“DOLCE AMORE” NOW AIRS IN KAZAKHSTAN

Dolce in 31Kanal

After making Filipinos fall in love with the story of Tenten and Serena, “Dolce Amore” is on its way to captivating Kazakh viewers as the hit ABS-CBN primetime series now airs in Kazakhstan via Channel 31.

Kapamilya stars Enrique Gil and Liza Soberano once proved their international appeal following the successful airing of their series “Forevermore” in different territories.

Aside from Kazakhstan, “Dolce Amore” is also on its way to airing in Vietnam, Cambodia, Malaysia, and Africa either dubbed or with subtitle.

“Dolce Amore” is one of the most successful drama in the country this 2016. Recently, its ‘most beautiful’ finale scored a national TV rating of 37.7% vs rival “Descendants of the Sun” with only 16.1%. Its official hashtag also trended on Twitter worldwide and garnered almost four million tweets.

“Dolce Amore” is a story of two young wandering souls, both in search of who they really are, who will be brought together by destiny and feel an infallible connection with each other. The show proved to be such a big hit because of its top caliber production with scenes shot in Italy, powerhouse cast, and values-oriented narrative that truly resonates Filipino culture.

Relive the sweet moments of Tenten and Serena of “Dolce Amore” via iWant TV (www.iwantv.com.ph) or SKY-On-Demand (www.skyondemand.com.ph).

-30-

Lizquen serye, kinakasa na rin sa Vietnam, Cambodia, at Africa
“DOLCE AMORE,” NAGPAPAKILIG NA SA KAZAKHSTAN

Matapos kiligin ang sambayanang Pilipino sa tinaguriang most romantic serye sa primetime na “Dolce Amore,” mga taga-Kazakhstan naman ang kinikilig dahil ipinapalabas ngayon ang LizQuen serye doon via Channel 31.

Pang-international talaga ang appeal nina Liza Soberano at Enrique Gil na una na ring tinangkilik sa nasabing bansa dahil sa matagumpay na pagpapalabas doon ng kanilang serya na “Forevermore.”

Bukod sa Kazakhstan, naibenta na rin ang “Dolce Amore” sa Vietnam, Cambodia, Malaysia, at Africa at kinakasa na rin ang pagpapalabas nito sa mga naturang lugar ng naka-dub o naka-subtitle.

Isa nga ang “Dolce Amore” sa pinakatinutukang programa sa bansa. Kamakailan lang ay pumalo ang ‘most beautiful’ finale nito sa national TV rating na 37.7% kontra “Descendants of the Sun” ng GMA na may 16.1%. Trending din ito worldwide via Twitter at nakakuha ng halos apat na milyong tweets.

Ang “Dolce Amore” ay tungkol sa dalawang taong pinagtagpo ng tadhana na parehong hinahanap ang mga kasagutan na bubuo sa kanilang mga pagkatao. Talaga namang kinagiliwan ito ng mga manonood dahil sa dekalibreng produksyon nito na shinoot pa sa Italy, mahuhusay na cast members sa pangunguna ng isa sa mga pinakasikat na loveteams ng bansa, at sa kwentong kapupulutan ng magagandang aral at talagang sumasalamin sa kultura ng Pinoy.

Balikan muli ang kilig na hatid ng “Dolce Amore” sa iWant TV (www.iwantv.com.ph) o SKY-On-Demand (www.skyondemand.com.ph).

-30-

Comments are closed.