ELLA CRUZ PLAYS MENTALLY ILL RAPE VICTIM IN “IPAGLABAN MO”

Ella Cruz, gaganap bilang mentally challenged na rape victim sa 'Ipaglaban Mo' (2)

Teen star Ella Cruz plays a 13-year-old mentally challenged girl named “Coney,” who was raped by her 17-year-old neighbor Edmond portrayed by Ella’s fellow former “Goin’ Bulilit” star John Manalo in “Ipaglaban Mo” this Saturday (June 14).

Coney’s father Rico (Cris Villanueva) immediately filed a rape case against Edmond after her daughter’s traumatic experience. Edmond’s father, Edgar (Eric Fructuoso), on the other hand, would also fight for the rights of his son, whom he believed was innocent.

Edmond’s camp insisted that the court should not believe Coney because she was mentally ill. Would the court take Coney’s side despite her condition?

Also joining the cast in this week’s episode, titled “Lalaban Ang Tatay Para Sa’yo” directed by Eric Quizon, are Matet de Leon, Kyline Alcantara, and Jon Lucas.

Meanwhile, the much-awaited comeback of “Ipaglaban Mo” debuted strong last Saturday (June 7), winning in its timeslot with a national TV rating of 13.9%, or eight points higher than 5.9% of its rival “GMA Tales of Horror,” based on data of Kantar Media.

Don’t miss “Ipaglaban Mo” hosted by Atty. Jose Sison and Jopet Sison every Saturday after “It’s Showtime” on ABS-CBN. For more updates follow @IpaglabanMo2 on Twitter, @IpaglabanmoABSCBN on Instagram, and like the Facebook page www.Facebook.com/IpaglabanMoABSCBN.

-30-

ELLA CRUZ, GAGANAP BILANG MENTALLY CHALLENGED NA RAPE VICTIM SA “IPAGLABAN MO”

Trese anyos na dalagitang biktima ng panggagahasa at may problema sa pag-iisip ang karakter na bibigyang-buhay ng teen star na si Ella Cruz (Coney) sa legal drama anthology na “Ipaglaban Mo” ngayong Sabado (Hunyo 14).

Gagampanan naman ng kapwa dating “Goin’ Bulilit” star ni Ella na si John Manalo ang karakter ni Edmond, ang 17 anyos na kapitbahay ni Coney na nanggahasa sa kanya.

Ipaglalaban ng ama ni Coney na si Rico (Cris Villanueva) ang malagim na sinapit ng anak at sasampahan ng kasong rape si Edmond. Subalit maninindigan din ang ama ni Edmond na si Edgar (Eric Fructuoso) para sa anak na pinaniniwalaan niyang inosente sa krimen.

Pagdidiin ng kampo ni Edmond, hindi dapat paniwalaan ang paglalahad ni Coney dahil wala ito sa tamang pag-iisip. Panigan kaya ng korte si Coney sa kabila ng kalagayan nito?

Bahagi rin ng episode na ito na pinamagatang “Lalaban Ang Tatay Para Sa’yo” na idinerehe ni Eric Quizon sina Matet de Leon, Kyline Alcantara, at Jon Lucas.

Samantala, mainit na sinalubong ng mga manonood ang pagbabalik ng “Ipaglaban Mo” noong nakaraang Sabado (Hunyo 7) matapos itong magtala ng national TV rating na 13.9%, o walong puntos na mas mataas sa 5.9% ng katapat nitong programa na “GMA Tales of Horror,” base sa datos ng Kantar Media.

Huwag palampasin ang “Ipaglaban Mo” nina Atty. Jose Sison at Jopet Sison tuwing Sabado pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN. Para sa updates, sundan ang @IpaglabanMo2 sa Twitter, @IpaglabanmoABSCBN sa Instagram, at i-like ang Facebook page nito na www.Facebook.com/IpaglabanMoABSCBN.

-30-

 John Manalo, gaganap bilang 17 anyos na binatilyong ginahasa ang 13 anyos niyang kapitbahay sa 'Ipaglaban Mo'

Comments are closed.