DIGITALLY RESTORED “LABS KITA… OKEY KA LANG?” PREMIERES AT ABS-CBN AND AYALA CINEMAS’ “CINEMA CLASSICS”

 

ABS-CBN’s Film Restoration Group, in partnership with Ayala Cinemas, formally opened its special exhibition of digitally restored and remastered classic Filipino Films in UP Town Center dubbed as “Cinema Classics” last Tuesday (Jan 10) via the premiere of the full high definition (HD) copy of the hit 90s romantic comedy flick “Labs Kita…Okey Ka Lang?”

Screaming fans filled UP Town Center’s Cinema 2 and 3 as lead stars Marvin Agustin and Jolina Magdangal graced the premiere alongside director Jerry Lopez Sineneng and scriptwriter Ricky Lee.

“We are happy and thankful for ABS-CBN for doing this. Dahil sa ganitong paraan, mas maraming tao ang makakapanood hindi lang ng magandang pelikula, kung hindi magandang copy ng pelikula,” said Marvin in a short program before the movie started.

Jolina also expressed her gratitude for the people behind the Film Restoration Group and hope the new and younger generation will get to appreciate their work.

“Noong nakikita ko yung mga pelikulang nirerestore sabi ko talaga sana marestore yung “Labs Kita..” kaya naman sobrang saya ko na eto na na-restore na. Maraming salamat po talaga. Sa mga first time manonood nito, yung hindi inabutan dati, sana main-love kayo at kiligin kayo kahit na eto yung way naming na magpakilig noong 90s,” shared Jolina.

Meanwhile, composer Nonong Buencamino, dubbing supervisor Lucy Quinto, as well as celebrities Jeffrey Hidalgo, Rap Fernandez, Mika Dela Cruz, Jay-r, KZ Tandingan, Jason Dy, and Kyla also attended the premiere to show their support.

“Cinema Classics” is part of ABS-CBN Film Restoration Project’s advocacy dubbed as “Sagip Pelikula,” which aims to preserve Philippine cinematic legacy by locally restoring classic Filipino films and make it available to the general public via different platforms.

“We are lucky that our Sagip Pelikula advocacy has strong support from the Ayala management and it is very critical for us that our partners are just as passionate and committed to making this effort viable and sustainable. We have restored more than 120 titles already but unless people get to see them, we can’t really say we have succeeded in preserving our legacy. We are hopeful that the partnership with UPTC is the start of more tie-ups with Ayala Malls,” said Leo Katigbak, head of ABS-CBN Film Restoration Group.

 

Because of the very successful premiere and high demand from the viewing public, “Labs Kita… Okey Ka Lang?” will have another screening this Tuesday (Jan 17), 7PM at the UP Town Center Cinema 3.

Meanwhile, other digitally restored and remastered films to be featured in the special cinema exhibition include Peque Gallaga’s “Magic Temple” and “Oro Plata Mata,” Ishmael Bernal’s “Himala,” Chito Rono’s “Dekada’70” and “Patayin sa Sindak si Barbara,” Jose Javier Reyes’ “Batang PX,” Laurice Guillen’s “Kasal?” and Mike De Leon’s “Kung Mangarap Ka’t Magising,” “Hindi Nahahati ag Langit,” and “Kakaba Ka Ba?”

“Hopefully, the audiences show up to support these films.  That’s what will it make it viable for cinema chains to consider having classics or even indie movies running on a regular and continuing basis.  Maybe, we will have a new generation rediscovering and falling in love again with the works of Bernal, Brocka, De Leon, Romero just as audiences have remained in one with “Star Wars,” “Sound of Music,” “Gone with the Wind,” and all the other classics,” Katigbak added.

Watch these digitally restored and remastered films in “Cinema Classics’ from Wednesday (Jan 11) to Sunday (Jan 15) at the UP Town Center. Tickets cost P220, with a discounted rate of P180 for students. For the full schedule, visit www.facebook.com/filmrestorationabscbn on Facebook.

Since 2011, ABS-CBN Film Restoration Project has been restoring classic films to help preserve Philippine cinematic history. Together with Central Digital Lab, it has become the first restoration effort to be done within the country.

To date, ABS-CBN Film Restoration Project has already restored over 120 films, some of which were already screened internationally via film fests, screened locally via red carpet premieres, aired on free-to-air and cable television, viewed via pay-per-view and video-on-demand, distributed on DVD, and downloadable even on iTunes.

 

-30-

 

“Cinema Classics” ng ABS-CBN Film Restoration Group at Ayala Cinemas, binuksan na

MARVIN AT JOLINA, BALIK BIG SCREEN; NAGPAKILIG SA PREMIERE NG “LABS KITA… OKEY KA LANG” IN HD

 

Pormal ng binuksan ng ABS-CBN Film Restoration Group at Ayala Cinemas ang “Cinema Classics” kung saan mapapanood ng mga manonood sa UP Town Center ang iba’t ibang film classics in full HD sa ginanap na premiere noong Martes (Jan 10) ng digitally restored na hit 90s romantic comedy na “Labs Kita… Okey Ka Lang?”

Napuno ng tilian at hiyawan ng fans ang Cinema 2 at 3 ng UP Town Center lalo na sa pagdating ng lead stars ng pelikula na sina Marvin Agustin at Jolina Magdangal, kasama rin ng direktor ng pelikula na si Jerry Lopez Sineneng at scriptwriter na si Ricky Lee.

“We are happy and thankful for ABS-CBN for doing this. Dahil sa ganitong paraan, mas maraming tao ang makakapanood hindi lang ng magandang pelikula, kung hindi magandang copy ng pelikula,” sabi ni Marvin sa maikling programa bago nagsimula ang palabas.

Ipinahayag din ni Jolina ang kanyang pasasalamat sa mga tao sa likod ng Film Restoration Group at pag-asa na ma-appreciate din ng mas batang mga manonood ang pinaghirapan nilang pelikula.

“Noong nakikita ko yung mga pelikulang nirerestore sabi ko talaga sana marestore yung “Labs Kita..” kaya naman sobrang saya ko na eto na na-restore na. Maraming salamat po talaga. Sa mga first time manonood nito, yung hindi inabutan dati, sana main-love kayo at kiligin kayo kahit na eto yung way naming na magpakilig noong 90s,” sabi ni Jolina.

Dumalo rin sa premiere para magpakita ng suporta ang composer na si Nonong Buencamino, dubbing supervisor na si Lucy Quinto, pati na rin ang celebrities na sina Jeffrey Hidalgo, Rap Fernandez, Mika Dela Cruz, Jay-r, KZ Tandingan, Jason Dy, at Kyla.

Ang “Cinema Classics” ay bahagi ng advocacy campaign ng ABS-CBN Film Restoration na “Sagip Pelikula” na naglalayong mapanatili ang Philippine cinematic legacy sa pamamagitan ng pag-restore ng classic Filipino films at ipamalas uli ito bagong henerasyon ng mga manonood gamit ang iba’t ibang platforms.

“Nagpapasalamat kami dahil buo ang suporta sa amin ng pamunuan ng Ayala Cinemas at kabahagi namin sila sa layuning mapagibayo at mapatagal pa ang aming advocacy na Sagip Pelikula. Mahigit 120 na pelikula ang matagumpay naming na nai-restore at hangga’t hindi pa ito nakikita ng tao, hindi pa namin masasabi na nagatagumpay na kami sa aming layunin.  Inaasahan namin na itong pakikipagtulungan namin sa UPTC ay simula pa lamang ng marami pang tie-ups kasama ang Ayala Malls,” sabi ng head ng ABS-CBN Film Restoration na si Leo Katigbak.

Dahil sa tagumpay ng premiere at mataas na demand mula sa manonood, magkakaroon ng isa pang screening ang “Labs Kita… Okey Ka Lang? sa Martes (Jan 17), 7PM sa UP Town Center cinema 3.

Ilan pang digitally restored and remastered films ang matutunghayan sa naturang espesyal na cinema exhibition katulad ng “Magic Temple” at “Oro Plata Mata” ni Peque Gallaga, “Himala” ni Ishmael Bernal, Dekada’70” at “Patayin sa Sindak si Barbara” ni Chito Rono,”Batang PX” ni Jose Javier Reyes, “Kasal?” ni Laurice Guillen at “Kung Mangarap Ka’t Magising,” “Hindi Nahahati ag Langit,” at “Kakabakaba Ka Ba?” ni Mike De Leon.

 

“Umaasa kami na tatangkilin ito ng mga manonood. Makakatulong din ito para mas mahimok ang mga sinehan na dalasan ang pagpapalabas ng classic film pati na rin ng indie films. Malay natin baka mapaibig muli ang isang bagong henerasyon sa mga obra nina Bernal, Brocka, De Leon at Romero katulad na lang kung paano tangkilikin pa rin ng mga manonood ang mga classic tulad ng “Star Wars,” “Sound of Music,” at “Gone with the Wind,” dagdag ni Katigbak.

 

Huwag palampasin digitally restored at remastered films sa “Cinema Classics” mula Miyerkules (Jan 11) hanggang Linggo (Jan 15) sa UP Town Center. Ang ticket ay nagkakahalagang P220 at mayroon discounted price para sa estudyante na P180.

Para sa kabuuang schedule, bisitahin ang www.facebook.com/filmrestorationabscbn sa Facebook.

 

Taong 2011 nang simulan ng ABS-CBN Film Restoration Project ang pagre-restore ng classic films para mapanatiling buhay ang cinematic history ng mga Pilipino. Katuwang ang Central Digital Lab, ito ang pinakaunang restoration na ginawa mismo sa bansa.

 

Mahigit 120 titulo na ang nairestore ng ABS-CBN Film Restoration Project kung saan ilan sa mga ito ay naipalamas na sa international film fests, naipalabas sa bansa via red carpet premieres, naere sa free-to-air at cable television, natunghayan sa pay-per-view at video-on-demand, nabili sa DVD at na-download maging sa iTunes.

 

-30-

Comments are closed.