EXPERIENCE THE LIFE OF “PANGAKO SA’YO’S” AMOR AND CLAUDIA IN AN EXCLUSIVE FASHION COLLECTION

Amor and Claudia Collection

Iconic teleserye rivals Amor and Claudia are set to add a touch of drama in real life as ABS-CBN and CLN showcase a promising fashion collection inspired by the style of the two powerhouse characters of the top-rating remake of “Pangako Sa’Yo.”

The Amor and Claudia Collection, which is now available in select CLN boutiques nationwide, is the latest wardrobe staple for every fashionista who wants to add color and classic pieces to their everyday wear.

The collection features dresses, tops, bags, clutches, and shoes that are reminiscent of the strong personalities of Amor and Claudia, making fans feel like they are raiding the personal closet of the two rivals.

PSY AMOR CLAUDIA 2

“We exclusively created pieces for the collection. You will definitely see the exact pieces worn by Amor and Claudia. Not all, but some of them were worn in the show that people recognize,” category manager for CLN Valerie Lao shared.

One of the highlights of the collection is the iconic white jumpsuit that Amor Powers donned during her highly-anticipated comeback in the hit teleserye.

Meanwhile, “Pangako Sa’Yo’s” head stylist Rex Atienza also expressed his gratefulness that the wardrobe he styles for both characters is now available for those who want to channel their inner Amor and Claudia. Atienza was also part of the development of the collection to guarantee that it is consistent with the personalities of Amor and Claudia.

Prior to the Amor and Claudia Collection, ABS-CBN and CLN also partnered back in the 2012 for the Memorata shoe collection inspired by “Ina, Kapatid, Anak.” The partnership was made possible by ABS-CBN Consumer Products, the licensing and retail division of ABS-CBN that boosts the presence of Kapamilya brands and properties beyond the TV and the big screen.

 -30-

PSY AMOR CLAUDIA 1

GAWING PEG SINA AMOR AT CLAUDIA NG “PSY” SA EKSLUSIBONG FASHION COLLECTION

Pwede nang gawing peg at makopya ang fashion style at sense nina Amor Powers at Claudia Buenavista, ang dalawang powerhouse na karakter sa hit teleserye remake na “Pangako Sa’Yo” dahil sa kakalunsad lang na ekslusibong fashion collection na sumasalamin sa katauhan ng dalawang iconic na magkaribal.

Ang Amor and Claudia Collection na handog ng ABS-CBN at CLN, ay para sa mga fashionista na gustong dagdagan ng kulay at drama ang kanilang pang-araw araw na outfit tulad nina Amor at Claudia.

PSY AMOR CLAUDIA 3

Tampok sa fashion collection ang mga damit, bags, clutches, at sapatos na sumasabuhay sa personalidad nina Amor at Claudia.

“Gumawa kami ng exklusibong mga pieces na bubuo sa collection. Ilan sa mga nasuot na damit nina Amor at Claudia na nakita na sa teleserye ay bahagi ng bagong fashion collection na ito,” pahayag ni Valerie Lao, category manager ng CLN.

Isa sa mga inaasahang magiging best-seller ay ang white jumpsuit na sinuot ni Amor Powers sa kanyang trending comeback sa “Pangako Sa’Yo.”

Samantala, nagpapasalamat rin si Rex Atienza, ang head stylist ng “Pangako Sa’Yo” sa proyekto ng ABS-CBN at CLN dahil hindi na lang mapapanood sa TV, masusuot na rin ang mga fashionable outfits nila Amor at Claudia ng mga fans.

Bago ang Amor and Claudia Collection, nagkaroon na rin ng tie-up project ang ABS-CBN at CLN noong 2012 para sa Memorata shoe collection na napanood sa “Ina, Kapatid, Anak.”

Mabibili ang Amor and Claudia Collection sa piling CLN boutiques nationwide.

Ang ABS-CBN Licensing ang merchandising arm ng ABS-CBN sa likod ng mga produktong tinangkilik ng maraming Pilipino na inspired ng iba’t ibang programa ng ABS-CBN. Nangunguna sa industriya ng local licensing sa bansa ang ABS-CBN dahil sa mga malikhaing produkto na minahal ng mga manonood. Ang merchandise ng ABS-CBN Licensing ay matatagpuan sa The ABS-CBN Store (abs-cbnstore.com).

 

-30-

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Comments are closed.