DARK HIGH SCHOOL COMEDY “2 COOL 2 BE 4GOTTEN” BAGS BEST PICTURE AWARD IN CINEMA ONE ORIGINALS FILM FEST 2016

best-picture-2-cool-2-be-4gotten

Kapampangan filmmaker Petersen Vargas’ coming-of-age drama “2 Cool 2 Be 4gotten” led the winners at the 12th annual Cinema One Originals Film Festival Awards with three awards, including Best Picture.

“2 Cool 2 Be 4gotten” also won the Best Supporting Actor Award for “Hashtags” member Jameson Blake and Best Cinematography for Carlos Mauricio at the awards night held at the Dolphy Theatre Sunday (Nov 20).

“Thank you, Kapampangan cinema, which has given me the opportunity to tell stories,” said Petersen in his acceptance speech. “It has always been Kapampangan cinema that I’ve been inspired of and inspired by.”

The film depicts the story of Felix, a hard-working but friendless student, whose life changes when two half-American brothers arrive in his high school. The story takes place in Pampanga as Vargas paid tribute to his Kapampangan roots.

Also bagging 3 awards is Samantha Lee’s millennial LGBT love story “Baka Bukas,” with Best Actress for Jasmine Curtis-Smith, Best Sound for Andrew Milallos, and the Audience Choice Award.

Jasmine, who was on the verge of tears while accepting her award, said “I want to give a shout out to everyone that watched the film… You have a lot of reviews and served as your own critics; and for that we’re very, very thankful. And long live the LGBT community. I will stand for you guys, and I will be with you all the way.”

Keith Deligero’s Lily took home the most number of awards that night, with Best Director, Best Editing, Best Actor (Rocky Salumbides), and Best Supporting Actress (Natileigh Sitoy).

Jules Katanyag’s geriatric action film “Si Magdalola At Ang Mga Gago,” meanwhile, bagged the Special Jury Prize.

The Cinema One Film Festival 2016 opened last November 14 and will run until November 22.

Cinema One Originals is an annual film festival that allows talented Filipino storytellers to showcase their stories through film. It is a local independent film festival of Cinema One, one of the cable channels of Creative Programs, Inc., a subsidiary of ABS-CBN.

This year, it celebrates its 12th year with the tagline “Anong tingin mo?” to highlight different ways of looking at movies and the multi-layered diversity that has been the hallmark of the festival.

Cinema One Originals has made a name for itself as the film festival that breaks new ground and has brought honor to the country. It produced the 2015 Cinema One Originals Awards Jury Prize-winning “Hamog,” directed by Ralston Jover, which won the Outstanding Artistic Achievement award the Shanghai International Film Festival and was screened at the New York Asian Film Festival (NYAFF) this year. The movie’s star, 2015 Cinema One Originals Awards Best Actress Teri Malvar, was also named Best Actress at the 2016 Moscow International Film Festival and was a recipient of the Screen International Rising Star Asia Award at the NYAFF for her performance.

The following are the winners at the 2016 Cinema One Originals festival:

 

Jury Prize winner: Si Magdalola at ang mga Gago

Best Picture: 2 Cool 2 Be 4gotten

Best Actress: Jasmine Curtis-Smith (Baka Bukas)

Best Actor: Rocky Salumbides (Lily)

Best Supporting Actress: Natileigh Sitoy (Lily)

Best Supporting Actor: Jameson Blake (2 Cool 2 Be 4gotten)

Best Director: Keith Deligero (Lily)

Best Screenplay: Malinak Ya Labi (Jose Abdel Langit)

Best Cinematography: 2 Cool 2 Be 4gotten (Carlos Mauricio)

Audience Choice: Baka Bukas

Best Sound: Baka Bukas (Andrew Milallos)

Best Music: Tisay (Francis de Veyra)

Best Editing: Lily

Best Production Design: Tisay (Michael Español)

Best Documentary: Forbidden Memory

Best Short Film: Maria

Special Citation: The Diary of Vietnam Rose

Champion Bughaw Award: Tisay

C1 Minute Top Student Film:  No Seguir

-30-

HIGH SCHOOL COMEDY NA “2 COOL 2 BE 4GOTTEN,” WAGI BILANG BEST PICTURE SA CINEMA ONE ORIGINALS FILM FEST 2016

Nanguna ang pelikulang “2 Cool 2 Be 4gotten” ng Kapampangang direktor na si Petersen Vargas sa ika-12 na taunang Cinema One Originals Film Festival Awards nang magkamit ito ng tatlong tropeo, kabilang na ang Best Picture.

Panalo rin ang naturang pelikula ng Best Supporting Actor para sa “Hashtags” member na si Jameson Blake at Best Cinematography para kay Carlos Mauricio sa awards night na ginanap sa Dolphy Theatre Linggo (Nob 20).

“Salamat, Kapampangan cinema, na nagbigay oportunidad sa akin na magkwento,” pahayag ni Petersen nang tanggapin nito ang parangal. “It has always been Kapampangan cinema that I’ve been inspired of and inspired by.”

Tampok sa “2 Cool 2 Be 4gotten” ang kwento ni Felix, isang estudyanteng masipag ngunit walang kaibigan na nabago ang buhay nang dumating sa paaralan ang dalawang magkapatid na half-American. Naganap ang kuwento ng pelikula sa Pampanga, bilang pagbibigay-pugay ni Petersen sa kanyang pinanggalingan.

Nag-uwi rin ng tatlong parangal ang “Baka Bukas” ni Samantala Lee, kabilang na ang Best Actress para kay Jasmine Curtis-Smith, Best Sound para kay Andrew Milallos, at pati na rin ang Audience Choice Award.

Maluha-luha namang tinaggap ni Jasmine ang kaniyang parangal. Aniya, “Gusto kong mag-shout out sa lahat ng nanonood sa film namin… Ang dami niyong reviews, at naging sari-sariling critics kayo sa film namin. At para diyan nagpapasalamat kami. At mabuhay ang LGBT community. Nandito ako para sa inyo hanggang sa dulo.”

Samantala, nasungkit naman ng “Lily” ni Keith Deligero ang pinakamaraming parangal, kasama na ang Best Director, Best Editing, Best Actor para kay Rocky Salumbides, at Best Supporting Actress para kay Natileigh Sitoy.

Ang geriatric action film ni Jules Katanyag na “Si Magdalola At Ang Mga Gago” naman ang nakatanggap ng Special Jury Prize.

Nagbukas noong Nobyembre 14 ang Cinema One Film Festival 2016 at magpapatuloy pa hanggang sa Nobyembre 22.

Ang Cinema One Originals ay isang taunang film festival na binibigyan ng pagkakataon ang talentadong Pinoy storytellers na isapelikula ang kanilang mga kwento mula pa noong 2004. Isa itong local independent film festival ng Cinema One, isang cable channel na bahagi ng Creative Programs, Inc., isang subsidiary ng ABS-CBN.

Sa pagdiriwang ng ika-12 na taon nito, hinahamon ng film fest ang imahinasyon at pananaw ng mga manonood gamit ang tagline na “Anong tingin mo?”

Nakilala na sa bansa ang Cinema One Originals para sa mga pelikula nitong nagbibigay ng bagong perspektibo at iba’t ibang paraan ng pagsasalaysay ng kwento. Nagdala na rin ito ng karangalan sa bansa. Nagmula dito ang “Hamog,” na siyang nakakuha ng Jury Prize sa 2015 Cinema One Originals Awards, at kamakailang nagkamit ng Outstanding Artistic Achievement award sa Shanghai International Film Festival at ipinalabas sa New York Asian Film Festival (NYAFF) ngayong taon. Kinilala naman si Teri Malvar, 2015 Cinema One Originals Awards Best Actress, bilang Best Actress sa 2016 Moscow International Film Festival at Screen International Rising Star Asia awardee sa NYAFF para sa kanyang pagganap sa naturang pelikula.

Ito ang mga nagwagi sa 2016 Cinema One Originals festival:

Jury Prize winner: Si Magdalola at ang mga Gago

Best Picture: 2 Cool 2 Be 4gotten

Best Actress: Jasmine Curtis-Smith (Baka Bukas)

Best Actor: Rocky Salumbides (Lily)

Best Supporting Actress: Natileigh Sitoy (Lily)

Best Supporting Actor: Jameson Blake (2 Cool 2 Be 4gotten)

Best Director: Keith Deligero (Lily)

Best Screenplay: Malinak Ya Labi (Jose Abdel Langit)

Best Cinematography: 2 Cool 2 Be 4gotten (Carlos Mauricio)

Audience Choice: Baka Bukas

Best Sound: Baka Bukas (Andrew Milallos)

Best Music: Tisay (Francis de Veyra)

Best Editing: Lily

Best Production Design: Tisay (Michael Español)

Best Documentary: Forbidden Memory

Best Short Film: Maria

Special Citation: The Diary of Vietnam Rose

Champion Bughaw Award: Tisay

C1 Minute Top Student Film:  No Seguir

-30-

Comments are closed.