ElNella, patutunayan ang kahalagahan ng purong puso sa “Wansapanataym”

Panibagong kwentong puno ng aral ang matutunghayan ng mga manonood sa pagbabalik-telebisyon ng tambalan nina Janella Salvador at Elmo Magalona na magtuturo ng kahalagahan ng pagkakaroon ng purong puso sa “Wansapanataym Presents: Jasmin’s Flower Powers” simula ngayong Linggo (Nov 12).

Tunghayan ang pag-uumpisa ng kwento ni Jasmin (Janella), isang dalagang ulila na nahiwalay sa kanyang kapatid na si Daisy (Heaven Peralejo) matapos mamatay ang kanilang mga magulang na sina Dahlia (Bernadette Allison) at Oscar (John Medina).

Magdadala naman ng kasiyahan kay Jasmin si Thor (Elmo), ang customer ng kanilang flower farm na kanyang ring kasintahan. Ngunit paghihiwalayin sila ng ina ng binata at pilit na tatakutin upang hindi ituloy ang kanilang pagmamahalan.

Sa kanilang paghihiwalay, muli namang magtatagpo ang landas ni Jasmin at ng kanyang kapatid na si Daisy. Dito mag-uumpisang magbago ang kanilang mga buhay sa pagtupad ng isang misyon na muling bubuo sa watak-watak nilang pamilya.

Isang flower fairy ang magpapakita kay Jasmin at magsisiwalat sa tunay na kinahinatnan ng kanyang mga magulang. Parehong isinumpa ang dalawa dahil sa pang-aabuso nila sa kapangyarihan ng mahiwagang buto ng halaman, na dahilan din ng pagkamatay ni Oscar at pagkakakulong sa loob ng isang mahiwagang bulaklak ni Dahlia.

Upang maligtas ang ina, pagkakalooban ang magkapatid ng tig-isang itim na buto ng halaman na kailangang maging purong puti upang makapasok sa lugar ng mga diwata. Ngunit hindi ito magiging madali, dahil hindi tulad ni Jasmin, puno ng poot ang puso ni Daisy dahil na rin sa masamang karanasan niya sa mga taong kumupkop sa kanya, dahilan para manatiling itim ang hawak niyang mahiwagang buto.

Paano nga ba matutulungan ni Jasmin si Daisy na alisin ang galit nito sa kanyang puso? Mailigtas pa kaya nila ang kanilang ina?

Kasama rin sa “Wansapanataym Presents: Jasmin’s Flower Powers” sina Rufa Mae Quinto, Francis Magundayao, Rommel Padilla, Almira Muhlach, Lui Villaruz, Bernadette Allison, John Medina, Neil Coleta, Arlene Muhlach, at Jai Agpangan.

Huwag palampasin ang kwentong kapupulutan ng aral sa “Wansapantaym Presents: Jasmin’s Flower Power” ngayong Linggo sa ABS-CBN at ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa fb.com/dreamscapeph at i-follow ang @dreamscapeph sa Twitter at Instagram.

EllNella imparts importance of having a pure heart in “Wansapanataym”

Janella Salvador and Elmo Magalona mark their TV comeback by bringing a values-filled story that will teach viewers the importance of having a pure heart in “Wansapanataym’s” newest offering “Jasmin’s Flower Power” this Sunday (Nov 12).

Get to know Jasmin (Janella), an orphan who got separated from her sister Daisy (Heaven Peralejo) after their parents Dahlia (Bernadette Allison) and Oscar (John Medina) died in an accident.

Despite living without her family, her boyfriend Thor (Elmo) brings her constant joy. However, the young man’s mother disapproves of their relationship and even threatens Jasmin, which forces them to part ways.

In spite of losing her boyfriend, she regains another important person in her life when she finally reunites with her long lost sister. This marks the start of a new journey for the siblings as they go on a mission to bring back the perfect family they once had.

One day, a flower fairy shows up to Jasmin and reveals the truth about her parents’ death. The fairy tells the sisters that Dahlia and Oscar had been put under a spell after they abused the power of the white magic seedling, and that it was only their father who died, while their mother remains imprisoned inside a magical flower as punishment.

To save their mother, they are given one black magic seedling each, which they need to turn into white by doing good deeds to enter the land of the fairies. However, it will not be easy for the siblings. Uunlike Jasmin, Daisy has so much hatred in her heart due to the maltreatment she experienced under her foster parents’ care, keeping her black seedling from turning into white.

How will Jasmin help Daisy in making her heart pure? Will they successfully save their mother from the magic spell?

Meanwhile, also part of “Wansapanataym Presents: Jasmin’s Flower Powers” are Rufa Mae Quinto, Francis Magundayao, Rommel Padilla, Almira Muhlach, Lui Villaruz, Bernadette Allison, John Medina, Neil Coleta, Arlene Muhlach, and Jai Agpangan.

Catch the magical stories filled with valuable lessons in “Wansapanataym Presents: Jasmin’s Flower Powers” this Sunday on ABS-CBN and ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). For more information, go to fb.com/dreamscapeph and follow @dreamscapeph on Twitter and Instagram.

Comments are closed.