Empress, hanap ang hustisya para sa pinaslang na kapatid “Ipaglaban Mo”

Hustisya ang sigaw ng papel na gagampanan ni Empress Schuck ngayong Sabado (Feb 10) sa hit legal drama ng ABS-CBN na “Ipaglaban Mo” matapos niya mismong masaksihan ang bayaw na pinaslang ang kanyang kapatid.

Excited na si Marlie (Empress) sa nalalapit niyang kasal sa fiance na si Erwin (John Medina) nang mangyari ang hindi inaasahang trahedya isang araw bago ang pinakahihintay niyang araw.

Tumungo ang kanyang bayaw na si Cardo (James Blanco) sa kanilang tahanan at hinahanap ang dating asawa na si Lisa (Isabel Oli). Nais sana nitong balikan si Lisa. Ngunit hindi naging maayos ang pag-uusap nila at ang dapat sana ay suyuan ay nauwi sa patayan. Pinagsasaksak ni Cardo si Lisa at agad lumayas para tumakas.

Mapanagot pa kaya ni Marlie si Cardo sa pagpatay nito sa kanyang ate? Matuloy pa kaya ang kasal niya?

Huwag palampasin ang episode ng “Ipaglaban Mo” na pinamagatang “Ate” sa ilalim ng direksyon ni Don Cuaresma ngayong Sabado (Feb 10), pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167) na may replay tuwing Miyerkules sa DZMM TeleRadyo at DZMM Radyo Patrol 630.

Para sa updates, i-follow ang @IpaglabanmoABSCBN sa Instagram, @IpaglabanMoCh2 sa Twitter, o i-like ang sa Facebook.

EMPRESS FINDS JUSTICE FOR SLAIN SISTER IN “IPAGLABAN MO”

Empress returns to “Ipaglaban Mo” this Saturday (Feb 10) to play the role of a woman seeking justice for her sister who was killed right before her eyes.

Marlie (Empress) was about to marry her fiancé Erwin (John Medina) when an unexpected tragedy struck the day before her wedding.

Her brother-in-law, Cardo (James Blanco), went to their house to get her sister Lisa (Isabel Oli) which led to a heated argument. Out of rage, Cardo ended up stabbing his ex-wife to death and immediately fled off the scene.

Will Marlie be able to find Cardo and make him pay for her sister’s death? Will her wedding still push through?

Don’t miss the “Ate” episode of “Ipaglaban Mo,” directed by Don Cuaresma, this Saturday (Feb 10) after “It’s Showtime” on ABS-CBN with a replay every Wednesday on DZMM TeleRadyo and DZMM Radyo Patrol 630.

For more updates, follow @IpaglabanMoCh2 on Twitter, @ipaglabanmoABSCBN on Instagram, or like www.facebook.com/IpaglabanMoABSCBN.

Comments are closed.