Devoted educator for young Badjaos named Bayaning Pilipino for 2017

Fructuosa Alma “Neneng” Olivo, a social worker who has devoted three decades of her life to educating young Badjaos in far-flung communities in Davao City, was named Bayaning Pilipino for 2017 in the 14th Gawad Geny Lopez Jr. Bayaning Pilipino Awards held recently at the ABS-CBN’s Dolphy Theater in Quezon City.

 

“To everyone who believe in what I do: It is very common, very simple… All of us are called to be heroes. When we give, let’s give until it hurts,” Neneng said in her short but emotional acceptance speech.

 

The Gawad Geny Lopez Jr. Bayaning Pilipino Awards, established by the late Eugenio Lopez Jr, is a search for modern-day heroes. It recognizes ordinary folks doing extraordinary deeds–a fitting tribute to fine Filipino values of humanitarianism, industry, determination, and dedication to public service.

 

“Heroism can mean a lot of things.  Not all heroes have grand titles nor do they enjoy vast resources at their disposal. What true heroes possess is their capacity to go beyond their limits and own flaws, passionate at what they can to improve the human condition. Their accomplishments are not the results of grand gestures but of small acts of selflessness done consistently and wholeheartedly,” said ABS-CBN chairman Eugenio Lopez III in his opening remarks.

 

Aside from Neneng, midwife John Mark Odani was also recognized with the Bayaning Kabataang Pilipino award for his dedication to providing healthcare to indigenous people of Brgy. Batian in Sarangani, while the Psoriasis Philippines Online Community, Inc. (PSORPHIL) won the Bayaning Samahang Pilipino Award for its advocacy to remove the stigma against people with psoriasis and to help psoriasis patients deal with depression.

 

The Bayaning Pilipino Awards also recognized awardees from North America, South Korea, and Qatar for being unsung heroes in their own ways despite being in a different country

 

In North America, the Bayaning Kabataang Pilipino sa North America award was given to Loizza Aquino, founder of “Peace of Mind 2014,” a youth-led organization devoted to promoting awareness on mental health issues and help those who suffer from mental illnesses.

 

The Bayaning Samahang Pilipino sa North America, on the other hand, was given to Building Lives for a Better Future, a non-profit organization that offers financial assistance to students in need.

 

Katherine Corteza won the Bayaning Pilipino sa South Korea award for using her voice and speaking up about relevant issues such as labor abuse, inequality, and migration problems among Filipinos.

 

Last but not the least, Noli Perez named the Bayaning Pilipino sa Qatar for his selfless efforts to save overseas Filipino workers in the midst of danger and labor injustice in the Middle East.

A special citation was also given to Darlito Palermo of Tagum City, Davao del Norte.

 

The awarding ceremony was hosted by Julius Babao, Robi Domingo, and Judy Ann Santos plus Angel Locsin, with performances from KZ Tandingan, Inigo Pascual, Ylona Garcia, JK Labajo, Froilan Canlas, Voltz Vallejo, and Ogie Alcasid. Nash Aguas, Alex Ilacad, Enchong Dee, Michelle Gumabao, Marielle De Leon and Rachel Peters also graced the event as presenters.

 

Watch the Gawad Geny Lopez Jr. Bayaning Pilipino Awards this Sunday (Aug 27), 10:15am before “ASAP” on ABS-CBN.

 

 

MGA MAKABAGONG BAYANI, KINILALA SA 14th GAWAD GENY LOPEZ Jr BAYANING PILIPINO AWARDS

 

Hinirang bilang Bayaning Pilipino para sa taong 2017 si Fructuosa Alma “Neneng” Olivo, isang social worker na inilaan ang tatlong dekada ng kanyang buhay para magturo sa mga batang Badjao sa malalayong komunidad sa Davao City, sa ginanap na 14th Gawad Geny Lopez Jr. Bayaning Pilipino Awards kamakailan sa Dolphy Theater ng ABS-CBN sa Quezon City.

 

“Sa lahat ng naniniwala sa ginagawa ko: Simple lang naman po ito. Lahat tayo ay tinawag para maging bayani. Kaya ‘pag tayo ay nagbigay, ibigay po natin lahat sa abot ng ating makakaya,” sabi ni Neneng sa kanyang maikli ngunit madamdaming talumpati.

 

Ang Gawad Geny Lopez Jr. Bayaning Pilipino Awards ay isang parangal para sa mga makabagong bayani sa loob at labas ng bansa. Binibigyang pugay nito ang mga pambihirang gawain ng mga Pinoy sa larangan ng serbisyong pampubliko.

 

Sa opening remarks ng ABS-CBN chairman na si Eugenio Lopez III, binigyang diin nito na taglay ng isang bayani ang determinasyon at pagmamahal para sa kanilang ginagawa upang makatulong at mapaunlad ang buhay ng iba. Para kay Lopez, ang tagumpay nila ay dulot ng malilit na pamamaraan ng paglilingkod na ginagawa nila nang buong puso.

 

Bukod kay Neneng, kinilala rin ang midwife na si John Mark Odani bilang Bayaning Kabataang Pilipino para sa kanyang dedikasyon na makapagbigay ng serbisyong pangkalusugan sa indigenous people sa Brgy. Batian sa Sarangani, habang kinilala naman na Bayaning Samahang Pilipino ang Psoriasis Philippines Online Community, Inc. (PSORPHIL) para sa adbokasiya nitong tanggalin ang stigma sa mga taong may psoriasis at para tulungan ang mga mayroon nito na labanan ang depresyon.

 

Nagbigay-pugay rin ang Bayaning Pilipino Awards sa mga Pinoy sa North America, South Korea, at Qatar at pinarangalan ang mga makabagong bayani na gumawa pa rin ng makabuluhang bagay para sa iba bagama’t sila ay nasa ibang bansa.

 

Sa North America, iginawad ang Bayaning Kabataang Pilipino sa North America award kay Loizza Aquino, founder ng “Peace of Mind 2014” na isang youth-led organization na nagsusulong ng kamalayan tungkol sa iba’t ibang mental health issues at tumutulong sa mga taong mayroong mental illness.

 

Wagi naman ng Bayaning Samahang Pilipino sa North America award ang Building Lives for a Better Future, isang non-profit organization na nagbibigay ng tulong pinansyal sa mga estudyanteng nangangailangan nito.

 

Panalo rin si Katherine Corteza bilang Bayaning Pilipino sa South Korea para sa paggamit niya ng kanyang boses upang talakayin ang napapanahong mga isyu gaya ng labor abuse, inequality, at migration sa mga Pilipino roon, habang si Noli Perez naman ang hinirang na Bayaning Pilipino sa Qatar para sa kanyang pagsusumikap na maisalba ang ilang overseas Filipino workers sa gitna ng panganib na dulot ng labor injustice sa Middle East.

 

Isang special citation din ang iginawad kay Darlito Palermo ng Tagum City, Davao del Norte.

 

Ang gabi ng parangal ay pinangunahan nina Julius Babao, Robi Domingo, at Judy Ann Santos kasama si Angel Locsin, performers na sina KZ Tandingan, Inigo Pascual, Ylona Garcia, JK Labajo, Froilan Canlas, Voltz Vallejo, at Ogie Alcasid, at presenters na sina Nash Aguas, Alex Ilacad, Enchong Dee, Michelle Gumabao, Marielle De Leon at Rachel Peters.

 

Panoorin ang 14th Gawad Geny Lopez Jr. Bayaning Pilipino Awards ngayong Linggo (Aug 27), 10:15am bago mag-“ASAP” sa ABS-CBN.

 

Comments are closed.