Ejay, sole witness to taxi driver slay in “Ipaglaban Mo”

A young man’s courage is put to test after he becomes the sole witness to a robbery that ended with a fellow taxi driver’s death the hit legal drama of ABS-CBN “Ipaglaban Mo.”

Joel (Ejay Falcon) has been working really hard as a taxi driver to pursue his dreams of  becoming a seaman and hopefully, earn the approval of his girlfriend’s mom as well.

He got everything planned out in his life until one day, he got derailed after he witnessed a guy named Aries (Sandino Martin) kill a helpless taxi driver named Ramon (Kiko Matos) in the middle of the road and then take away the poor man’s earnings. Joel now becomes the only key to give justice to Ramon’s death.

Will Joel testify despite fears of Aries’ getting back at him and his family?

Don’t miss the “Pasada” episode of “Ipaglaban Mo,” directed by Myla Ajero-Gaite, this Saturday (Oct.28) after “It’s Showtime” on ABS-CBN with a replay every Wednesday on DZMM TeleRadyo and DZMM Radyo Patrol 630.

For more updates, follow @IpaglabanMoCh2 on Twitter, @ipaglabanmoABSCBN on Instagram, or like www.facebook.com/IpaglabanMoABSCBN.

 

Mananahimik o maninindigan sa katotohanan?

EJAY, SAKSI SA PAGPATAY SA TAXI DRIVER SA “IPAGLABAN MO”

Madadamay si Ejay Falcon sa kaso ng panghoholdap at pagpatay ng isang lalake sa isang taxi driver sa hit legal drama na “Ipaglaban Mo” ngayong Sabado (Oct. 28)

Para makuha ang loob ng ina ng kasintahan, nagsumikap si Joel (Ejay) sa pamamasada ng taxi para makapag-ipon ng kanyang pangtapos sa kursong seaman.

Ngunit hindi inaasahang malagay lahat ng kanyang pangarap sa alanganin nang maging saksi siya sa panghoholdap at pagpatay ng binatang si Aries (Sandino Martin) sa kapwa niya taxi driver na si Ramon (Kiko Matos). Siya lang ang tanging susi para mabigyan ng hustisya si Ramon.

Tumestigo kaya si Joel sa kabila ng pangambang balikan siya ni Aries?

Huwag palampasin ang episode ng “Ipaglaban Mo” na pinamagatang “Pasada” sa ilalim ng direksyon ni Myla Ajero-Gaite ngayong Sabado (Oct.28), pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167) na may replay tuwing Miyerkules sa DZMM TeleRadyo at DZMM Radyo Patrol 630.

Para sa updates, i-follow ang @IpaglabanmoABSCBN sa Instagram, @IpaglabanMoCh2 sa Twitter, o i-like ang sa Facebook.

 

 

Comments are closed.