Dalaga, pinikot ng lalaking nanggahasa sa kanya sa “Ipaglaban Mo”

Kaso ng dalagang pinikot na magpakasal ng mismong lalaking nanghalay sa kanya ang tutukan ngayong Sabado (Agosto 12) sa hit legal drama ng ABS-CBN na “Ipaglaban Mo.”

 

Dahil sa angking kagandahan kung kaya’t marami ang nabibighani kay Nancy (Sara Carlos). Sa kabila nito ay nanatiling nakatuon ang pansin ng dalaga sa pag-aaral dala na rin ng maayos na pagpapalaki ng kanyang inang si Beth (Dimples Romana) at tiyahing si Chona (Yayo Aguila). Ngunit, sadyang may mga taong mapilit tulad na lang ni Ernesto (Marco Gumabao).

 

Sa kagustuhan ng binata na mapasakanya si Nancy, dinukot niya ang dalaga at dinala sa gubat para gahasain sa tulong ng amang si Manuel (James Blanco). Hindi pa rito nagtapos ang paghihirap ni Nancy dahil kinulong siya ng dalawa at kalauna’y pinilit na magpakasal kay Ernesto.

 

Ano kaya ang nangyari kay Nancy matapos ang sapilitang kasal? Mabawi pa kaya siya nina Beth at Chona? Ano ang pananagutan ni Ernesto at maging ni Manuel sa batas?

 

Huwag palampasin ang episode ng “Ipaglaban Mo” na pinamagatang “Pikot” sa ilalim ng direksyon ni Roderick Lindayag ngayong Sabado (Agosto 12), pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167) na may replay tuwing Miyerkules sa DZMM TeleRadyo at DZMM Radyo Patrol 630.

 

Para sa updates, i-follow ang @IpaglabanmoABSCBN sa Instagram, @IpaglabanMoCh2 sa Twitter, o i-like ang sa Facebook.

-30-

TEENAGER FORCED TO MARRY HER RAPIST IN “IPAGLABAN MO”

 

After getting sexually abused, a young woman is detained and forced into marriage by her rapist this Saturday (August 12) in another must-see case in ABS-CBN’s hit legal drama “Ipaglaban Mo.”

 

Many men admire Nancy’s (Sara Carlos) beauty, but despite having many suitors, she remains focused on finishing her studies to make her mother Beth (Dimples Romana) and aunt Chona (Yayo Aguila) proud of her.

 

However, one of her admirers, Ernesto (Marco Gumabao), is overly persistent and is determined to get her.

One day, Ernesto abducts Nancy, brings her to the forest, and fulfills his body’s desires— all with the help of his very own father Manuel (James Blanco). Nancy’s nightmare does not end there because after the sexual assault, she is forced to tie the knot with Ernesto.

 

What will happen to Nancy after the forced marriage? How will Beth and Chona be able to find Nancy? What charges will Ernesto and his father face in court?

 

Don’t miss the “Pikot” episode of “Ipaglaban Mo,” directed by Roderick Lindayag, this Saturday (August 12) after “It’s Showtime” on ABS-CBN with a replay every Wednesday on DZMM TeleRadyo and DZMM Radyo Patrol 630.

 

For more updates, follow @IpaglabanMoCh2 on Twitter, @ipaglabanmoABSCBN on Instagram, or like www.facebook.com/IpaglabanMoABSCBN.

 

-30-

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Comments are closed.