Digitally restored at remastered film na “Labs Kita…Okey Ka Lang,” bibida sa “Sunday’s Best”

 
Balikan ang love story nina Ned at Bujoy sa pagdiriwang ng ika-20 anibersaryo ng iconic 90s movie na “Labs Kita… Okey Ka Lang?” na ipapalabas ngayong Linggo (Jan 14) sa “Sunday’s Best.”
 
Taong 1998 nang ipinalabas ng Star Cinema ang naturang pelikula na pinagbibidahan ng loveteam nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin. Dito nabigyang buhay ang hindi malilimutang linya na “Oh yes kaibigan mo ako, kaibigan mo lang ako…”
 
Tampok sa romantic comedy na idinerehe ni Jerry Sineneng ang istorya nina Bujoy (Jolina) at Ned (Marvin) na kapwa itinatago ang nararamdaman para sa isa’t isa nang sa gayon ay mapanatili at maprotektahan nila ang kanilang matagal ng pagkakaibigan.
 
Noong nakaraang taon ay pinangunahan ng ABS-CBN Film Restoration Group ang red carpet premiere ng digitally restored and remastered na “Labs Kita… Okey Ka Lang?” sa UP Town Center na dinaluhan mismo nina Marvin at Jolina.
 
Sa naturang premiere night, nagpasalamat si Marvin sa ABS-CBN para sa pag-restore nila ng isa sa kanyang mga pelikula.
 
“Masaya kami na na-restore ng ABS-CBN ang film na ito. Dahil sa ganitong paraan, mas maraming tao ang makakapanood hindi lang ng magandang pelikula, kung hindi magandang copy ng pelikula,” saad ni Marvin sa premiere night.
 
Kagaya ni Marvin, lubos ring natuwa at nagpasalamat si Jolina sa mga tao sa likod ng Film Restoration Group at hiniling na maunawaan sana ito ng mga nakababatang henerasyon.
 
“Noong nakikita ko yung mga pelikulang nirerestore sabi ko talaga sana marestore yung “Labs Kita..” kaya naman sobrang saya ko na eto na na-restore na. Maraming salamat po talaga. Sa mga first time manonood nito, yung hindi inabutan dati, sana main-love kayo at kiligin kayo kahit na eto yung way naming na magpakilig noong 90s,” pagbabahagi ni Jolina.
 
Taong 2011 nang simulan ng ABS-CBN Film Restoration Project ang pagre-restore ng classic films para mapanatiling buhay ang cinematic history ng mga Pilipino. Katuwang ang Central Digital Lab, ito ang pinakaunang restoration na ginawa mismo sa bansa.
 
Mahigit 120 titulo na ang nairestore ng ABS-CBN Film Restoration Project kung saan ilan sa mga ito ay naipalamas na sa international film fests, naipalabas sa bansa via red carpet premieres, naere sa free-to-air at cable television, natunghayan sa pay-per-view at video-on-demand, nabili sa DVD at na-download maging sa iTunes.
 
Huwag palalampasin ang “Labs Kita…Okey Ka Lang?” sa “Sunday’s Best” ngayong Linggo (Jan 14) sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD sa SkyCable ch 167. Panoorin ang past episodes ng serye sa iWanTV o skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers. Para sa karagdagang updates, i-follow ang @starcreatives sa Facebook, Twitter, at Instagram.
ABS-CBN CELEBRATES 20TH YEAR OF 90s FILM “LABS KITA…OKEY KA LANG” VIA SUNDAY’S BEST
 
Celebrate the 20th anniversary of Ned and Bujoy’s love story as “Sunday’s Best” airs the digitally restored and remastered “Labs Kita…Okey Ka Lang?” this Sunday (Jan 14).
 
Twenty years ago, Star Cinema brought to the big screen this iconic film, topbilled by Jolina Magdangal and Marvin Agustin, that defined a generation. It also gave birth to the unforgettable line, “Oh yes kaibigan mo ako, kaibigan mo lang ako.”
 
The movie, directed by Jerry Sineneng,  tells the story of Bujoy (Jolina) and Ned (Marvin), who both try to hide and deny that they are romantically in love with each other so as to keep and protect their friendship.
 
Last year, ABS-CBN’s Film Restoration Group mounted a red carpet premiere of the digitally restored and remastered “Labs Kita…Okey Ka Lang?” at the UP Town Center attended by no less that Jolina and Marvin.
 
In the said premiere, Marvin expressed his gratitude to ABS-CBN for restoring one of his films with Jolina Magdangal.
 
“We are happy and thankful for ABS-CBN for doing this. Because of this, more people can watch not just a good film but a high quality one,” said Marvin in the premiere night.
 
Jolina also said thanked the people behind the Film Restoration Group and wished that the younger generations appreciate their craft.
 
“When I learned about ABS-CBN restoring films, I wished that one of the films they restore is  “Labs Kita..” That was why, I was so pleased when I learned that they restored it. For the people who will be watching it for the first time, I hope that they will also fall in love in the story and appreciate how we bring ‘kilig’ to our audience back in the 90s,” shared Jolina.
 
Since 2011, ABS-CBN Film Restoration Project has been restoring classic films to help preserve Philippine cinematic history. Together with Central Digital Lab, it has become the first restoration effort to be done within the country.
 
To date, ABS-CBN Film Restoration Project has already restored over 120 films, some of which were already screened internationally via film fests, screened locally via red carpet premieres, aired on free-to-air and cable television, viewed via pay-per-view and video-on-demand, distributed on DVD, and downloadable even on iTunes.
 
Don’t forget to watch “Labs Kita…Okey Ka Lang?” this Sunday (Jan 14) in “Sunday’s Best” on ABS-CBN or ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Catch up on the show’s latest episodes on iWanTV or skyondemand.com.ph for Sky subscribers. For more updates, follow @ABS_Restoration on Facebook, Twitter, and Instagram.
 

Comments are closed.