Family drama “Mano Po 7: Chinoy” airs on Cinema One this Sunday

Mano Po 7 Chinoy

Watch the tear-jerking journey of a Filipino-Chinese family in “Mano Po 7: Chinoy” starring Richard Yap, Jean Garcia, Enchong Dee, and Janella Salvador as it premieres on Cinema One this Sunday (August 27).

This latest addition to the “Mano Po” anthology is a powerful drama about a family that hopes for love despite deep-seated rifts and differences. The film follows stern tycoon Wilson (Richard), who struggles in balancing business and maintaining connection with his neglected wife Debbie (Jean), former drug-addict son Wilson Jr. (Enchong), and cellist daughter Carol (Janella).

According to a review from the Catholic Bishops Conference of the Philippines – Catholic Initiative for Enlightened Movie Appreciation, viewers will appreciate the movie for its respect for family values, marital sanctity, reverence to the elderly, understanding of each one’s weaknesses, and the importance of honesty in making relationships whole.

Michelle Tan of Chinese-Filipino lifestyle magazine program Chinoy TV also commended Richard’s powerful performance in the movie. She said, “Richard Yap was obviously the best fit for the character, Wilson, given that he is a Chinoy himself, it’s his comfort in portraying the character of a rich Chinese businessman and his fluency in Fukien that made his character natural.”

The cast also includes Jake Cuenca, Marlo Mortel, Kean Cipriano, and Jessy Mendiola.

Catch the premiere of “Mano Po 7: Chinoy” on Cinema One’s Blockbuster Sunday at 8pm. Cinema One is available on SKYcable Channel 56, Destiny Cable Analog 37, and Digital 57. Like Cinema One on Facebook at facebook.com/Cinema1channel to view full schedule.

 

“MANO PO 7: CHINOY,” MAGPAPALUHA SA CINEMA ONE NGAYONG LINGGO

Panoorin ang nakakaantig na kwento ng isang Filipino-Chinese family sa “Mano Po 7: Chinoy” na pinagbibidahan nina Richard Yap, Jean Garcia, Enchong Dee, at Janella Salvador sa Cinema One ngayong Linggo (Agosto 27).

Tampok sa pinakabagong pelikula ng “Mano Po” series ang kwento ng isang pamilya na nag-aasam ng pagmamahal at sinusubukang hilumin ang malalalim na sugat na dala ng kanilang mga pinagdaanan. Isang business tycoon si Wilson (Richard) na pilit na binabalanse ang kanyang panahon sa pagitan ng negosyo at pag-aayos ng relasyon nila ng asawang si Debbie (Jean), at ang samahan nila ng anak na si Carol (Janella) pati na si Wilson Jr. (Enchong) na dating nalulong sa droga.

Ayon sa review ng Catholic Bishops Conference of the Philippines – Catholic Initiative for Enlightened Movie Appreciation (CINEMA), “masisiyahan ang manonood nito pagka’t iginagalang ng pelikula ang mabuting hangarin ng bawa’t isa sa pamilya, ang kasagraduhan ng pag-aasawa, ang kahalagahan ng pagpipitagan sa mga magulang at nakatatanda, ang pang-unawa sa kahinaan ng tao, at ang pangangailangan sa hinahon at katapatan sa pagbubuo ng relasyon.”

Kinilala naman ni Michelle Tan ng Chinese-Filipino lifestyle magazine program na Chinoy TV ang natatanging pagganap ni Richard sa pelikula. Ayon sa kanyang isinulat na review, bumagay at nagmukhang natural sa aktor ang karakter nito bilang isang mayamang negosyante na mahusay magsalita ng Fukien.

Kasama rin sa pelikula sina Jake Cuenca, Marlo Mortel, Kean Cipriano, at Jessy Mendiola.

Panoorin ang “Mano Po 7: Chinoy” sa Blockbuster Sunday ng Cinema One ngayong Linggo, 8pm. Mapapanood ang Cinema One sa SKYcable at Destiny Cable Digital Ch. 56, at Destiny Analog Ch. 37. Sundan ang Cinema One sa Facebook facebook.com/Cinema1channel para sa kumpletong schedule nito.

Comments are closed.