noted that this is the very first full-length mainstream movie that Martin directed, produced, and starred on all at the same time.

“Mahirap po pala (It was hard)”, Martin mused when asked about his directing debut. Despite the challenges and not having the benefit of formal training in film direction, the Prince of Philippine TV Series used his experience in doing independent films, mainstream films, and TV series on working on the film.

Martin started his career as an actor in indie movies, most notably in the films of Brillante Mendoza, and crossed over to mainstream as he transitioned to television, appearing in a consistent string of ABS-CBN’s top-rating primetime teleseryes as well as to movies under a mammoth film outfit.

“Pangarap ko po talaga maging direktor (I have always dreamed of becoming a director)” he shares. “Kapag gusto mo ang ginagawa mo kahit gaano kahirap ine-enjoy mo ‘yong bawat moment nang ginagawa mo (When you love what you do, despite the challenges, you will enjoy every moment of it).”

Aside from directing the film under his real name Rodel Nacianceno, he was also the one who developed the story of the film with Joel Mercado, which is the very first live-action film adaptation of Ang Panday – the beloved character created by writer Carlo J. Caparas and artist Steve Gan, that was made popular by the late Action King Fernando Poe Jr..

His active involvement as creative consultant of FPJ’s Ang Probinsyano greatly forged his skill as a storyteller.

In this 2017 epic comeback of the iconic Pinoy superhero, Martin plays Flavio III – the grandson of the original Panday. His life suddenly turns upside down when he realizes that his bloodline is destined to save humanity from the evil doings of Panday’s immortal evil nemesis Lizardo (Jake Cuenca), who comes back from the world of darkness to once again bring havoc to the human race.

With Flavio III not knowing that his bloodline is the only one capable of destroying Lizardo, he will have to scour different worlds to be able to gain the trust of the mythical power of the legendary sword. And like the original beloved hero, Flavio III gets to meet various characters that will help him become the rightful heir to the revered name Ang Panday.

Conceptualizing the story, Martin had in mind his viewers, especially the younger generation to whom he wanted to introduce the legacy of the late Action King Fernando Poe Jr.

“Sobrang iniba ko po siya, kasi gusto ko ma-appreciate siya ang mga kabataan ngayon at siyempre ng henerasyon ng mga tatay”, he states. “Kasi ang dami ng versions ng ‘Ang Panday’, so ginawa ko parang karugtong siya ng kuwento. Kaya ‘yong Flavio na ginampanan ni FPJ, ako ‘yong apo niya, ‘yon ang bagong kuwento ng ‘Ang Panday’.”

Witness how Flavio III will fulfill his destiny as he transforms from a simple, Tondo-born (an area in Manila known for its bustling community)  man to the greatest Filipino hero of all time who will save his family and community from the clutches of the most terrifying evil man has ever known.

Ang Panday” also stars Philippine Senator Lito Lapid, Eddie Garcia, Michael de Mesa, Gloria Romero, Jacklyn Jose, Dimples Romana, Jeric Raval, Jaime Fabregas, Julio Diaz, Mariel De Leon, Awra Briguela, Dennis Padilla, Carmi Martin, Albert Martinez, Agot Isidro, Ms. International 2017 Kylie Versoza, Mccoy De Leon, Elisse Joson, and Jhong Hilario among many others. Meantime, teaming up for the first time for this film are CCM Film Productions, Star Cinema, and Viva Films.

Martin as Flavio III will once again stand up for what is good and just as he valiantly champions the plight of the poor and the oppressed in the movie “Ang Panday”, which will screen outside the Philippines via TFC@theMovies on the following dates and countries: Middle East on December 28; Barcelona, Spain on January 7 and Madrid, Spain on January 14; Greece on January 7; Australia and New Zealand on January 11; U.S. and Canada on January 12; United Kingdom on January 13 and 14; Austria on January 13 and 14; Italy on January 14; Hong Kong on January 21, and soon in other countries.

For more updates about the film, visit TFC’s Facebook page applicable for your area. Connect with fellow global Kapamilyas and follow @KapamilyaTFC and KapamilyaGlobalPR on Twitter and Instagram.

###

Coco Martin sinubok ang mundo ng film directing sa MMFF entry na ‘Ang Panday’
Muling bubuhayin ni Coco Martin ang kuwento ng isa sa mga tanyag na Pinoy hero sa pelikulang “Ang Panday”, na mapapanood sa labas ng Pilipinas via TFC@theMovies simula December 28

 

Hindi lamang bibida si Coco Martin sa pinakamalaking action-adventure film na “Ang Panday”, dahil sa unang pagkakataon ay sasabak na rin siya bilang direktor at producer ng pelikula na kabilang sa walong entries sa 43rd Metro Manila Film Festival (MMFF), na mapapanood din sa labas ng bansa via TFC@theMovies simula December 28.

Ang Panday ay hindi lamang isang iconic na karakter sa Pinoy pop culture, isa rin ito sa pinakamamahal na Pinoy comic book heroes of all time na nilikha nina Carlo J. Caparas at Steve Gan, na siya namang pinasikat ng yumaong action king na si Fernando Poe Jr.

“Mahirap po pala”, nangingiti-ngiting tugon ni Martin nang tanungin tungkol sa unang karanasan niya sa pagdi-direkct, sa ilalim ng tunay niyang pangalan na Rodel Nacianceno.

Nagsimula ang karera ni Coco bilang isang aktor sa mga indie movies, sa ilalim ng mga pelikula ni Brillante Mendoza.Tumawid siya sa mainstream nang subukn niya ang mundo ng  telebisyon, kung saan tuloy-tuloy siyang lumabas bilang bida sa mga top-rating primetime teleseryes ng ABS-CBN at pati na rin sa mga pelikula sa ilalim ng isang higanteng film outfit.

Madaming natutunan si Coco na di matatawarang kaalaman at mga karanasan mula sa mga mundo ng indie at komersyal na kaniyang pinagsama, at siya niyang ginamit sa Ang Panday – na katuparan ng kaniyang pangarap na magdirehe ng isang pelikula.

Aniya, “Pangarap ko po talagang maging direktor. At kapag gusto mo ang ginagawa mo kahit gaano kahirap ine-enjoy mo ‘yong bawat moment nang ginagawa mo”.

Bukod sa pagiging direktor at producer, si Martin din ang bumuo ng konsepto ng pelikula kasama si Joel Mercado, para sa kauna-unahang live-action film adaptation ng “Ang Panday”. Ang aktibong involvement ni Martin bilang creative consultant sa FPJ’s Ang Probinsyano ay siyang ring nagpanday sa kanyang kakayahan bilang isang storyteller.

Para sa pagbabalik ngyong 2017 ng iconic Pinoy hero na ito, gagampanan ni Martin ang papel ni Flavio III – ang apo ng orihinal na Panday. Magbabagong bigla ang kaniyang buhay nang kaniyang madiskubre na ang kaniyang angkan ay ang itinakdang tagapagligtas ng sangkatauhan mula sa kasamaan ng mortal na kalaban ng Panday na si Lizardo (Jake Cuenca). Nagbabalik ito mula sa kadiliman upang muling guluhin at pahirapan ang mundo.

Lingid sa kaalaman ni Flavio III na tanging ang angkan niya lamang ang makakatalo kay Lizardo, kaya kailangan niyang maglakbay sa iba’t-ibang mundo upang makuha ang tiwala ng kapangyarihan ng espada. At gaya ng orihinal at pinakamamahal na bayani ng lahat, madaming makikilala si Flavio III na tutulong sa kaniya bilang tunay na tagapagmana ng tinitingalang pangalan ng Ang Panday.

Nais daw ng Prince of Philippine TV Series na sa pamamagitan ng kaniyang pelikula ay maibahagi sa mga kabataan ngayon ang naging legacy ng yumaong Action King Fernando Poe Jr.

“Sobrang iniba ko po siya, kasi gusto ko ma-appreciate siya ang mga kabataan ngayon at siyempre ng henerasyon ng mga tatay”, paliwanag niya. “Kasi ang dami ng versions ng ‘Ang Panday’, so ginawa ko parang karugtong siya ng kuwento. Kaya ‘yong Flavio na ginampanan ni FPJ, ako ‘yong apo niya, ‘yon ang bagong kuwento ng ‘Ang Panday’.”

Tunghayan kung paano isasabuhay ni Flavio III ang kaniyang kapalaran mula sa isang simpleng lalake na lumaki sa Tondo, siya ay magiging pinaka-tanyag na bayani ng mga Pilipino, na ililigtas ang kaniyang pamilya at komunidad mula sa mga kampon ng kasamaan.

Tampok din sa “Ang Panday” sina Senator Lito Lapid, Eddie Garcia, Michael de Mesa, Gloria Romero, Jacklyn Jose, Dimples Romana, Jeric Raval, Jaime Fabregas, Julio Diaz, Mariel De Leon, Awra Briguela, Dennis Padilla, Carmi Martin, Albert Martinez, Agot Isidro, Kylie Versoza, Mccoy De Leon, Elisse Joson, Jhong Hilario, at marami pang iba. Ito rin ang kauna-unahang pelikula na nagsanib-puwersa ang CCM Film Productions, Star Cinema, at Viva Films.

Muli na namang ipaglalaban ni Martin ang kabutihan bilang si Flavio, kung saan ipagtatanggol niya ang mga mahihirap at api sa mundo sa pelikulang “Ang Panday”, na mapapanood sa labas ng bansa via TFC@theMovies sa mga sumusunod na petsa at bansa: Middle East sa December 28; Barcelona, Spain sa January 7 at Madrid, Spain sa January 14; Greece sa January 7; Australia at New Zealand sa January 11; U.S. at Canada sa January 12; United Kingdom sa January 13 at 14; Austria sa January 13 at 14; Italy sa January 14; Hong Kong sa January 21, at soon sa iba pang mga bansa.

Para sa updates tungkol sa pelikula, bisitahin ang TFC Facebook page na angkop sa inyong kinaroroonan. Maki-connect sa kapwa global Kapamilyas at i-follow ang @KapamilyaTFC at KapamilyaGlobalPR sa Twitter at Instagram.

###

Media Contact:

STAR CINEMA
ELJCC Bldg. Eugenio Lopez Drive,
Diliman Quezon CIty

With additional text by

JOYCE JIMENEZ
ABS-CBN Global Corporate Affairs and PR
Global_Corporate_Affairs@abs-cbn.com(EMAIL)

Comments are closed.