DZMM LAUNCHES NEW PROGRAMS “GOOD VIBES” AND “ON THE SPOT”

 

DZMM leads in Metro Manila radio survey

DZMM LAUNCHES NEW PROGRAMS “GOOD VIBES” AND “ON THE SPOT”

 

In its bid to provide the best mix of informative programs to its audiences, DZMM recently launched two new afternoon programs, namely “Good Vibes” with Niña Corpuz and “On The Spot” newscast anchored by Vic Lima and Toni Aquino that will be simulcast on radio, digital TV, and cable TV.

 

“Good Vibes” is a health and wellness show that runs daily, Monday to Friday, from 1pm to 2pm, while “On The Spot” gives a rundown of news highlights and issues of the day from 4pm to 4:30pm. Both are simulcast on DZMM Radyo Patrol 630 on AM radio and DZMM TeleRadyo on cable TV and ABS-CBN TVplus.

 

Meanwhile, DZMM also led in the latest AM radio survey released by Kantar Media for the period of March 14 to 20, 2017 in Metro Manila. ABS-CBN’s flagship AM radio station garnered an audience share of 46% in the AM band with almost half of AM radio listeners choosing to tune in to the station. A far second is DZBB with an audience share of 20%, followed by DZRH with 11%.

 

With “Good Vibes” and “On The Spot,” DZMM hopes to sustain its AM leadership as it continues to strive to provide Filipinos with timely and relevant information as they go about their daily work and home routines.

 

Set in DZMM TeleRadyo’s brand new studio, “Good Vibes” celebrates positivity by providing informative health news, practical home keeping tips, interesting features for the moms, young and the old, and medical information straight from different health experts. Dra. Luisa Puyat also joins every Thursday to share her own medical expertise and give updates on DZMM’s Teaching Learning and Caring accomplishments.

 

Formerly of the show “Magandang Gabi Dok,” anchor Niña relishes another opportunity to serve more people and help bring happiness to the homes of Filipinos.

 

“’Good Vibes’ is all about public service. We want to help people make their lives easier and care for their families better, especially senior citizens. People tend to forget our elders so this program will address their needs so that they can enjoy their lives more,  she shared.

“On The Spot,” on the other hand, aims to make people aware of what’s happening all over the country as Vic and Toni present reports from the ABS-CBN news gathering team, Radyo Patrol and Regional reporters assigned in different beats and locations in the Philippines. Delivered in a conversational manner, news reports are much easier to digest and understand for the people in the program.

Stay tuned for other news and public service efforts of DZMM, which is celebrating the 10th anniversary of DZMM TeleRadyo this year. For updates, tune in to DZMM 630KHz on AM radio or DZMM TeleRadyo on cable TV and ABS-CBN TVplus. For updates, follow @DZMMTeleRadyo on Twitter and Facebook.

 

-30-

 

DZMM nanguna sa radio survey sa Metro Manila

MGA BAGONG PROGRAMANG “GOOD VIBES” AT “ON THE SPOT,” INILUNSAD SA DZMM

 

Naglunsad ng dalawang programa sa hapon ang DZMM upang makapagbigay pa ng ibang klaseng programa sa mga tagapakinig at tagapanood nito, ang “Good Vibes” ni Niña Corpuz at ang “On The Spot” nila Vic Lima at Toni Aquino, na mapapakinggan sa radyo at mapapanood sa digital TV at cable TV, Lunes hanggang Biyernes.

 

Ang “Good Vibes” ay isang programang pangkalusugan tuwing 1pm hanggang 2pm,habang ang “On The Spot” naman ay maglalahad ng mga importanteng balita mula 4pm hanggang 4:30pm. Parehong programa ay nasa DZMM Radyo Patrol 630 sa AM radio at sa DZMM TeleRadyo sa cable TV at ABS-CBN TVplus.

 

Samantala, ang DZMM pa rin ang nangunguna sa AM radio survey mula sa Kantar Media mula  Marso 14 hanggang 20 sa Metro Manila. Nakakuha ng 46% na audience share sa AM band ang AM radio station ng ABS-CBN o halos kalahati sa mga tagapakinig sa AM radyo. Malayo ang kasunod nito na DZBB na may audience share na 20% at  11% naman sa DZRH.

 

Palalakasin pa lalo ng “Good Vibes” at “On The Spot,” ang pwersa ng himpilan na nais bigyan ng makabuluhang mga programa ang mga Pilipino na makakatulong sa kanilang pamumuhay sa araw-araw.

 

Tampok ang bagong studio ng DZMM sa  “Good Vibes”  na magbibigay ng mga tips para sa pangangalaga sa bahay, mga praktikal na solusyon sa pang-araw araw, at tulong pangkalusugan. Tuwing Huwebes, naghahatid din si Dra. Luisa Puyat ng kanyang kaalaman pangmedikal at mga kwento hinggil sa mga proyekto ng DZMM Teaching Learning and Caring.

 

Para kay Niña, na mula sa programang  “Magandang Gabi Dok,” malaking oportunidad ang binibigay ng programa upang makapaghatid siya ng paglilingkod at saya sa mga Kapamilya.

 

“Nandito kami para serbisyuhan po ang buong pamilya at para mas maaalagan nila ang kani-kanilang mga sarili at pamilya.  Meron po kaming mga parenting tips, life hacks para sa mga nanay sa bahay upang mas mapadali ang kanilang mga buhay, lalo na ang mga misis  mga lolo at lolam at mga senior citizen. Madalas ay nakakalimutan na natin sila at maigi na makatulong tayo sa kanila at makapagbigay ng saya para mas makapag-enjoy sila sa kanilang mga buhay. ani pa niya.

 

Mga maiinit na balita naman ang hatid ng “On The Spot” kasama sina Vic at Toni na ilalahad ang mga balita mula sa ABS-CBN news gathering team at Radyo Patrol at Regional reporters na nagpapatrol sa iiba’t ibang parte ng Pilipinas. Pa-kuwento ang pamamaraan nila ng pagbabalita kaya naman mas madali rin itong maintindihan ng mga Kapamilya.

 

Tumutok lamang sa iba pang balita at serbisyo publiko na hatid ng DZMM, na nagdiriwang ng ika-10 anibersaryo ng DZMM Teleradyo ngayong taon. Para sa balita at serbisyo publiko, manatiling nakatutok sa DZMM 630KHz sa AM radio o sa DZMM TeleRadyo sa cable TV at ABS-CBNTVplus. Para sa updates, sundan lamang ang @DZMMTeleRadyo sa Twitter at Facebook.

 

-30-

GOOD VIBES ang dala ng bagong health and wellness program ni Nina Corpuz sa DZMM.

 

Mga importanteng balita ang hatid ni Toni Aquino para sa “On The Spot” mula 4pm hanggang 4:30pm

 

Maiinit na balita ON THE SPOT ang hatid ni Vic Lima kasama si Toni Aquino sa kanilang bagong programa sa DZMM.

 

Ilalahad nila Vic Lima at Toni Aquino ang mga balita mula sa ABS-CBN news gathering team.

 

 

Comments are closed.