Donna’s ‘hugot’ act, “tagasaan ka?” dance challenge add spice to “It’s Showtime”

Viewers have more reasons to look forward to “It’s Showtime” every day as the show introduced new segments this month and brought into the mainstream an online dance craze.

Spicing up noontime is “Funny One” season two grand champion Donna Cariaga, who continues to navigate love and relationships in her own stand-up segment “Donna What to Do, Donna What to Say.” Donna’s amusing stories and relatable ‘hugot’ jokes remain to enjoy a following as she inevitable crosses paths with Gemma, the jealous girlfriend of her ex-boyfriend James.

“It’s Showtime” also gives the madlang people a chance to shine through “W.E.R.P.A.H. (Woah! Extraordinary Real Pinoy Action Hero),” where contestants act and dress up like superheroes. In the segment, ordinary Filipinos get to use their creativity by devising their own superpower or “werpah” and showing it off in an entertaining manner.

The fun continues in another segment called “Copy-Cut,” where the hosts freeze in poses to copy a picture or a movie poster. The hosts are divided into two groups to compete, and the losing team gets a light punishment.

“It’s Showtime” also took on the viral “budots” dance or ”tagasaan ka?” challenge to the delight of the viewers. So far, videos of different Kapamilya stars who appeared on the show and erupting into a dance have earned thousands of views online.

Meanwhile, “It’s Showtime” looks back at the most memorable moments this 2017 in a year-end special airing this Saturday (Dec 30). The Quarter 3 semifinals of “Tawag ng Tanghalan” will kick off in January 2018, while the search for the members of an all-girl pop group called MNL48 will begin soon.

The madlang people are also in for more exciting treats on “It’s Showtime,” whose major fixtures include “Miss Q and A” and “Cash-Ya.”

Don’t miss “It’s Showtime,” Mondays to Saturdays on ABS-CBN and ABS-CBN HD (Sky Cable ch 167). For the program’s past episode, login to iWant TV or on skyondemand.com.ph for Sky subscribers.

 

“W.E.R.P.A.H.” at “Copy-Cut,” dagdag-aliw sa “It’s Showtime”

Mga hugot ni Donna at “tagasaan ka?” dance challenge, patok sa madlang people

Bagong kwelang segments at isang dance challenge na patok din sa online world ang dumadagdag ng aliw sa pananghalian ng madlang people at sa numero unong noontime show sa bansa na “It’s Showtime.”

Una sa pagpapasaya ang “Funny One” season two grand champion na si Donna Cariaga, na patuloy ang pakikipagsapalaran sa pag-ibig sa kanyang sariling stand-up segment na “Donna What to Do, Donna What to Say.” Lalong pang dumadami ang kumakapit sa kwento at hugot jokes ni Donna dahil sa tiyak na pagkukrus nila ng landas ni Gemma, ang kasalukuyang girlfriend ng ex-boyfriend niyang si James.

Maaari naming ipakita ng madlang people ang kanilang ibubuga sa “W.E.R.P.A.H. (Woah! Extraordinary Real Pinoy Action Hero),” kung saan magbibihis at mag-aastang superhero ang contestants upang ipamalas ang kanilang “power” o “werpah.”

Sa naturang segment, magagamit ng mga ordinaryong Pinoy ang kanilang imahinasyon sa pag-iimbento ng sarili nilang ‘superpower’ at pagpapamalas nito sa nakakaaliw na paraan.

Araw-araw ding nagpapasaya ang segment na “Copy-Cut,” kung saan nagpapaligsahan ang dalawang grupo ng hosts sa pagkopya ng isang litrato o movie poster. Ang matatalo sa bawat challenge ang siyang bibigyan ng kakaibang parusa, gaya na lamang ng paglalagay ng yelo sa kilikili at pagpuno ng marshmallows sa bibig.

Dahil naman sa “It’s Showtime,” mas marami na ang nakikisabay at nakikihataw sa tinaguriang “budots” dance o ”tagasaan ka?” dance challenge. Nakakuha na rin ng libo-libong views online ang videos ng naturang challenge tampok ang iba’t ibang Kapamilya stars na lumabas sa programa at tinanggap ang hamon.

Bilang regalo naman sa madlang people, magkakaroon ng year-end special ang programa ngayong Sabado (Dec 30) upang balikan ang hindi malilimutang kaganapan nitong taon. Sa Enero 2018 naman aarangkada ang Quarter 3 semifinals ng “Tawag ng Tanghalan” at malapit na ring mapanood ang pagsisimula ng pagbuo sa all-girl group na MNL48.

Tampok din sa “It’s Showtime” ang patalbugan ng ganda at talino sa “Miss Q and A” at mga nakakatuwang eksena sa “Cash-Ya.”

Panoorin ang buong “It’s Showtime” family tuwing tanghali sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (Sky Cable ch 167). Para sa past episodes ng programa, pumunta lamang sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

 

Comments are closed.