Ellen at Miho, bihag ng illegal recruiter sa “Ipaglaban Mo”

 

Gaganap sina Ellen Adarna at Miho Nishida bilang mga babaeng nabiktima ng illegal recruiter ngayong Sabado (Set. 16) sa hit legal drama ng ABS-CBN “Ipaglaban Mo.”

Dahil sa pangarap at pamilya, mabilis na napapayag ng recruiter na si Glenda (Sunshine Garcia) sina Cherry (Ellen) at Hazel (Miho) sa inalok nitong trabaho na maging make-up artists sa Malaysia. Wala silang alam na isang bangungot pala ang kanilang kahahantungan dahil pagkalapag nila sa ibang bansa ay sapilitan silang pinagtrabaho bilang sex workers.

Hindi pa natapos ang kanilang kalbaryo lalo na si Hazel na ilang beses ding ginahasa ng kapwa illegal recruiter ni Glenda na si Gilbert (Epy Quizon).

Paano kaya sila makakaligtas sa impyernong napasok? Mapanagot kaya nila ang may gawa nito sa kanila?

Huwag palampasin ang episode ng “Ipaglaban Mo” na pinamagatang “Bihag” sa ilalim ng direksyon ni Ludwig Peralta ngayong Sabado (Set. 16), pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167) na may replay tuwing Miyerkules sa DZMM TeleRadyo at DZMM Radyo Patrol 630.

Para sa updates, i-follow ang @IpaglabanmoABSCBN sa Instagram, @IpaglabanMoCh2 sa Twitter, o i-like ang sa Facebook.

 

ELLEN AND MIHO FALL VICTIM TO ILLEGAL RECRUITERS IN “IPAGLABAN MO”

 

Ellen Adarna and Miho Nishida play two unknowing women who became victims of the flesh trade abroad this Saturday (Sept. 16) in the hit legal drama of ABS-CBN “Ipaglaban Mo.”

 

Cherry (Ellen) and Hazel (Miho) accepted Glenda’s (Sunshine Garcia) offer to work as make-up artists in Malaysia because they wanted to help their families. They arrived in Malaysia without knowing that it was a trap and that they would end up being thrown into the world of sex trade.

 

Their struggles didn’t end there as Gilbert (Epy Quizon), an illegal recruiter and teammate of Glenda, repeatedly raped Hazel.

 

How did they escape from Glenda and Gilbert? How will justice be served in their case?

 

Don’t miss the “Bihag” episode of “Ipaglaban Mo,” directed by Ludwig Peralta, this Saturday (Sept. 16) after “It’s Showtime” on ABS-CBN with a replay every Wednesday on DZMM TeleRadyo and DZMM Radyo Patrol 630.

 

For more updates, follow @IpaglabanMoCh2 on Twitter, @ipaglabanmoABSCBN on Instagram, or like www.facebook.com/IpaglabanMoABSCBN.

 

 

Comments are closed.