DESPERATE POKWANG FIGHTS FOR LOVE THROUGH SPELLS IN “IPAGLABAN MO”

Pokwang, naakasuhang pinasabog ang bahay ng asawang nauna na palang ikinasal sa iba sa 'Ipaglaban Mo'

Veteran actress Pokwang (Lovinia) plays a woman accused of plotting an explosion at her husband’s house in “Ipaglaban Mo” this Saturday (June 12).

Lovinia and Eric’s (Dominic Ochoa) happy marriage was cut short when Eira Bianca (Diane Medina), Eric’s first and legal wife, entered the picture. Eira threatened to sue them if Eric would continue his relationship with Lovinia. This left Eric with no choice but to leave Lovinia.

Lovinia sought help from fortune teller Mistah (Odette Khan), who promised she would bring Eric back to Lovinia through spells.

Little did Lovinia know that Mistah would take matters into her own hands as the latter sent a gift bomb in Eric and Eira’s house. Eric and Eira survived the explosion, but one of their friends unfortunately paid the price and died. Lovinia and Mistah were then identified as suspects. Could Lovinia be held accountable for the crime? Could she be considered an accomplice even though she did not know about Mistah’s plan?

This week’s episode titled “Umasa Ako Sa Hula” is directed by Erick Salud.

Don’t miss “Ipaglaban Mo,” the drama anthology that empowers Filipinos with knowledge of their legal rights and obligations, hosted by Atty. Jose Sison and Jopet Sison, this Saturday (July 12) after “It’s Showtime” on ABS-CBN. For more updates follow @IpaglabanMo2 on Twitter, @IpaglabanmoABSCBN on Instagram, and like the Facebook page www.Facebook.com/IpaglabanMoABSCBN.

-30-

Pokwang, naakasuhang pinasabog ang bahay ng asawang nauna na palang ikinasal sa iba sa 'Ipaglaban Mo' (2)

POKWANG, KUMAPIT SA RITWAL PARA SA PAG-IBIG?

Isang babaeng naakusahang sangkot sa pagpapasabog sa bahay ng kanyang asawa ang gagampanan ni Pokwang (Lovinia) sa “Ipaglaban Mo” ngayong Sabado (Hulyo 12).

Agad natuldukan ang masayang pagsasama nina Lovinia at Eric (Dominic Ochoa) nang sugurin sila ni Eira Bianca (Diane Medina), ang una at legal na asawa ni Eric. Nagbanta si Eira na idedemanda ang dalawa kung ipagpapatuloy nila ang kanilang relasyon kaya naman napilitan si Eric na iwan si Lovinia.

Dahil sa pagnanais na muling makasama si Eric, desperadang lumapit si Lovinia sa manghuhulang si Mistah (Odette Khan) na nangakong ibabalik ang kanyang asawa sa pamamagitan ng isang ritwal.

Lingid sa kaalaman ni Lovinia na hahantong pala ito sa isang krimen nang pinasabog ni Mistah ang bahay nina Eric at Eira na kumitil sa buhay ng isang kaibigan. Sina Lovinia at Mistah ang mga itinuturong suspek sa insidente. Ano ang pananagutan ni Lovinia sa krimen? Maituturing ba siyang kasabwat dito bagamat wala siyang kinalaman sa planong pagtatanim ng bomba ng manghuhula?

Ang episode ngayong linggo na pinamagatang “Umasa Ako Sa Hula” ay idinerehe ni Erick Salud.

Huwag palampasin ang “Ipaglaban Mo,” ang gabay ng mga Pilipino sa kanilang karapatan at obligasyong legal, ngayong Sabado (Hulyo 12) pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN. Para sa updates, sundan ang @IpaglabanMo2 sa Twitter, @IpaglabanmoABSCBN sa Instagram, at i-like ang Facebook page nito na www.Facebook.com/IpaglabanMoABSCBN.

-30-

 

Comments are closed.