“Dear Other Self” premieres on Cinema One

Dear Other Self

Catch Xian, Joseph and Jodi in an exciting story towards self-discovery

“Dear Other Self,” a comedy about “what ifs” and making tough choices between familial duty and personal passion starring Kapamilya actress Jodi Sta. Maria, premieres on the leading cable channel Cinema One this Sunday (November 5).

Jodi stars as Becky, a breadwinner who is torn between taking care of her family and living a life of adventure by traveling the world. One day, she faces a series of unfortunate events leading her to two very different paths.

This exciting Star Cinema film, which also stars Xian Lim and Joseph Marco, is directed by Veronica Velasco. It is partly shot in Thailand featuring great sceneries from the Land of Smiles.

Xian takes on the role of adventurous Henry while Joseph stars as the very practical guy-next-door, Chris. While Becky struggles to choose between leaving her promising career to pursue her dream to travel, she meets the two men who will join her in her puzzling journey towards self-discovery.

Will Becky remain the ever-reliable breadwinner of the family? Or will she finally embrace her heart’s desires?

“Dear Other Self” was first shown on theaters last May. The film cast also includes Paul Salas, Carla Martinez, Bodjie Pascua, Elaine Ochoa and Anna Luna.

Catch Becky’s hilarious journey towards her dreams in “Dear Other Self,” airing on Cinema One’s Blockbuster Sunday this Nov. 5 at 8pm. Cinema One is available on SkyCable and Destiny Cable Digital Channel 56, and Destiny Analog Ch. 37. Like Cinema One on Facebook at facebook.com/Cinema1channel to view full schedule.

 

Abangan sina Xian, Joseph at Jodi sa masayang kwento ng buhay at pangarap      

“DEAR OTHER SELF,” IPAPALABAS NA SA CINEMA ONE

 

Mapapanood na sa Cinema One ngayong Linggo (Nobyembre 5) ang nakakatawang kwento ng “Dear Other Self,” tungkol sa isang dalaga na nais tuparin ang kanyang pangarap sa kabila ng mga responsibilidad niya sa pamilya na pinagbibidahan ng Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria.

Nakasentro ang pelikula kay Becky (Jodi) na naguguluhan kung ipagpapatuloy niya ang pagiging breadwinner para sa pamilya o susubukin ang buhay na ninanais, ang magbyahe sa iba’t ibang lugar sa mundo habang bata pa siya. Isang araw, haharapin niya ang sunod-sunod na kamalasan na magdadala sa kanya sa dalawang magkaibang klase ng pamumuhay.

Kasama rin sina Xian Lim at Joseph Marco sa Star Cinema film na ito na mula sa direktor na si Veronica Velasco. Ilan sa mga eksena ng pelikula ay kinuhanan pa sa itinuturing na Land of Smiles, ang bansang Thailand.

Tampok si Xian bilang ang happy-go-lucky na si Henry habang si Joseph naman ay isang praktikal na binata na may konkretong plano para sa kanyang hinaharap. Habang sinusubok ni Becky na mamili sa pagitan ng kanyang karera at pinapangarap na buhay, makikilala niya ang dalawang binata na sasamahan siya patungo sa higit pang pagkilala sa kanyang sarili.

Ipagpapatuloy pa kaya ni Becky ang pagtulong sa kanyang pamilya? O pipiliin niyang sundin ang ninanais ng kanyang puso?

Unang ipinalabas sa mga sinehan ang “Dear Other Self” noon lamang Mayo. Kasama rin dito sina Paul Salas, Carla Martinez, Bodjie Pascua, Elaine Ochoa at Anna Luna.

Abangan ang nakakatuwang kwento ni Becky tungo sa pangarap sa “Dear Other Self” sa Blockbuster Sunday ng Cinema One ngayong Linggo (Nob. 5), 8pm. Mapapanood ang Cinema One sa SkyCable at Destiny Cable Digital Ch. 56, at Destiny Analog Ch. 37. Sundan ang Cinema One sa Facebook facebook.com/Cinema1channel para sa kumpletong schedule nito.

Comments are closed.