Donna Cariaga ng Baguio, pinangalanang “Funny One” grand champion sa “It’s Showtime”

Iniwan at pinagpalit man ng ex niyang si James, wala nang dahilan para maging malungkot pa si Donna Cariaga ng Baguio City matapos niyang magwagi bilang grand champion ng ikalawang season ng “Funny One” sa “It’s Showtime.”

Kilala ng mga manonood para sa kanyang hugot jokes, nagtagumpay si Donna sa grand finals ng “Funny One” noong Sabado (Dec 2) para sa kanyang winning performance kung saan nagdesisyon siyang tuluyan nang kalimutan ang dating kasintahan, ang pangunahing karakter sa kanyang mga skit.

Wagi si Donna ng P1 milyon at tinalo ang lima pang contenders, kabilang na ang first runner-up na si Anthony Andres at ang second runner-up na si James Caraan.

Ayon sa huradong si Randy Santiago, nakakatuwa ang pagiging consistent ni Donna mula pa sa simula ng kumpetisyon at ang pakikipagbiruan niya sa audience. Pinuri rin si Donna ni Vice Ganda dahil sa napapanahon nitong materyal.

“Punong puno ka ng talento, at ang isa pang gift mo, punong puno ka ng charm. Sa comedy, napakahalaga na malaman mong ang materyal mo ay dapat napapanahon. Ang panahon ngayon at ang materyal mo ay magkaibigan – iisa lang. Ang materyal mo ay ngayon. Ikaw ay ngayon. Ito ang araw na para sa ‘yo,”  komento ni Vice.

Panalo ang runners-up na sina Anthony at James ng P200,000 at P100,000, samantalang nagkamit naman ng P50,000 ang ibang grand finalists na sina Powder Boyz, D’ Kings, and Tres Palitos.

Bukod kina Randy at Vice, bahagi rin sina Bayani Agbayani, Rufa Mae Quinto, at MC at Lassy ng mga huradong pumili kay Donna bilang grand champion.

Panoorin ang “It’s Showtime” tuwing tanghali sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (Sky Cable ch 167). Para sa past episodes ng programa, pumunta lamang sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

Donna Cariaga of Baguio named “Funny One” grand champion on “It’s Showtime”

Donna Cariaga of Baguio City was named the season two grand champion of “Funny One,” the only comedian search on TV, on “It’s Showtime” last Saturday (Dec 2).

The only woman in the competition and known to viewers for her timely “hugot” jokes, Donna performed a winning skit where she finally decided on moving on from her ex-boyfriend James.

She won P1 million and beat five other contenders, including first runner-up Anthony Andres and second runner-up James Caraan.

Donna was praised by judge Randy Santiago for her consistency and interaction with the audience, while Vice Ganda commended her material for its timeliness.

“You are full of talent, and your gift is that you are also full of charm. In comedy, the timeliness of one’s material is important. The times and your material are friends – they are one and the same. Your material is so now. You are so now. This day is for you,” said Vice.

Runners-up Anthony and James received P200,000 and P100,000 respectively, while grand finalists Powder Boyz, D’ Kings, and Tres Palitos received a consolation prize of P50,000 each.

Aside from Randy and Vice, Bayani Agbayani, Rufa Mae Quinto, and MC and Lassy also sat on the panel of judges that chose Donna as the grand champion.

Don’t miss “It’s Showtime,” Mondays to Saturdays in ABS-CBN and ABS-CBN HD (Sky Cable ch 167). For the program’s past episode, login to iWant TV or on skyondemand.com.ph for Sky subscribers.

Comments are closed.