DZMM ANCHORS DELIVER KAPAMILYA BRAND OF PUBLIC SERVICE TO COMMUNITIES

 

As he would every weekday, broadcast journalist Ted Failon reported for boardwork ‪at 8am last March 31 for his program “Failon Ngayon” on DZMM radio and TeleRadyo. The only – and big – difference in his routine that day was he and co-anchor DJ Chacha were not delivering and discussing the morning’s biggest news and issues inside a radio booth. Instead, they are in the heart of Brgy. San Dionisio in Parañaque City, face-to-face with the station’s loyal listeners and viewers in the community.

Ted and Chacha were there for the fourth leg of “DZMM Kapamilya Day,” the AM radio station’s latest offering that will tour different barangays in Metro and Mega Manila to bring joy and public service to Filipinos in celebration of the 10th year of DZMM TeleRadyo on television.

Julius Babao and Bernadette Sembrano’s “Lingkod Kapamilya sa DZMM” kicked-off the caravan last March 10 at Barangay Sta. Ana, Pateros, whose residents were able to air their concerns, and benefited from DZMM TLC’s medical mission.

A major part of “DZMM Kapamilya Day” is to bring a DZMM program to a barangay and air it live via satellite. This allows the anchors to bond and interact with more Kapamilyas, and focus on the specific concerns in their communities.

“Dos Por Dos” partners Anthony Taberna and Gerry Baja gamely listened to sentiments of residents at Brgy. 162, Pasay City over chichirya in front of a local sari-sari store last March 17. Meanwhile, in the event’s third leg at Brgy. Molino 2, Bacoor, Cavite last March 24, “Pasada Sais Trenta” anchors Karen Davila and Vic Lima tackled the traffic problems of the province, and helped provide immediate solutions by organizing a sit-down between the local government, the Cavite Road Safety Division, and local PUV drivers.

“Pumunta tayo dito para makialam at tumulong na makarating sa mga kinauukulan sa provincial and even national level (ang problema ng mga tao dito sa trapiko). Kaya kami sa DZMM ay umaasa na sana magpatuloy ang DZMM Kapamilya Day mula dito sa Luzon hanggang sa Visayas at Mindanao,” said Vic de Leon Lima.

DZMM’s bonding with the people would continue off the air, as it conducted a special program in every community with Zumba sessions and parlor games led by “Mismo” anchor Ahwel Paz. Moreover, various public service activities were held like medical mission and livelihood seminars. To add excitement, residents celebrating birthdays were given a special treat and raffle prizes were drawn.

“Importante na makita natin sila at malaman ang problema nila at malaman nila na mahal natin sila,” according to Karen Davila.

DZMM will continue bringing the Kapamilya brand of genuine public service and heartfelt ‘malasakit’ to Filipinos with “DZMM Kapamilya Day” heading to more barangays until June.

For news and public service, stay tuned to DZMM 630 on AM radio or DZMM TeleRadyo on cable TV and ABS-CBN TVplus. For updates, follow @DZMMTeleRadyo on Twitter and Facebook.

-30-

Mula sa radio booth hanggang sa mga baranggay

DZMM ANCHORS NAGHATID NG KAPAMILYA PUBLIC SERVICE
SA MGA KOMUNIDAD

Katulad ng ginagawa nya araw-araw, nagbalita para sa kanyang boardwork ng bandang alas-otso ng umaga si Ted Failon noong Marso 31 para sa kanyang programang “Failon Ngayon” sa DZMM TeleRadyo. Ang pagkakaiba lang, hindi sila sa loob ng radio booth naghahatid ng serbisyo ng co-anchor na si DJ Chacha. Sa halip ay nasa Brgy. San Dionisio sa Parañaque City sila at kasalamuha ang mga masusugid na tagapanood at tagapkinig ng himpilan sa komunidad.

Sila Ted at Chaha ang pang-apat na umarangkada sa “DZMM Kapamilya Day” na kasalukuyang proyekto ng AM radio station na maglilibot sa iba’t-ibang barangay sa Metro Manila at Mega Manila upang makapaghatid ng saya at public service sa mga Pilipino para sa ika-sampung anibersaryo sa telebisyon ng DZMM Teleradyo.

Una nang umarangkada sila Julius Babao at Bernadette Sembrano noong Marso 10 sa Sta. Ana, Pateros upang malaman ang mga saloobin at mga kinakailangan na tulong medikal ng mga residente ng lugar sa kanilang programang “Lingkod Kapamilya sa DZMM.”

Sa “DZMM Kapamilya Day,” mas personal na naihahatid ng mga anchor ang mga balita at public service at nakakapag-pokus sa mga komunidad, dahil doon mismo nila isinasagawa ang mga programa na ineere sa TV at radyo live via satellite. Ang “Dos Por Dos” partners na sina Anthony Taberna at Gerry Baja nga, sa harap ng isang sari-sari store sa Brgy. 162 sa Pasay City ginawa ang kanilang mga panayam at kasamang kumain ng chichirya ang mga residente noong Marso 17.

Layunin ng DZMM na bigyang atensyon din ang mga dapat aksyunan sa mga binibisitang komunidad.  Sa Brgy. Molino 2, Bacoor, Cavite noong Marso 24, pinag-usapan ang problemang pang-trapiko ng probinsya nina Karen Davila at Vic Lima sa “Pasada Sais Trenta.”  Dito agad-agad natugunan ang problema sa pagtatagpo ng lokal na gobyerno, ang Cavite Road Safety Division, at ng mga lokal na PUV drivers sa programa.

“Pumunta tayo dito para makialam at tumulong na makarating sa mga kinauukulan sa provincial and even national level (ang problema ng mga tao dito sa trapiko). Kaya kami sa DZMM ay umaasa na sana magpatuloy ang DZMM Kapamilya Day mula dito sa Luzon hanggang sa Visayas at Mindanao,” ani ni Vic de Leon Lima.

Bukod pa riyan, hatid ng DZMM ang iba pang bonding activities para sa mga Kapamilya. May Zumba sessions at pa-parlor games na pinagungunahan ni “Mismo” anchor Ahwel Paz. At sa bawat lugar, may public service na hatid ang himpilan, kagaya ng medical mission sa Pateros, livelihood seminars para mapagkakitaan ng mga residente tulad ng tocino-making, massage services, at iba’t-iba pang mga ideyang pang-negosyo. Kaabang-abang din ang mga papremyong na pinamimigay at ang birthday blowout para sa mga residenteng may kaarawan.

Habang masaya ang mga taong kumuha ng litrato kasama ng mga paboritong brodkaster, tuwang-tuwa rin ang mga anchor sa pagkakataong makasama ang mga tagapakinig at tagapanood ng DZMM. “Importante na makita natin sila at malaman ang problema nila at malaman nila na mahal natin sila,” ani ni Karen Davila.

Patuloy na maghahatid ng tulong at public service sa mga Kapamilya ang “DZMM Kapamilya Day” upang maipadama ang taos-pusong malasakit at pasasalamat. Mas madaming baranggay pa ang makakadaupang-palad ng himpilan hanggang Hunyo. Para sa balita at public service, tumutok sa DZMM 630 sa AM radio at DZMM TeleRadyo sa cable at ABS-CBNTVplus. Para sa news updates, sundan ang @DZMMTeleRadyo sa Facebook o Twitter.

-30-

Comments are closed.