Donna Cariaga amuses music lovers as MYX Celebrity VJ

“Funny One” season two grand champion Donna Cariaga of “It’s Showtime” welcomes the new year on an amusing note as she takes on the role of celebrity VJ in the country’s leading music channel, MYX, for January.

Aside from testing her entertaining skills as she introduces today’s latest videos, the comedienne gives practical love advice by answering some of the questions sent by viewers. Donna has become popular because of her hugot jokes about love and her fictional ex-boyfriend ‘James.’ She is also currently seen in her own stand-up segment, “Donna What To Do, Donna What To Say” in “It’s Showtime.”

Meanwhile, it is Jona’s turn to be MYX Headliner for the whole month. Catch the Birit Queen as she showcases some of her popular hits included in her self-titled album under Star Music.

It is also independent singer-songwriter Keiko Necesario’s turn to be on MYX Spotlight this January. Viewers will get to know more about this talented artist as they listen to some of the songs from her sophomore EP entitled “Escape.” 

Catch Donna as MYX Celebrity VJ on “Pop MYX” until January 6, “Pinoy MYX” on January 7 to 13, “Mellow MYX” on January 14 to 20, and “My MYX” on January 21 to 27 on MYX, SKYcable channel 23. For more information on MYX programming, log on to www.myxph.com, follow MYX on Instagram (@myxph) and Twitter (@MYXPhilippines).

 

Jona, MYX Headliner ngayong buwan

DONNA CARIAGA, MAGBIBIGAY SAYA BILANG MYX CELEBRITY VJ

 

Ang “Funny One” season two grand champion na si Donna Cariaga mula sa “It’s Showtime” ang magpapasaya bilang guest celebrity VJ ngayong Enero sa MYX, ang nangungunang music channel sa bansa. 

Bukod sa kanyang hosting gig na tiyak na magpapatawa sa mga manonood, magbibigay ng mga praktikal na payo tungkol sa pag-ibig ang nasabing komedyante. Unang nakilala si Donna dahil sa kanyang mga hugot jokes tungkol sa buhay pag-ibig at sa kanyang gawa-gawang ex-boyfriend na si ‘James.’ Napapanood na rin siya ngayon sa sariling segment na “Donna What To Do, Donna What To Say” sa “It’s Showtime.”

Samantala, si Jona naman ang napiling MYX Headliner para sa buong buwan. Abangan ang Birit Queen at ang kanyang mga sikat na awitin na bahagi ng kanyang self-titled album mula sa Star Music.

Tampok naman sa MYX Spotlight ang independent singer-songwriter na si Keiko Necesario ngayong Enero. Panoorin ang unti-unting sumisikat na mang-aawit at pakinggan ang mga kantang kabilang sa ikalawa niyang EP na may titulong “Escape.”

Samahan si Donna sa kanyang pagsubok bilang MYX Celebrity VJ sa “Pop MYX” hanggang ika-6 ng Enero, sa “Pinoy MYX” simula Enero 7 hanggang 13, sa “Mellow MYX” simula Enero 14 hanggang 20, at sa “My MYX” sa Enero 21 hanggang 27. Panoorin ang MYX sa SKYcable channel 23. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.myxph.com, o sundan ang MYX sa Instagram (@myxph) o Twitter (@MYXPhilippines).

Comments are closed.