DIGITALLY RESTORED AND REMASTERED “BASTA’T KASAMA KITA”AIRS ON SUNDAY’S BEST AND SKYDIRECT FREE VIEW

Relive the kilig between Aga Muhlach and Dayanara Torres on-screen as ABS-CBN airs the digitally restored and remastered 90s romantic drama “Basta’t Kasama Kita” this Sunday (Jan 29) on Sunday’s Best and the whole month of January via SkyDirect Free View.

Follow the story of European royalty Marinella (Dayanara), a princess who feels trapped inside her royal world. She goes to the Philippines for a royal visit and grabs the chance to escape from her guards so that she can finally live a free and independent life.

The runaway princess bumps into jeepney driver Alex (Aga), who agrees to take her with him and become his maid in exchange of lodging and food. The two eventually fall in love and just as when things are going very well between them, the truth about the real identity of Isabella comes out. Will the real life princess get her happily ever after ending with her prince charming? Will Alex give their love a chance knowing that they are worlds apart?

The Star Cinema-produced film “Basta’t Kasama Kita,” directed by Rory Quintos, is one of more than 120 films already digitally restored and remastered into high definition format by ABS-CBN’s Film Restoration Group in partnership with Central Digital Labs.

The project is under ABS-CBN’s Sagip Pelikula advocacy, which aims to promote appreciation for classic Filipino films and make it available to many audiences through various platforms like cinemas, free-to-air television, cable television, pay-per-view, video-on-demand, DVD releases and even iTunes,

Don’t miss the digitally restored and remastered “Basta’t Kasama Kita” this Sunday (Jan 29) on Sunday’s Best after “Gandang Gabi Vice.”

The movie will also be available for the entire month of January on SkyDirect, SKY’s direct-to-home service that brings its popular channels to Filipinos nationwide previously unreached by cable.

Subscribers with load can watch “Basta’s Kasama Kita” via SkyDirect channel 28. Load for SKYdirect and SKYcable may be purchased at SKYzone, SM, Cebuana Lhuillier, 7-Eleven, Load Xtreme, and Load Central partners. Subscribers may also choose to convert their ABS-CBNmobile, Globe, or TM prepaid load.

For more information on ABS-CBN’s Film Restoration project, visit www.facebook.com/filmrestorationabscbn on Facebook.

-30-

KILIGIN KINA AGA AT DAYARANA IN FULL HD SA “BASTA’T KASAMA KITA” SA SUNDAY’S BEST AT SKYDIRECT FREE VIEW

Muling kiligin sa tambalang Aga Muhlach at Dayanara Torres sa Philippine free TV premiere ng digitally restored and remastered 90s romantic drama movie na “Basta’t Kasama Kita” ngayong Linggo (Jan 29) sa Sunday’s Best na at mapapanood din buong buwan ng Enero sa SkyDirect Free View.

Sundan ang kwento ng European royalty na si Marinella, isang prinsesang naghahangad ng kalayaan mula sa sa kanyang royal world. Para makuha na ang matagal na inaasam na mas malayang buhay, tatakas siya sa kanyang mga guwardiya pagpunta niya ng Pilipinas para sana sa isang official royal visit.

Sa kanyang pag-iikot sa Maynila, makikilala niya ang jeepney driver na si Alex (Aga) na siyang kukupkop sa kanya kapalit ng serbisyo niya bilang kasambahay. Hindi magtatagal ay mahuhulog ang loob nila sa isa’t isa. Ngunit, kasabay nito ang pagsambulat din ng katotohanan tungkol sa tunay na pagkatao ni Marinella.

Makuha kaya ng real life princess ang kanyang happily ever after ending? Bigyan kaya ng pagkakataon ni Alex ang pag-iibigan nila oras na malaman na sila ay mula magkaibang mundo?

Isa lang ang “Basta’t Kasama Kita,” na idinerehe ni Rory Quintos sa ilalim ng produksyon ng Star Cinema, sa mahigit 120 pelikulang nai-restore to full high definition format ng ABS-CBN Film Restoration Group at Central Digital Labs.

Ang proyekto ay bahagi ng Sagip Pelikula advocacy ng ABS-CBN na naglalayong palawakin ang kamalayan ng mga manonood, lalo na ng mga kabataan, sa classic Filipino films at maipalabas ito sa maraming platforms tulad ng sinehan, free-to-air television, cable television, pay-per-view, video-on-demand, DVD releases at maging sa iTunes,

Huwag palalampasin ang digitally restored and remastered “Basta’t Kasama Kita” ngayong Linggo (Jan 29) sa Sunday’s Best pagkatapos ng “Gandang Gabi Vice.”

Mapapanood din ang pelikula sa buong buwan ng Enero via SkyDirect, ang direct-to-home service ng SKY na nagdadala ng sikat na mga channel sa mga Pilipino sa buong bansa na hindi abot ng cable.

Lahat ng subscribers na may load ay mapapanood ang “Basta’t Kasama Kita” sa SkyDirect. Maaring makabili ng load para sa SKYdirect at SKYcable sa SKYzone, SM, Cebuana Lhuillier, 7-Eleven, Load Xtreme, at Load Central partners. Pwede ring i-convert ang load mula sa ABS-CBNmobile, Globe, or TM prepaid load.

Para sa karagdagang impormasyon sa ABS-CBN’s Film Restoration project at Sagip Pelikula advocacy, bisitahin lang ang www.facebook.com/filmrestorationabscbn sa Facebook.

-30-

Comments are closed.