COCO MULING SASABAK SA BAKBAKAN BILANG PARTE NG SPECIAL ACTION FORCE SA “FPJ’S ANG PROBINSYANO”

Nagbabalik na ang bangis at tapang ni Cardo (Coco Martin) sa muling pagseserbisyo niya bilang miyembro ng Special Action Force (SAF) at ngayong handa na siyang makipagsagupaan sa mga bantang dala ng hukbo ng Pulang Araw sa nangungunang serye sa bansa na “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Tuloy-tuloy ang aksyon gabi-gabi ngayong nasasaksihan muli si Cardo na makipagbakbakan matapos ang desisyon niyang bumalik sa kapulisan sa kagustuhang maipaghiganti ang pagkamatay ng anak at iligtas ang mga inosenteng buhay mula sa kamay ng mga rebelde.

At para sa kanyang unang misyon bilang SAF, agad siyang ipinadala sa labanan upang sugpuin ang mga miyembro ng Pulang Araw na nagdadala ng kaguluhan sa bayan ng San Gabriel. Sabay naman dito ang patuloy na pagmamanipula sa kanya sa pagpapakita ng suporta ni Director Hipolito (John Arcilla), ang kasabwat ng rebeldeng grupo na gumawa ng mga krimen at pagmukhaing siya ang umaayos sa mga ito para sa hangarin niyang maging senador.

Samantala, sa pagharap ni Cardo sa panibagong hamon, may mga bagong karakter ding nakilala ang mga manonood kamakailan na pinagmumulan ng aksyon tuwing gabi.  Kasama ni Cardo sina SPO2 Gerardo Dela Paz (Ejay Falcon), PO3 Christian Clemente (Dominique Roque), SPO2 Bernardo Quinto (Ron Morales), at PO3 Katrina Velasco (Louise Delos Reyes) na kanyang mga kasama upang malabanan ang mga rebelde at mapanatili ang katahimikan sa bayan.

Ano nga kaya ang mga panganib na haharapin ni Cardo ngayong miyembro na siya ng SAF? Mabigyang hustisya na nga kaya niya ang pagkamatay ng kanyang anak? Malaman na kaya niya kung sino ang tunay niyang kalaban?

Huwag palampasin ang mga maaksyong tagpo sa numero unong primetime teleserye, “FPJ’s Ang Probinsyano,” gabi-gabi sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Pwede ring mapanood ang past episodes ng palabas sa iWanTV.com o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

Ejay, Dominique, Ron, Louise add action every night…
COCO RETURNS TO COMBAT AS MEMBER OF SPECIAL ACTION FORCE IN “FPJ’S ANG PROBINSYANO”

Viewers are set to witness a grittier Cardo (Coco Martin) as he returns to service as part of the Philippine National Police’s Special Action Force (SAF), ready to go into battle against the troops of rebel group Pulang Araw in the country’s most watched program “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Expect more heart-pounding action every night as Cardo continues his duty as a police officer to avenge the death of his son and save innocent lives from the hands of rebels.

For his first mission as a SAF member, he was sent to San Gabriel to seize the operations of Pulang Araw, who brought chaos to and killed dozens of civilians in the town. Another enemy, Director Hipoloto (John Arcilla), who is conniving with the rebel group to make it look like he puts effort into keeping residents safe in order to secure a seat in the Senate, continues to manipulate Cardo.

Meanwhile, as Cardo faces new challenges, viewers were recently introduced to new characters who add more action to the series every night. Joining Cardo in maintaining peace and fighting rebels are SPO2 Gerardo Dela Paz (Ejay Falcon), PO3 Christian Clemente (Dominique Roque), SPO2 Bernardo Quinto (Ron Morales), and PO3 Katrina Velasco (Louise Delos Reyes).

What dangers will Cardo face as a SAF member? Will he be able to get justice for the death of his son? How soon will he find out who his real enemy is?

Watch out for the action-packed scenes in the number one teleserye, “FPJ’s Ang Probinsyano,” weeknights on ABS-CBN or on ABS-CBN HD (SkyCable Ch 167). Viewers can also catch up on the program’s past episodes via iWanTV.com and skyondemand.com.ph for Sky subscribers.

Comments are closed.