CONEY’S SECRET SET TO RUIN RELATIONSHIP WITH DAUGHTER RIA IN “MY DEAR HEART”

The scenes are set to get more thrilling in Kapamilya primetime series “My Dear Heart” as Dra. Margaret’s (Coney Reyes) enemies plot their plans to destroy her family and reputation.

Francis (Eric Quizon) and Albertus (Robert Arevalo) already have a handful of information about the secret Dra. Margaret’s has kept for years – Gia (Ria Atayde) giving birth to a baby in the past and the chance of Jude (Zanjoe) being its possible father. With this, they already have a weapon to take Margaret down that will not only damage her reputation but also her relationship with her daughter.

Meanwhile, Gia has already built a good relationship with Jude (Zanjoe Marudo) and Clara (Bela Padilla) after having shown her pure intentions for Heart. However, everything will change when her and her mother’s secret is exposed.

How will Margaret’s secret affect their lives? How will this break the trust Jude’s family has for Gia? Will this affect the condition of Heart?

Meanwhile, “My Dear Heart” continues to reign in its timeslot and draws more viewers nationwide compared to its rival program. The Kapamilya series ruled in national TV ratings last Monday (Mar 13) with 28.5% versus “Destined To Be Yours’” 18.5%; last Tuesday (Mar 14) with 30.7%, compared to 17.1%; last Wednesday (Mar 15) with 30.1% versus 18.4%; and last Thursday (Mar 16) with 29.2%, compared to 17.8%.

“My Dear Heart” has captured viewers nationwide with the lessons on love and family it shares with audiences. It shows the unconditional love and sacrifices of parents for their children, and the importance of family, especially in times of struggle. Its lead child actors also set as good example to young audiences as they exemplify Filipino values, such as respecting the elders and being God-fearing.

Don’t miss the series that will remind viewers how to love, “My Dear Heart,” weeknights after “FPJ’s Ang Probinsyano” on ABS-CBN or ABS-CBN HD (Skycable ch 167). Watch the show’s past episode on iWant TV or on skyondemand.com.ph for Sky subscribers.

“My Dear Heart,” patuloy na namamayagpag sa national TV ratings…
SIKRETO NI CONEY, LALONG SISIRAIN ANG RELASYON SA ANAK NA SI RIA SA “MY DEAR HEART”

Mas magiging matindi pa ang mga kaganapan sa Kapamilya primetime series na “My Dear Heart” ngayong isang malaking plano ang nagbabadyang sumira sa reputasyon at pamilya ni Dra. Margaret (Coney Reyes), na hindi dapat palamapasin ng mga manonood.

Alam na nga ng mga kalaban ni Margaret na sina Albertus (Robert Arevalo) at Francis (Eric Quizon) ang itinatagong sikreto ng doktora – na dating nabuntis ang anak niyang si Gia (Ria Atayde) at si Jude (Zanjoe Marudo) ang posibleng ama nito. Ito ang gagamitin nilang sandata upang pabagsakin si Margaret na hindi lang magiging kasiraan ng kanyang reputasyon, kung hindi pati na rin ng relasyon sa kanyang anak.

Sabay naman nito ang unti-unting paggaan ng loob nina Clara (Bela Padilla) at Jude para kay Gia ngayong lubos ang tulong na ibinibigay niya para sa paggaling ni Heart (Heart Ramos). Ngunit nagbabadyang magbago ang lahat sa nalalapit na pagbulgar ng mga sikretong itinago nilang mag-ina.

Ano nga kaya ang magiging epekto sa pagbunyag ng sikreto ni Margaret? Paano kaya nito sisirain ang bumubuting samahan ng pamilya ni Jude at Gia? Maapektuhan kaya nito ang paggaling ni Heart?

Samantala, tuloy-tuloy ang suporta ng mga manonood para sa “My Dear Heart” kaya naman hindi ito natitinag sa nationwide ratings. Noong Lunes (Marso 13), mas marami ang sumubaybay rito kung kaya’t nakakuha ito ng national TV rating na 28.5% kumpara sa 18.5% ng “Destined To Be Yours” noong Lunes (Marso 13), 30.7% laban sa 17.1% noong Martes (Marso 14), 30.1% kumpara sa 18.4% noong Miyerkules (Marso 15), at 29.2%, laban sa 17.8% noong Huwebes (Marso 16).

Gabi-gabing inaantabayan ng mga manonod ang serye hindi lang dahil sa magaling nitong cast, kung hindi pati na rin sa aral na ibinabahagi nito. Ipinapakita nito ang walang hanggang pagmamahal at sakripisyo ng mga magulang para sa kanilang mga anak, maging ang kahalagahan ng pamilya lalo na sa panahon ng sakuna. Isang magandang ehemplo rin ang mga batang bida ng serye na nagpapakita ng kagandahang asal at takot sa Diyos.

Huwag palampasin ang teleseryeng magpapaalala sa pusong magmahal, ang “My Dear Heart,” gabi-gabi pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (Skycable ch 167). Panoorin ang past episodes ng palabas sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

Comments are closed.